The reason why I stopped writing this one is because of my grammar and filipino balarila. Ayoko na ma-bash. Please do educate me properly kasi tatanggapin ko naman and I am more than willing to learn. Pero sana 'wag naman kayo harsh kasi masakit din. 'Di po ako nakikipag compete sa inyo o sa iba at lalong lalo na hindi ako nagmamalaki kasi wala pa akong maipagmamalaki talaga. Kung magaling kayo, edi congrats po. Buti pa kayo magaling. Pwede niyo po ako turuan. Nakikipag usap po ako sa message. :)
----
T-shirt ni Randal ang suot ko at ang sariling pantalon. I just got a hard time walking in the sand with my heels.
Ito ang suot ko sa cafe hanggang magisingna lang na nasa lugar na ito na lang ako.
Lumapit kami sa isang maliit na stall doon na mayroong iilang tindang damit. Randal doesn't want me to buy clothes here ngunit masyado namang gagastos kung sa mismong mall pa kami sa syudad pupunta para mamili.
Kumuha ako nang ilang t-shirt at naghahanap na ng shorts nang lumapit sa akin si Randal. Kabababa niya lang nang cell phone niya mula sa tenga.
"I already bought underwear for you." Aniya
Naramdaman ko ang pag haplos ng kamay niya sa beywang ko kaya agad akong napatigil at nilingon siya.
"What do you mean?" Takang tanong ko
He shrugs at my question, "'Yan lang ba ang bibilin mo?"
Nilingon ko ang dala dala at ibinigay sa kanya, "I'll just get shorts."
Kumuha lang ako apat na piraso saka kinuha kay Randal ang ilang babayaran ko pa.
Kukunin ko pa lang ang wallet ko nang mag baba agad si Randal ng one thousand peso bill. Nilingon ko siya at sinimangutan ngunit hindi na din umangal.
He bought me here. Wala akong kaalam alam. Nagising na lang akong nandito na. Kaya dapat lang na gastusan niya ako.
Pumasok kami sa isang tindahan na may mga swim suits. I grabbed one color red two-piece and yellow one-piece swim suits. Si Randal na din ang nag bayad.
Kumain na muna kami sa labas bago kami nagpasyang umuwi na.
Hapon na nang dumating kami at hindi na din mainit ang araw kaya naisipan kong mag swimming na lang muna sa dagat.Inilublob ko ang katawan sa tubig habang ang mahabang buhok ay maayos na nakataas sa aking ulo. I closed my eyes and feel the water against my skin. Bahagya pa akong tinatangay tangay nang mga alon.
Nilingon ko ang bahay ni Randal. Hindi naman na ako lumayo pa sa pampang. Nang maabot ng tubig ang aking tiyan ay tumigil na ako at nanatili sa tayo. Paminsan minsan ay tinatangay ng tubig.
Lumabas si Randal mula sa bahay. He's only wearing board shorts na kulay blue. Wala siyang kahit na anong suot pang itaas.
May dala dala siyang recliner. Sa likod niya naka sunod ang isang matandang lalaki na may dalang isa pang recliner na puti at malaking payong. Ang isang matandang babae naman ay may dala dalang tray na may laman na mga pagkain.
Pinagmasdan ko silang maghanda doon. Ang dalawang recliner na puti ay nasa magkabilang gilid at sa gitna ang maliit na table na tinutusukan ng malaking payong. Doon din naka lagay ang pangkain na nasa tray.
Sandaling kinausap ni Randal ang dalawa bago muling pumasok sa loob ng bahay. Si Randal naman ay nanatili sa kanyang kinatatayuan. Humarap siya sa akin at humalukipkip.
Kahit sa kalayuan ay kitang kita pa rin talaga ang ganda ng katawan ni Randal. Ngumisi siya bago naupo sa recliner na nandoon at kinuha ang isang basong may laman na orange juice.
![](https://img.wattpad.com/cover/51410494-288-k736267.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad Boy Series 4: Stripped
Ficción GeneralFormer Ways To Tame the Bad Boy (Read the full story on Patreon.) Kasja Angelica Dela Vega is bound to marry Vince Guevarra. That's a promise that needs to be done. Ngunit hindi gaya ng inaasahan, they both keep on making mistakes just to keep the w...