Chapter 8:Mystery Chef

69 8 0
                                    

Update again! Kung gusto niyo mag pa-critique ng story ay dun kayo kay MsRedMonster :) Honest siya sa mga critique niya kaya siguradong may maiimprove kayo sa story niyo :)Iba po ang timeline nito sa panahon ngayon ha ! Please basahin niyo din yung iba kong stories ...please...:) May bago po akong ongoing na story!! Ang title po ay "My Ghostly Encounter" ,natatandaan niyo ba yung sinabi ni Amber sa may chapter 4? Yung natatakot siyang lapitan yung isa niyang kaklase kasi laging may nakasulpot na multo don sa kaklase niyang iyon? Story po nung kaklase niyang iyon yung My Ghostly Encounter

Sana basahin niyo din yon guys ^_^

Enjoy the update !

***

Chapter 8:Mystery Chef

Candy's POV

Dumiretso akong cafeteria dahil alam kong doon pupunta si Amber. Iyon pa ! Eh parehas naman kaming pagkain lang ang katapat kapag nalulungkot o galit. 

Nakita ko siyang nakaupo at naiyak habang nakain ng cupcake .Cupcake nga naman ang kinakain ni Amber kapag malungkot at naiyak siya.

Lalapitan ko sana siya ng biglang dumating si...

"Ako na bahala " sabi niya at saka naglakad na papalapit sa kinaroroonan ni Amber. Oookkkaay.Maiwan na nga lang sila . Sa tingin ko naman  ay hindi niya papabayaan si Amber. Naglakad na lang ako pabalik sa room namin. Sa paglalakad ko pabalik sa room ay may nakasalubong akong aso . Eh ? Paano nakapasok itong aso na ito dito ? Atsaka kanino rin itong aso na ito ?

Kulay beige siya at mukha siyang matanda! Hahaah joke lang ! Ang dami kasing kulubot sa balat niya kahit maliit pa lang siya . Ibigay ko kaya ito sa lost and found ? Huwag na nga . Kasabay ng pagpapatuloy ko sa paglalakad ay naglakad na rin paalis yung aso . Ang cute non !

Haaayy sana maging ok na si Amber .Nakakahiya nga naman yung nangyari sa kanya ... hindi naman siya papabayaan ni --- Teka !Biglang sumama yung pakiramdam ko nung nakita ko siya.Sino ? Sino pa ba edi yung feeling gwapo na si Chad !

Aakto na nga lang ako na hindi ko siya nakita. Naglakad na ulit ako at akmang lalagpasan ko na sana siya kaso bigla siyang nagsalita

"Huy ! Huwag mo naman akong isnabin dyan ! Ako na nga itong nasuntok pati kinagat ni ...ni .. sino ba iyon ?" sabi niya . Napalingon naman ako . Nakita kong may bandage siya sa kanyang kanang kamay, parang na-guilty tuloy ako 

"Hahaha , si Chelsea ! P-pasensya na ha , kinagat ka na nga ng aso tapos sinuntok pa kita"Nahihiyang sabi ko ,masyado kasi akong nagpadala sa galit ko.Napagisip-isp ko din na wala naman talaga siyang kasalanan

"Ok lang yun! Ang gusto ko lang naman ay pansi-- uy aalis kaagad ito oh !" hindi ko na kasi pinatapos yung sasabihin niya at umalis na kaagad ako .

"Bahala ka nga sa buhay mo . Ang baduy mo " pabulong na sabi. May papansin-pansin pa siyang sinasabi dyan , ang baduy niya lang haahha. 

That Casanova (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon