Episode 26

227 10 0
                                    

CHAPTERS AHEAD ON PATREON.
www.patreon.com/officialwhosthatgirl

-----------------------------------

Because of Nash's announcement about her not-so-engagement with Dae, the girls are all hyper. Nangunguna si Cassie sa lahat at talagang kahit alanganin na ng gabi ay nag emergency book pa siya ng isang room sa kanilang hotel. They wanted a night over, like what we're all doing when we were still in college, but now, they have their kids with them.

Ang sabi nila, ang mga anak na lalaki ay kasama ng mga asawa nila at ngayon naman ay nakila Dae dahil inaya ni Gregg ang mga ito na mag inom. They were all okay with the setup kaya natuloy.

Randal:

Gregg's inviting me for a drink. He said you're with Cassie. Are you okay?

Umirap ako saka bumuntong hininga at muling tinago ang cellphone ko sa bulsa. Cassie's dancing with Nash on the center of the living room. Malaking suite ang kinuha nila kaya nag kasya kami pati ang mga anak nilang mga babae. The kids are sleeping na pero ang anak ni Quency at Cassie ay karga karga pa rin nila. May hawak hawak pang bote ng gatas ang anak ni Cassie habang naka sampay ito sa beywang niya at nagsasayaw.

Habang kay Quency naman ay tahimik na nakayakap lang sa kanyang ina at nanonood sa iba habang nakikipag usap si Quency kay Summer. Tulog naman na ang lahat ng bata kanina bago kami mag umpisang mag inuman pero nagising lang ang dalawa kaya kinailangan asikasuhin kahit lasing na ang mga ina nila.

"Ano ba kayo ni Randal?"

Napalingon ako kay George na nasa tabi ko. Mula sa kamay kong itinago ang cellphone sa bulsa ay umangat ang tingin niya sa mukha ko. Sa itsura ng mukha niya ay parang may alam siyang hindi ko alam.

Umiling ako, "Wala?"

Kumunot ang noo niya, "Wala? Pero magkasama na kayo?"

I nodded, "Live in partners?"

"Yun lang?"

Tumango akong muli sa kanya, "Ano pa ba? He's the father of my child, I'm living with him. We don't have any relationship other than that."

"Fuck buddies?"

Umirap ako at tinuon ang mata sa dalawang lasing na nagsasayaw sa gitna. Umiiyak tumatawa na si Nash ngayon habang patuloy ang pagsasayaw. Cassie's drunk, too, but she's still in control.

George laugh at something I don't get. Hindi ko alam kung may nakakatawa bang nangyari o nakakatawa lang talaga ang sinabi niya?

"You like him." She said

Umiling lang ako at nag iwas ng tingin. I like Randal as a person, but romantically? Wala kaming gano'n. We never started that way. Kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi pa sapat para bigyan ng ibang kahulugan. Maybe because... Nilingon kong muli si George na nakatingin sa'kin at nag aantay ng sagot ko.

"I like him, George. I like him as a person, as someone who I can rely on, a person who can help my Father with his case. I like him like that but not... Romantically. I find him attractive and that's all."

Kumunot ang noo niya, "What? Akala ko ba gusto mo siya as in... gusto?"

Dahan-dahan akong umiling. I don't know how to explain it pero alam kong naintindihan na rin naman niya 'yong sinabi ko kahit na papaano dahil sa ngayon, ang alam ko lang, wala akong ibang nararamdaman para kay Randal.

But I choose him. I will always choose him.

Natapos ang gabi na umiiyak si Nash dahil sa frustrations niya. Her story with Dae is not good at the start. Naging maayos lang dahil dumating si Argos. Argos serves as the anchor of the relationship that's left with them. At ngayon na nag propose na si Daelan kay Nash, she can't say yes dahil sa takot na nararamdaman niya.

Bad Boy Series 4: StrippedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon