Episode 5

590 22 2
                                    

Panay ang silip ko mula sa kitchen habang naguusap sina Aljo at Randal sa labas.

Sobra sobrang hiya ang nararamdaman ko dahilan para pagkatapos humingi ng tawad ay saka ako tumalikod at umalis na.

Bumaba mula sa second floor si Nash kasama ang ilang customers na palabas na din ng Cafe. Ngumiti siya bago nilingon sina Aljo.

Bumati siya kay Randal at sandali silang nag usap bago siya tumalikod at dumiretso sa counter.

Napa pikit ako. What should I do? I can go out of this building using the back door ngunit ang mga gamit ko ay nasa itaas pa. Hindi ako pwedeng umalis nang basta basta lalo't ang susi ng kotse ay nasa itaas din.

"Ma'am, magliligpit na po ba kami sa itaas?" Tanong ng isang crew.

"Wala na bang customers 'don?" Nilingon ko ang orasan at may isang oras pa kami bago mag close.

"Sabi po ni Miss Nash, wala na daw po." Sagot nito

Tumango ako, "Sige. Isarado mo na din ang taas." Kapag ganitong oras naman ay halos wala na din naman customer ang nagstay sa ikalawang palapag.

Mostly, they will stay for a couple of minutes tapos ay aalis na din naman. Hindi na binabalak na umakyat pa.

Tumango ang crew at lumabas ng kitchen. Sumilip muli ako at nagulat nang makita ang mukha ni Nash na naka silip din sa akin.

"Anong ginagawa mo d'yan?" Takang tanong niya

Sumulyap ako kina Randal nang isang beses bago nilingon si Nash na ngayon ay nasa loob na din ng kitchen.

"Wala." Sagot ko at kunware nag tingin ng mga ingredients.

"Si Sir accountant ang sinisilip mo d'yan ano?"

Napa tigil ako at humagalpak naman ng tawa si Nash saka pabirong sinundot ang pisngi ko.

"Hindi." Sagot ko at hinawi ang kamay niya saka kinuha ang flour para ibalik sa lalagyanan.

"Anong hindi? Eh humahaba na nga yang leeg mo kakasilip d'yan, tatanggi ka pa!"

Umirap ako at hindi na lang siya pinansin. Sinundan ako ni Nash.

"Bakit ka nga ba nag walk out sa date ni'yo? May problema ba? Nagtatanong din kasi ang date ko sa akin. Hindi ko naman masagot at wala akong alam."

Nag kipit balikat ako sa kanya, "Wala naman. Sumama lang ang lasa ko kaya umalis ako."

Inilapag ko ang flour bago yumuko at icheck ang ibang ingredients. Hindi ko naman na kailangan gawin ito dahil may taga check naman kami pero kung uusisain naman ako ni Nash nang ganito, ako na lang ang gagawa!

"Kaya pala hinabol ka pa niya palabas? Para nga kayong nasa isang teleserye. Nakakatuwa ang drama niyong dalawa!"

Hinarap ko si Nash. Tumataas baba pa ang kanyang kilay sa akin habang naka ngisi.

Umirap ako, "Siguro'y nataranta. Hindi na din ako nakapag paalam sa kanya ng maayos." Pagsisinungaling ko

Tumango tango siya at mukhang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Mas lalong lumaki pa ang ngisi niya sa akin.

"Kaya siguro hiningi niya ang number mo sa akin. Kinamusta ka ba?"

Napa kunot ang noo ko. Is that why natawagan ako ni Randal?

Nilingon kong muli si Nash, "Bakit mo ibinigay?"

"Bakit hindi? He's a good catch! Hindi ba't naghahanap ka nang ipapalit kay Vincheater? Siya na lang!"

Bad Boy Series 4: StrippedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon