Episode 20

418 11 3
                                    

CHAPTER AHEAD ON PATREON
www.patreon.com/officialwhosthatgirl
-----------------------------------

"Nabasa ko na 'yan. Nag aagawan ang dalawang heiress kung saan magpapakasal si Randal. Since it was business at nang mga panahon ata na 'yan ay matunog ang pangalan ni Randal pagkatapos nang issue niya."

"My Dad said that Randal doesn't like a business. Kung matunog ang pangalan niya nang mga panahon na 'to, bakit hindi siya kilala ni Daddy?" Tanong ko

Nag kibit ng balikat si George sa'kin, "Maybe because Tito really wants Vince for you. Akala nang lahat, kabit mo si Randal, at kung ako ang tatay mo at 'yon ang malalaman ko, ilalayo kita sa taong makakasira nang pangalan mo."

I get that. Ngunit bakit kailangan niyang siraan ang tao sa'kin kung ganoon? It's not as if I will get married to Randal. Kung titignan, walang namamagitan sa'ming dalawa. Hindi ko na isinatinig pa 'yon kay George at nagpatuloy na lang ulit sa pagbabasa nang muling mag salita ito.

"Oo nga pala. Guevarra's and Del Francos' are good friends naman pala." Aniya

Tumango ako habang hindi siya tinitignan.

"Until an incident happened. Nagkasira ang dalawang pamilya dahil nagkaroon nang affair ang nanay ni Vince kay Rexel Del Franco."

Napatingin ako kay George at nakatingin din siya sa'kin.

"Hindi pa rin sigurado hanggang ngayon kung isa bang Lopez-Del Franco si Randal o isang lehitimong Zamora-Del Franco."

Nanglaki ang mata ko, "Kung anak nga ni Tita Miriam si Randal, napaka imposible naman na hindi niya alam 'yon?"

George nodded, "Yan din ang naging tanong ko. Pero nalaman ko na bago maging anak nang mag-asawang Guevarra si Vince, ay nagka hiwalay muna ang dalawa nang isang taon at mahigit. Naging espekulasyon 'yon dati dahil nawala rin nang ganoon katagal si Rexel Del Franco."

"Kung ganoon, bakit naman papayag si Mrs. Del Franco na mag alaga nang anak na hindi kanya?" Tanong ko

"Dahil namatayan sila nang anak. Contradicting nga. After giving birth to Rosh, nabuntis muli si Mrs. Del Franco, ngunit nagkaroon nang balita na nakunan daw ito. Pero nagulat ang lahat na may lumabas na anak at si Randal nga."

Hindi nakakapagtaka na magkakaroon nga nang espekulasyon ang media sa kanila nang ganoon ngunit dahil tabloid lang naman ang naglabas nang article na 'yon ay hindi pa rin alam kung totoo o hindi ang mga 'yon.

"I counted that years at saktong sakto kasi ang lahat. Isa pa, may nabasa akong article na luma na nagsabing nagkaroon nga ng affair si Mrs. Guevarra at Mr. Del Franco. Hindi naman nila pinabulaanan 'yon at nanatili silang tahimik sa issue kaya hindi alam kung anong totoo." Saad ni George, "Ang naiisip ko lang dyan ay 'yong part kung saan sakto ang bilang nang buwan na nakunan si Mrs. Del Franco at ang pagbubuntis ni Mrs. Guevarra. Naisip ko, baka ibinigay na lang ni Mrs. Guevarra ang anak niya kay Mrs. Del Franco para wala nang issue. At sinong may pusong ina ang tatanggi sa sanggol? Wala ata."

"Kaya kung ibinigay talaga ni Tita Miriam si Randal kay Mrs. Del Franco, just to conceal the affair, mas magiging maayos ang lahat?"

George nodded, "Yan ang nasa isip ko. Hindi ko maintindihan pa rin ang iba. Kapag tabloids naman kasi, minsan hindi naman totoo."

Tumango ako at bumagsak ang mata sa mga papel. Kung totoong kapatid ni Vince si Randal sa labas, baka nga 'yon ang tunay na dahilan kung bakit malaki ang galit ni Vince rito. At isa pa, sa isang hindi sinasadyang pangyayari, nagkaroon kami nang affair ni Randal habang kami ni Vince.

"Kung anak ni Tita Miriam si Randal, don't you think it's too much na ibinigay mo na nga siya sa iba, sasampahan mo pa ng kaso?" Tanong ko

"We can't tell. Hindi natin alam."

Bad Boy Series 4: StrippedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon