Updated na!!. Enjoy lang sa pagbabasa sa baliw na story na ito ^_^. Beware for MANY bad words guys. Sa mga hindi kumportable dyan sa badwords pasensya na. Ok papalitan ko na rating nito.. mula "General" gagawin ko ng "Parental Guidance" heheh. Ngayon lang naman itong mga mura :)
***
Chapter 9:Runaway
Amber's POV
Saan ba kasi kami pupunta ?? Nakabusangot kong tanong sa isipan habang nakatingin pa rin sa view sa labas ng sasakyan.Tumingin ako sa kanya, si Xander naka poker-face na nagda-drive lang. Siguro napapanghihan na ito sa ihi ng alaga niyang aso, nakakulob pa naman itong kotse niya.
Bubuksan ko sana yung bintana para makawala yung panghi pero bigla siyang nagsalita
"Anong gagawin mo?" nakatingin pa rin sa kalsadang sabi niya.
"Ummmm, bubuksan lang ang bintana ??"sabi ko.Umusod naman siya para buksan ang bintana. Nagulat naman ako nung magkadikit kami.Napayuko na lang ako at umiwas. Bumalik na siya sa pwesto niya saka nagdrive na ulit.Hooo that was close! Pwede namang ako na lang ang magbukas ng bintana eh.
Pagkatapos ng ilang sandali ay tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang mall. Mall?? Anong gagawin namin sa mall?
Bumaba na si Xander kaya bumaba na rin ako. Bakit sa mall pa niya ako dinala?? Eh alam naman niyang ang panghi panghi ko ngayon! Nahihiyang naglakad ako papasok ng mall, mabilis maglakad si Xander kaya naman nauuna siya sa akin. Hintayin mo naman ako Xander! Waaahh! Nakakahiya!! Maya-maya may makakapansin na din ng mapanghing amoy panigurado! Unti-unting bumabagal ang paglalakad ko,siguro dahil sa hiya?
Mukhang napansin naman ito ni Xander kaya bumalik ito,hinawakan ako sa kamay at saka kami naglakad...ng magkasabay. Nabigla ako ngunit sinabayan ko na lang din siya sa paglalakad.
Binitawan ko din siya agad at napatigil ng malamang malapit na kami sa bungad ng mall, kung saan kinakapkapan ka ng gwardiya. Inamoy ko muna yung damit ko. Napaubo agad ako ng maamoy ang NAPAKA pangheng ihi nung aso. Ayoko ng pumasok sa loob! Dito pa nga lang sa labas hinyang hiya na ako, paano pa kaya kung nasa loob na???
Napatingin naman ako kay Xander. Nakatingin lang din siya sa akin. Inilahad niya ang kamay niya ,napalunok ako.
"Tititgan mo lang ba yang kamay ko?" parang cool na sabi niya sa akin. Unti-unti kong inilahad ang kamay ko.papasok ba ako?? Tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan.
Ilalayo ko na sana ang kamay ko at aalis na ngunit bigla niya akong hinatak kaya napayakap ako sa kanya.
"Saan ka pupunta?" Nakangiting tanong niya sa akin at niyakap na din ako. Napalunok ako.
"Bitawan mo ko Xander, nakakahiya ang daming tao oh. Dito mo pa ako naisipang yakapin...kung saan maraming tao" may pagkahiyang sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman talaga ang mga PDA.
"Nahihiya ka? Halika itatago kita dito sa mga braso ko" sabi niya. Mas niyakap naman niya ako at ako naman'y napaliyad na lang ng ulo sa kanyang mga dibdib. Wala na rin akong nagawa dahil masyado siyang malakas para makatakas mula sa mahihigpit niyang mga yakap. Ang corny lang nung sinabi niya ... pero aaminin kong napangiti ako...
BINABASA MO ANG
That Casanova (ONGOING)
FanficMeet Amber,a happy go-lucky,cute and a beautiful girl.Head over heels siya sa kaklase niyang si Luke.Mukha daw kasing anghel....XD Sa tingin ni Amber ay malapit ng maglevel-up nung relasyon nila Luke... from friends to Gf and Bf ...ngunit biglang pu...