Dahan dahan at maingat kong nilagyan nang icing ang cake na nasa aking harapan habang dahan dahan ding iniikot iyon.
Maaga akong dumating sa Infinity at nagumpisang mag bake. Tatlong flavor nang cake ang ginagawa ko habang isa isang dumadating ang ibang employees.
"Good morning, ma'am! Ang aga natin ah!"
Ngumiti ako bago inilapag ang icing. Tumabi sa akin si Aljo. Isang waiter.
"Madaming kailangan tapusin kasi ngayon." Sagot ko bago siya nilingon pagkatapos titigan ang cake na ginawa ko, "Nakapag bukas na ba kayo?"
Umiling siya bago nag suot nang apron. May suot na siyang hair net at mouth mask. Iyon kasi ang rule namin dito sa restaurant. Kapag papasok ka ng kitchen, may sure na sanitized ka na at suot mo ang hair net at mask mo.
"Hindi pa po. Nag ma-mop pa lang si Joss at nag pupunas nang mga table si Caitlyn."
Tumango ako, "Ilabas mo na yung isang cake doon sa estante."
Agad naman siyang sumunod sa akin. Lumabas ako at nakita ang ibang employees na gumagawa na nang mga gawain nila.
Nilapitan ko si Mon na bartender namin na ngayon ay nag pupunas nang mga bagong hugas na mga blender.
"Mon," Tawag ko bago iabot ang special offer namin ngayon. Kinuha niya iyon at kumunot ang noo.
"Ma'am, kulang na tayo sa vanilla nga pala." Aniya
Tumango ako, "Nag order na ako. Sabi nila by 3PM nandito na sila."
"Aabot pa ba yun, ma'am? Alam ko po ay hindi na kasi."
Pinag masdan ko si Aljo na ayusin ang cake pagkatapos i-slice iyon at ilagay sa estante.
"Abot pa yan, Mon. May nakita pa akong isang extra sa ilalim ng freezer. Unahin mong gamitin yun kasi pa-expire na next month."
"Sige po."
Kumuha ako nang papel at marker saka nag sulat nang flavor nang cakes na ilalabas namin ngayon.
"Ma'am, pa-expire na ang ilan dito bukas. Itatapon ko na ba ito?" Tanong ni Jessa sa akin.
Nilingon ko siya at hawak hawak niya ang basket na puno nang ilang tinapay na binake ko din. I made sure na nilalagyan ko nang expiration ang mga iyon para alam namin kung safe pa at pwede kainin.
"'Wag mo itapon. Sayang naman. Kainin na lang natin pang merye-meryenda. Ilabas mo yung mga bagong bake ko. Naka wrapped na iyon." Sagot ko
Agad naman siyang sumunod sa akin. Bumalik ako kay Aljo na kakabalik lang din galing sa loob para kuhanin ang isa pang cake.
"Ilagay mo ito muna bago mo ipasok yung pangalawang cake para hindi ka mahirapan." Saad ko at iniabot ang mga papel sa kanya.
"Good morning. Aga mo ah."
Napa lingon ako kay Nash na galing sa itaas. Mukhang dito siya natulog ngayon.
"Madami akong binake ngayon."
Lumapit ako sa kanya at sabay kaming pumasok sa likod. Naupo siya sa table doon at humikab. Naglapag naman ako nang kape sa harap niya at agad niya naman ininom.
"Akala ko may lakad ka ngayon?" Tanong ni Nash
Tumango ako sa kanya, "Meron nga. Papunta pa akong Tagaytay."
Uminom siya nang kapeng ibinigay ko, "Magtatagal ka ba 'don?"
Nag kipit balikat ako at naupo sa tabi niya para makapag pahinga nang konti. Kaninang umaga pa naman ako naka tayo dahil sa mga binake ko.
BINABASA MO ANG
Bad Boy Series 4: Stripped
Ficção GeralFormer Ways To Tame the Bad Boy (Read the full story on Patreon.) Kasja Angelica Dela Vega is bound to marry Vince Guevarra. That's a promise that needs to be done. Ngunit hindi gaya ng inaasahan, they both keep on making mistakes just to keep the w...