My body froze. Ganoon din naman siya na hindi agad nakagalaw.
"Angel, this is Randal the groom." Ani Aria sa akin at tumayo.
Hindi agad ako nakagalaw agad at ganoon din si Randal. Mas nauna lang siyang nakabawi sa akin at naglakad palapit sa akin. Agad akong tumayo at bahagyang napa urong sa paglapit niya.
"Randal," Aniya at inalok ang kanyang kamay
Pinag papawisan ako. I stared at his hand. Ginawa na namin ito. I tried my best not to shake ngunit nang umangat ang aking kamay para tanggapin ang kanya ay kitang kita ang panginginig noon.
"A-angelica." Sagot ko
Kumunot ang noo niya at binawi ang kamay saka umikot sa lamesa para maupo sa aking harapan.
Naupo na din si Aria at ako na lang ang huling naupo. Kung hindi pa dadating ang isang staff doon para magbigay nang mga hiniram ng kubyertos ay hindi pa ako makakagalaw.
Pinagmasdan kong kumuha si Aria at naglagay nang kanya. She taste it bago ngumiti sa akin.
Umangat ang tingin ko kay Randal na ngayon ay prenteng naka sandal sa kanyang inuupuan habang nakahalumbaba at naka titig sa akin. There's a ghost smile plastered on his face. Ang daliri niya ay bahagyang nilalaro ang ibabang bahagi nang kanyang labi.
Nang magtagpo ang mata namin ay tinaasan niya lang ako nang kilay.
"This is so good." Ani Aria
Mabilis akong nagiwas nang tingin kay Randal at bumaling kay Aria saka bahagyang ngumiti.
This is sin!
Nakakahiya! Bakit kung sino pang lalaking pinagbigyan ko nang sariling katawan ko ay doon pa sa taong ikakasal na?
Ano na lang ang sasabihin ni George sa akin kapag nalaman ito? Tama na ang isang beses na alitan. Ayoko nang dagdagan pa!
"Can I taste?" Narinig kong saad ni Randal
Hindi ko siya kinibo at tinignan man lang. Nahihiya ako. Pakiramdam ko kapag umangat ang mukha ko para tignan silang dalawa, makikita ni Aria ang mga nangyari sa pagitan namin ng fiancé niya!
"Sure. You'll love how that taste." Ani Aria at nagbigay ng kubyertos kay Randal
Tumingin ako kay Aria at bahagyang ngumiti. Kung kanina ay maganda pa ang ngiti ko sa kanya, ngayon pakiramdam ko distorted ang mukha ko para lang maka ngiting muli. My god, Kasja Angelica! Anong kagagahan ito!
"S-so..." I cleared my throat, "So, have you decided?" Tanong ko kay Aria
Tumango tango siya, "I like this one." Itinuro nya ang pagkain na kinakain, "Siguro ito na lang for cake." Nilingon niya si Randal, "What do you think?"
Napatingin din ako kay Randal. What if I just pretend that I don't know who he is? Pretend na wala akong maalala? Maybe, in that way mas maayos. Walang awkwardness.
Awkwardness? Mukhang ako lang naman ang nakakaramdam noon sa aming dalawa!
Is he used to doing that? Ilang beses pa niyang nagawa ang mga bagay na iyon? He's cheating on Aria?
"I don't like this one. Is there anything else?" Sagot ni Randal
Nanlaki ang mata ko.
"Masyadong matamis sa panlasa ko. Is it fine with you?" Aniya at tinanong muli si Aria
Tumango si Aria, "Yes but if you don't like it, then palitan."
Kumuha pa ako nang ilang samples sa tupper wear na dala dala ko saka isinerve sa kanilang dalawa. Saka tahimik na pinagmasdan ang bawat pag tikim ni Aria.
BINABASA MO ANG
Bad Boy Series 4: Stripped
Ficción GeneralFormer Ways To Tame the Bad Boy (Read the full story on Patreon.) Kasja Angelica Dela Vega is bound to marry Vince Guevarra. That's a promise that needs to be done. Ngunit hindi gaya ng inaasahan, they both keep on making mistakes just to keep the w...