CHAPTERS AHEAD ON PATREON.
www.patreon.com/officialwhosthatgirl
I'll stop posting this here in the meantime as I am editing the other first stories of the series.
-----------------------------------------------I stared at Vince for a few seconds before finally realizing what he said. Marahan siyang ngumiti sa'kin bago hinawakan ang kamay ko at pinisil 'yon. Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa'kin.
"If you're not comfortable here... It's okay if you want to go home and rest." Aniya
Umangat ang tingin ko sa kalsada bago niya dahan dahan binitawan ang kamay ko at nag mane-obra ng sasakyan papaliko sa isang puting gate.
Ilang sandali pa bago tuluyan na huminto ang sasakyan ni Vince pagkatapos pumarada ng maayos. Isang beses kaming nagka tinginan bago niya nilingon si Keia sa likod at saka ako muling binalingan.
"I can drive you—"
Umiling ako. Vince needs me today. I know how hard this is for him kaya bakit ko uunahin ang sarili ko para lang maka iwas sa isang tao?
"I can manage." Saad ko habang tinititigan ni Vince, "Besides, hindi naman niya alam na nandito ako. He won't notice."
Dahan dahan tumango si Vince sa'kin bilang pag sang-ayon sa gusto kong mangyari bago kami nabulabog ng isang katok mula sa bintana ko. Mabilis naman bumaba si Vince at kinausap ang kumatok na lalaki sa labas ng kotse. He's not familiar with me kaya hinayaan ko na lang. Bumaba na rin ako at kinuha si Kiea mula sa backseat. Mabilis naman na yumakap ang anak ko sa'kin habang palinga linga sa paligid.
Ibinaba ko si Kiea t'saka lumuhod sa harapan niya para maiayos ang suot niyang nalukot na dahil sa pagkakaupo sa loob ng sasakyan. Pinagpagan ko ang suot niyang dress saka inayos ang kanyang buhok.
"Mommy, is he Dad's friend?" Sabay turo niya sa malayong likuran ko
Sinundan ko ang tinuturo niya para tignan t'saka muling hinarap si Kiea at tumayo. Umiling ako at humarap na rin kina Vince.
"I'm not sure, Kiea. I haven't met him, yet."
Humawak ang anak ko sa kamay ko bago tumango, "I think he is."
Bago pa man kami makalapit sa kanila ay umalis na ang lalaking kausap ni Vince pagkatapos bumita sa'kin gamit ang isang ngiti.
Hinawakan ako ni Vince sa beywang saka bumulong, "He's coming tonight."
I just looked at him. I expected this one but was still surprised that he would come. I nodded and smiled at him, assuring Vince that it is fine.
Tumango siya sa'kin bago binuhat si Keia. Ang isang kamay niya ay hinila pa ako palapit sa kanya.
Madaming tao ang labas pasok sa venue. Mga kilala sa industriya at ang iba naman ay talagang kaibigan na rin ng pamilya nila Vince. The whole place was quiet ngunit maririnig mo pa rin ang ilang bulung bulungan ng mga nagbabatiang mga magkakakilala.
Unti unti na rin napupuno ang mga upuan at ang pag baha ng mga pagkain para sa mga bisita. Lumapit si Vince sa'kin para mag abot ng isang juice para kay Keia pagkatapos ay lumapit na rin sa mga bisitang dumadating pa. Halos mapuno na ang buong lugar ng malalaking bulaklak.
Hindi naman nagtagal ay nag umpisa na rin ang pag papadasal para sa gabing 'yon. Halos hindi ako makalingon sa mga taong pumapasok dahil sa takot na isa siya sa mga makikita ko ngayon gabi.
I wonder how he is? Nang umalis ako ay tinigil ko na rin ang pagtatanong ng kahit na anong tungkol sa kanya. Ni hindi ko na rin alam kung ano ba ang naging lagay niya. Is he married? I guess, so. Sa tagal na nang panahon, baka nga talagang kasal na siya ngayon. May pamilya? Siguro.
BINABASA MO ANG
Bad Boy Series 4: Stripped
General FictionFormer Ways To Tame the Bad Boy (Read the full story on Patreon.) Kasja Angelica Dela Vega is bound to marry Vince Guevarra. That's a promise that needs to be done. Ngunit hindi gaya ng inaasahan, they both keep on making mistakes just to keep the w...