A/N: Yay! Kahit hindi pa nakakaabot ng 1k reads itong story kong ito eh napakalaking achievement na para sa akin ang pagkakaroon nito ng 100+ votes. Thanks sa support niyo guys! Lalo na sayo :) Thanks sa flood votes at sa pagbabasa :) Actually plano ko talagang i-dedicate sa iyo ang chapter na ito. Sana di mo na sinabi at nagcomment ka na lang ng insight mo XD. Salamat ulit sayo :) Pwede paki-comment ang overall critique mo dito sa story na ito? Thanks :))))
Sabaw na sabaw lang ito guys wala akong maisip lol.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>sandwich_maniac<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
Chapter 20: Mr. Teddy
Amber's POV
Nakatingin lang ako sa may kisame ng kwarto ko, nakahiga pa din ako at hindi makatulog. Specifically sa poster ni baby Luke sa may kisame. May disadvantage din pala itong mga posters sa loob ng kwarto ko... hindi ako makapagisip ng maayos dahil madaming distractions.
Kagabi nangyari ang lahat. Buti nakatulog pa ako kahapon kesa ngayon. Nandito lang ako sa bahay namin buong magdamag. Hindi ko nga alam gagawin ko eh lalo pa't weekends.
Iginilid ko ang ulo ko pakanan para makita ang orasan kong nakalagay sa may table katabi lang nitong kama ko. Quarter to nine pa lang pala. Maaga aga pa pala. Huminga muna ako ng malalim bago bumangon na para gawin ang bagay na naiisip ko.
Tatanggalin ko na ang mga posters ko ni Luke dito. Hindi ko sila itatapon... itatabi ko ang mga ito sa isang safe place. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko at pumunta na sa poster sa tabi nito.
"Ummm bye Baby Luke, itatago muna kita ha" pagkausap ko sa poster na kaharap ko. Sinimulan ko na rin itong tanggalin.
Hoooo, ibinagsak ko ang katawan ko sa aking kama. Inabot din ako ng halos 45 minutes pagkatapos kong matanggal lahat. Tumambad naman sa akin ang plain yellow green room ko. Hmmm mukhang mas maganda kung ganito ka plain. Hay, ano nga bang pumasok sa utak ko at naisipan kong punuin ng mga pictures and posters ni Luke itong kwarto. Ngayon ko lang din naisip na medyo creepy din yung ginagawa ko. Paara akong isang stalker sa lagay na yun.
Bigla namang may kumatok sa kwarto ko at pumasok si ate na may dala dalang malaking kahon.
"Gabi na ah, di ka pa natutulog... Oh, ang linis ng kwarto mo ah. Anyare sa mga posters ni Luke" sabi niya habang pinagmamasdan pa ang tila bagong linis na kwarto. Napatayo naman ako.
"Ah hehe, oh bakit may dala kang kahon ate?" tanong ko sa kanya.
"Pinapatanong kase ni mama kung may mga gamit ka ng di na kailangan. Itatapon na. Hmm mukhang meron nga." sabi ni ate at napadako ang mata nito sa mga posters ni Luke sa may sahig.
"Ops ops! Hindi ko ito itatapon! Itatago ko lang ito huwag ka!" sabi ko sa kanya at umakto pang pinoprotektahan ang mga posters.
BINABASA MO ANG
That Casanova (ONGOING)
FanfictionMeet Amber,a happy go-lucky,cute and a beautiful girl.Head over heels siya sa kaklase niyang si Luke.Mukha daw kasing anghel....XD Sa tingin ni Amber ay malapit ng maglevel-up nung relasyon nila Luke... from friends to Gf and Bf ...ngunit biglang pu...