Chapter 23: Different Sides

56 4 0
                                    

            Chapter 23: Different Sides

Amber's POV

"Ok ok, lilipad na kasi ako bukas papuntang Rome para sa business trip" o-ok.. anong kinalaman ko dyan??? :3 Teka may sa-ibon pala itong tatay ni Xander eh. Lilipad daw? XD

" At tutal kilala ko naman ang iyong ama... pwede ba bantayan mo si Xander?"

"P-PO???" Anudaw??? Ako babantayan ko si Xander??

"Yes" sabi niya ng nakangiti at tumango-tango pa.

"Kung hindi niyo po mamasamain. P-pero hindi na po bata si Xander, matanda na po siya :3" sabi ko sa kanya. Hindi nga??? Pagbabantayin talaga ako ni Mr. Thompson?? Ang malala si Xander pa! O_o. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Alam ko, ang gusto ko lang naman ay kahit papaano mabantayan siya. Para maiwasan din ang mga sitwasyong tulad nito" sabagay, aalis nga naman si Mr. Thompson at kailangan syempre ng kahit papaano eh titingin kay Xander.

"Ah- eh b-bakit po ako? Marami naman pong pwedeng iba dyan eh" pagtutol ko. Ayoko talaga eh >_<. Iniiwasan ko na nga dapat si X ander eh!

"Mas mabuti ng ikaw. Dahil kung ibang babae eh kukunin lang nila ang chansa para landiin ang anak ko. Atsaka sa obserbasyon ko sayo, mabait ka naman. Mahal mo ang mga magulang mo. Tapos dinala mo pa si Xander dito sa hospital." ehem, si Xander po yung malandi lol. Syempre dadalhin ko si Xander dito sa ospital, ayoko namang mas lumala pa yung natamo niya.

"T-teka, sa pagkakatanda ko po nasabi sa akin ni Xander na may kapatid siyang lalaki?" takang tanong ko.

"Oo meron. Pero ikakasal na siya, kaya wala na siyang panahon para sa kapatid niya. Buti naman at kahit papaano ay nakakatulong ito sa akin. Di tulad ni Xander" ohhh ok ok, naiintindihan ko.

"Eh-eh si-sigurado po ako di papayag si Xander, may sarili na po yung pag-iisip. Baka sabihin po nun masyado na po ninyo siyang kinukulong sa mga kamay niyo" sabi ko pa sa kanya. Ayoko talaga eh >_<

"Sabagay, pero diba sabi mo magkakilala naman kayo ni Xander? Siguro naman papayag yon. Atsaka gusto ko lang naman ay maimpluwensyahan mo siya. Na wag na siya gumagawa-gawa pa ng gulo" Hindi ba trabaho dapat yun ng magulang :3 Bakit akooo??

"Hehe, sorry po kung ang kulit ko hehhe. Hindi ko pa naman po gaanong kilala si Xander eh, atsaka hindi kami close" sabi ko at nag-pout.

"Diba sabi mo tatay mo si Chris Anthony Sy??" tumango naman ako

"Edi hindi imposibleng hindi kayo nagkita nung mga bata pa lang kayo" nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kami ni Xander? Nagkita na? Napaisip ako ng malalim. Nakita ko na nga ba si Xander??

Napatingin sa relos niya si Mr. Thompson "Iha, if you don't mind aalis na muna ako. May kailangan pa kase akong asikasuhin. Besides bukas pa naman ang alis ko kaya ipapatawag na lang kita mamaya. Diba may pasok kayo ngayon? Sige mamaya na lang" sabi niya at umalis na kahit hindi pa ako nakakapagreact.

"Pagisipan mo iha"" sabi niya ng nakangiti at tuluyan na ngang nawala sa paningin ko.

Napaface-palm na lang ako. Tae may pasok nga pala kami ngayon. Nataon pa kasing linggo ang concert ng EXO eh tapos kinabukasan may pasok pa. Hindi man lang ako nakapagpahinga ng ilang oras.

Pumasok muna ako sa room ni Xander at pinagmasdan siya habang mahimbing na natutulog. Parang kanina lang na pinagtutulungan itong si Xander ng tatlong lalaki at wala pa syang magawa kundi saluhin na lang ang mga suntok at sinipa na binibigay ng mga ito. Tapos ngayon matiwasay na siyang nagpapahinga, buti na lang talaga at natyempohan niyang nandun ako ng mga oras na iyon.

That Casanova (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon