Chapter 3:Akala

118 15 4
                                    

A/N: Update ! Dedicate sa pinsan ko ,MoniqueAmbas . Kung hindi dahil sa wifi nila ngayon ay hindi ako makaka-update :) Salamat ha ! .

 

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>sandwich_maniac<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

Chapter 3:Akala

 

 

Amber's POV

"Hoy BOYFIE ! Bakit ka pinapalibutan ng mga girls diyan ha!" naiinis na sabi ko sa kanya. Tumingin naman sa akin yung mga babae. Napahawak na lang ako bigla sa aking bibig ... bakit ko ba sinabi yon?! siguro may nag-urge sa akin para masabi.

Huwag niyo na ako tanungin dahil hindi ko din alam. Kasabay naman ng pagtakip ko sa bibig ko ay ang pagkita ko ng mapaglarong mga ngiti niya . Tiningnan niya ako

"Ang possessive naman ng girlfriend ko " namula naman ako , hinila ko siya palayo sa mga babae

"Possessive ka pala babe, payakap nga diyan " akmang yayakap na siya sa akin pero pinigilan ko siya.Gawin ba naman akong unan kakayakap lagi!

"Possessive ka diyan . Ok na ! Pumapayag na ako sa sinabi mo , basta magb-break tayo sa pagtatapos ng third day nung celebration ha" sabi ko .

"No problemo babe " sabay killer smile. Inakbayan niya ako , nagulat naman ako at hindi alam kung anong ire-react

"Saan mo gusto pumunta babe ?"sabi niya sabay tingin sa mga mata ko,napatingin naman din ako sa kanya pero wala talagang lumalabas sa bibig ko !Kahit maibuka nga hindi ko magawa eh , ano ba nangyayari sayo Amber !!. Napaiwas ako ng tingin sa kanya kasi ang lapit-lapit namin sa isa't-isa ! Diba nga naka-akbay siya sa akin .

"D-dun sa m-may g-gate ,b-baka n-nag-iintay dun si Candy " sabi ko sabay iwas ng tingin .Nakakailang kaya !

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng school , medyo malayo din kasi nasa kaloob-looban yung kinaroroonan ni Xander kanina .Mabagal lang kaming naglalakad , napatingin naman ako sa kamay niya na nasa balikat ko. Ehhhh ! Parang talagang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa katawan ko ngayon ! Namula na naman ako ...

Nakakailang talaga ! Stay normal Amber ! Pinasok ko na ito eh , edi panindigan ko na .Sa hindi namang inaasahang pangyayari ay awtomatikong napatingin ang mga mata ko kay Xander....a-ang ...gwapo niya ...WAHHHHH!!! Erase erase!! Mga pinag-iisip ko! Napatingin naman siya sa akin at ngumiti , agad akong umiwas ng tingin...namumula na naman ako! Baka mamaya niyan makulangan ako ng dugo sa ibang parte ng katawan dahil yung lahat ng dugo ko ay napunta na sa mukha ko.

"C-candy !" napatingin si Candy sa direksiyon namin at nagulat siya .

"T-teka lang Xander " sabi ko sabay tanggal sa kamay niyang naka-akbay sa akin.Lumapit naman ako kay Candy na ngayon sa tingin ko ay naguguluhan

That Casanova (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon