Chapter 11: Announcement???

55 6 0
                                    

A/N: Waaaahhhh!! I'm back guys!!! Pasensya na talaga, sadyang busy ako sa school... and I think magiging busy ulit ako :(. ...well ito na yung update :) 

***

Chapter 11: Announcement???

Amber's POV

Ughh... minulat ko ang aking mga mata...

teka... nakidnap na naman ba ako? Nandito pa rin ako sa hindi pa narerenovate na clinic... actually hindi naman talaga ito irerenovate eh.. may ginagawa na kaseng bagong clinic ang school and di pa yun tapos kaya dito muna. Hindi na nga siya mukhang clinic eh kase all this time hindi pang clinic ang pagkakagawa dito... more on.. Xander's choice by the way... wala talaga yung kataste-taste.. nagmukha pa tuloy parang abandoned building ang clinic because of it's grey paint on the walls imbis na white and...an electic fan imbis na aircon. May chemicals na daw kaseng inilalabas ang mga aircons ngayong panahon sabi nila...

Medyo weird talaga sa school na ito. 

"Ahh ahh" umupo ako mula sa pagkakahiga. Masakit pa rin yung sampal sa akin ni Victoria. Nilibot ko ng tingin ang buong clinic ...okayy, ako lang pala ang tao dito...

Naalala ko na naman yung time na naisipan kong nakidnap ako haha . Bakit ko nga ba naisip yon eh alam ko namang ganito talaga ang clinic ng school namin XD. Eh isang beses pa lang naman kase ako nakakapunta dito eh.. mga 5 years ago? Ah ewan!

"Ohhh" nasabi ko na lang ng may nakapa akong bagay sa may tabi ko... yung cellphone ko na sira sira na...

Napayuko ako at niyakap ang aking mga tuhod. 

Narinig kong biglang bumukas ang pinto. Itinaas ko ang aking mukha upang makita ko kung sino ang pumasok.

"Gising ka na pala Amber" sabi ni Luke saka tumabi sa akin

"May nararamdaman ka bang sakit sa katawan" nagaalalang tanong ni Luke. Humindi na lang ako kahit may nararamdaman akong sakit. Ayokong mag-alala siya.

"Sigurado ka? Tatawagin ko yung nurse sakaling may nararamdaman kang sakit" pagpupumilit pa niya. Tumango na lang ako at nginitian siya.

Tumalikod ako sa kanya, dahil na rin sa hiya dahil sa nangyari doon sa cafeteria. Yumuko ako. "S-salamat nga pala kanina, b-buti dumating ka" sabi ko ng nakatalikod pa din

"Amber..." sabi niya at hinawakan angbalikat ko. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko.

"L-luke pwede bang iwan mo muna ako" sabi ko sa kanya. Binalot ng katahimikan ang paligid pero tumayo din siya pagkaraan ng ilang sandali at tuluyan ng lumabas ng clinic. 

Mas niyakap ko pa ang aking mga tuhod at isinubsob ang mukha doon.

Ang tanga ko grabe... ang tanga tanga ko... ANG TANGA MO AMBER! Bakit pa kase ako pumayag eh?!! Ang tanga tanga ko lang! Mas lalala pa ang panggugulo ni Victoria kapag pinagpatuloy ko pa ito eh! Dapat iniwasan ko na lang si Xander eh.. dapat matagal ko na syang iniwasan...

That Casanova (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon