Chapter 16: Mixed Emotions
Amber's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kanina lang, una ang biglaang pagpapakita ni Luhan sa university tapos sunod naman ay ang pagkakaroon ni Xander ng bagong girlfriend. Pinaniwala niya akong iba siya... na nagiba na siya. Pero siya pa rin talaga itong casanova. Casanova na kayang paikutin at paglaruan ang mga babae...
Nandito kami ngayon ni Candy sa cafeteria, recess kase.
"A-amber, ok ka lang ba?" tanong ni Candy sa akin. Pansin ko ding mukhang pinaguusapan ako ngayon dito ng mga estudyante. Tinitingnan din nila ako na parang may ginawa akong masama. Usap-usapan din dito sa cafeteria ang tungkol sa 'bagong' girlfriend ni Xander.
"Ummm o-oo naman." sagot ko sa kanya
"Dapat nga talaga nakinig ako sayo in the first place. Dapat talaga iniwasan ko na siya, pero... mukhang di na kailangan" sabi ko at tumingin sa pwesto nila sa Xander, mga ilang dipa lang ang layo. Napatingin din si Candy kila Xander at Wendy, naka-akbay pa ito sa babae.
Binawi ko din ang tingin ko at tumingin na ulit kay Candy.
"Hmmm buti naman at dumating na talaga yung girlfriend niya. Atleast di na niya ako guguluhin pa" sabi ko at tumayo na. Tumayo na din siya at sinundan ako.
"Pero.. ganun na lang sayo yun?? Hindi ka man lang ba naapektuhan sa biglang pagdating nung ex-- i mean girlfriend ni Xander?" tanong niya habang tinatahak namin ang hallway.
"Hindi, bakit naman ako maaapektuhan?" inosenteng sagot ko.
" Hindi ka man lang ba nagseselos?? Alam mo kahit ilang araw pa lang kayo magkakilala ni Xander ay sa tingin ko nagkapalagayan na kaagad kayo ng loob" Natawa ako sa sinabi niya.
"Bakit naman ako magseselos, eh hindi naman totoong naging kami." sabi ko at pumasok na ng classroom. Umupo muna siya sa may bakanteng upuan sa tabi ko.
"Ano ba Candy, bakit mo ba pinagpipilitan na nagseselos ako sa kanila?" tanong ko sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.
"Alam kong alam mo na hindi ito ang unang beses na nangyari ito. Na akala mo ay tapos na ang ugnayan niyo. Well tanda mo nung unang beses? Halos kulang na nga eh magpa-party ka sa saya nung makita mo si Xander na may kasamang mga girls. Kase isip mo, may bago na siya. Eh ngayon, ikumpara mo ang mga kilos mo dati sa ngayon." natigilan naman ako sa mga pinagsasabi niya.
"Para kang naluge dahil sa mga pinag-aakto mo." Napatingin ako sa kanya. Nagmistulang pipe ako ng mga sandaling iyon, tila pinutulan ako ng dila at hindi makapagsalita. Bumalik na din siya sa upuan niya nung pumasok na ang aming guro.
Nagsimula na ding magdiscuss ang guro ngunit parang wala ako sa sariling nagiisip ng malalim.
Nabigla lang naman talaga ako eh, nabigla dahil sa biglang pagbalik nung ex ni Xander na ngayoy girlfriend niya na. Atsaka bakit naman ako maaapektuhan... wala naman akong pagtingin sa kanya eh. Haist, grabe gulong gulo na ang utak ko!
"Huy, may problema ka?" natigilan ako sa pagiisip ng bigla akong siniko ni Luke. Napatingin naman ako sa kanya
"A-ano?" tanong ko at umayos ng upo.
"Wala, pansin ko lang na parang may iniisip ka. Tingnan mo di ka na tuloy nakikinig sa guro natin" sabi niya habang tutok pa din ang atenstyon sa teacher namin.
"Iniisip mo ba yung tungkol kay Wendy?" tanong niya. Wala na din naman akong choice kaya tumango na lang ako. Mabuti ng may mapaglalabasan ako ng loob. Hindi yung kinikimkim mo lang lahat ng nararamdaman mo.
BINABASA MO ANG
That Casanova (ONGOING)
أدب الهواةMeet Amber,a happy go-lucky,cute and a beautiful girl.Head over heels siya sa kaklase niyang si Luke.Mukha daw kasing anghel....XD Sa tingin ni Amber ay malapit ng maglevel-up nung relasyon nila Luke... from friends to Gf and Bf ...ngunit biglang pu...