Chapter 14: Wendy Park
Candy's POV
"Hayyy, may sweet side naman pala si Xander eh" sabi ko kay Chad pagkatapos ng firework display.
"Bakit ano ba tingin mo kay kuya?" tanong niya at nagsimula ng maglakad palabas ng park. Ako din gusto ko ng umuwi eh, bigyan ko muna ng time sila Amber na mas makilala pa ang isa't isa. Sumunod na din ako sa kanya at sabay na kaming naglakad palabas ng park
"Ano, yung casanova. Typical casanova, playboy, bolero, badboy, flirt, malandi, basagulero, mahangin, mayabang, ma--" biglang pinutol ni Chad ang paglalarawan ko sa kapatid niya.
"Teka teka, tama na Candy haha" tumahimik na lang ako.
"Yun talaga tingin mo kay kuya?" tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya.
"Oo" tanging nasabi ko. Natawa siya. Yun naman talaga diba?
"Oh, anong nakakatawa?" nakakunot noong tanong ko sa kanya, wala namang nakakatawa eh.
"Wala lang, dati naman kase hindi ganyan si kuya eh. Naaalala ko lang kung gaano siya kabaduy dati" sabi niya at natawa pa dahil sa pag-alala ng mga nangyari dati.
"Paanong dati?" naguguluhan kong tanong sa kanya
"Madali niyo talaga siyang mahuhusgahan dahil sa pananamit, postura at pagkilos niya ngayon, pero hindi talaga ganyan si kuya" mas lalo naman akong nagtaka.
"So.. ano nga???" paguulit ko ng tanong.
"Ah eh, wag mo ng ungkatin pa ang nakaraan" sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Wag mo ng ungkatin pa ang nakaraan..." sabi ko sa sarili ko at natigilan. Ang lalim non ah...
"Huy! Di nga, ano ba talaga?" sabi ko at tumakbo para maabutan siya. Nagbuntung hininga muna siya bago siya nagsalita.
"Basta" sabi niya at diretso lang sa paglalakad ulit.
"P-pero diba, ayaw mong ganun ang tingin ko sa kuya mo kaya sabihin mo na ang rason kung bakit sya nagkaganun" pagsusumamo ko sa kanya.
"Bahala ka basta di ko sasabihin" sabi niya at tinalikuran na ako. Hinawakan ko ang braso niya, napatingin naman siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Tinanggal ko din agad ang pagkakahawak ko sa kanya
"A-ano, bili na kase sabihin mo na. Pleassee" sabi ko na parang nagmamakaawa na.
"S-sige na nga!. A-ano, pagkatapos nilang maghiwalay ni ... ni... Wendy, Wendy Park... nagkaganyan na siya..." sabi niya
"Wendy Park??" tanong ko, pamilyar sa akin ang pangalan na yun. Parang narinig ko na yun...
"Oo si Wendy Pa--"
"Oo alam ko na" pagpuputol ko sa kanya. Nagpatuloy na lang ulit sya sa paglalakad. Tumigil muna ako sa paglalakad.
"Wendy wendy wendy... saan ko nga ba narinig yun????" tanong ko sa sarili.
"Ah! Alam ko na! Si Wendy!" napa-palapkpak ako sa hangin ng maalala kung saan ko siya narinig. Sa may family gathering! Tama! Pero teka, saan nga ba doon??? Napaisip pa ako ng mas malalim.
Ahhh! Si Chad! Tatawagin ko dapat sya para sabay sabay na kaming lahat kumain kaso narinig ko sya isang beses. Kausap sarili niya. Nabaliw na siguro dejoke lang. May nabanggit syang pangalan eh... si Wendy Park, malapit na daw magbalik si Wendy.
Eh?? Ano namang gagawin ko kung malapit ng dumating si Wendy?
Napahawak ako sa bibig ko, si Wendy.. ex nga pala siya ni Xander!! Tsk tsk!
BINABASA MO ANG
That Casanova (ONGOING)
FanfictionMeet Amber,a happy go-lucky,cute and a beautiful girl.Head over heels siya sa kaklase niyang si Luke.Mukha daw kasing anghel....XD Sa tingin ni Amber ay malapit ng maglevel-up nung relasyon nila Luke... from friends to Gf and Bf ...ngunit biglang pu...