Chapter 19: Single Again

49 6 1
                                    

          Chapter 19: Single Again


Amber's POV


Nagulat na lang ako ng biglang suntukin ng mukhang lasing na si Xander si Luhan. Ang bilis lang ng mga pangyayari... kanina lang eh nagkakatuwaan pa kami ng buong EXO. Tapos ngayon bigla na lang dadating si Xander at susuntukin si Luhan.


Agad akong pumagitan sa kanilang dalawa


"Ano ba??! Tumigil na nga kayong dalawa!!" Awat ko sa kanila dahil kahit si Luhan ay nakikipagsuntukan na din.


Ano bang nakain ng isang to at ginagawa niya ito ngayon??!!! 


May bigla namang dumating na babae at nakiawat na din. Kung hindi ako nagkakamali siya sa Wendy, Wendy  Park.


Siya ang humila kay Xander habang ako naman ang humila kay Luhan na may tumutulong dugo sa gilid ng mga labi nito. Maging si Xander din ay may mga sugat na dala na rin ng paguupakan nilang dalawa.


"Xander tumigil ka na!" Naiinis na turan ko sa kanya . Hindi naman ito nagpaawat at tila kumakawala pa sa pagpapakahawak ng babae.


"Ano ba Xander??!!! Nababaliw ka na ba para gawin ito??!! Pwes kung oo ipapaderetso kaagad kita sa mental! Hindi ko akalaing gagawin mo ito" naiinis na sigaw ko sa kanya. Wala na akong pake kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Siya ang mali! Siya na lang itong biglang manununtok ng kapawa niya!.


Wala naman akong nakuhang sagot mula kay Xander. Nanatili itong nakatingin ng matalim kay Luhan. Tila nagpapalitan sila ng matatalim nilang mga tingin.


"H-halika na nga Luhan." sabi ko at inakay ko na siya palayo kila Xander. 


Muli ay sinulyapan ko ng tingin sila sa Xander. Nakita ko itong nakatingin din sa akin. Hindi ko malaman kung ano ang ekspresyon nito. Kung malungkot ba o nagagalit. 


Nakatingin ito sa akin ng blanko ang mukha. Poker face kumbaga. Wala akong pake sa kung anong iniisip niya o nararamdaman niya ngayon. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa kanya sa pananakit sa kababata kong si Luhan. Ni hindi ko nga alam ang rason niya kung bakit niya iyon nagawa eh.


Ibinaling ko na lang ang atensyon kay Luhan. Patuloy na innakay ko pa din ito para maglakad.


Isinakay ko siya sa kotse niya. Plano ko itong iuwi sa tinutuluyan niya ngayon. Umupo ako sa driver's seat. Napakamot ako sa ulo ng malamang hindi pala ako marunong mag-drive! Ni lisensya wala ako para gawin iyon. 


Sa loob loob ko ay natataranta na ako kung anong gagawin ko pero mas pinilit kong kumalma ng hindi din mataranta si Luhan


"A-amber..." rinig kong tawag sa akin ni Luhan. Agad akong tumingin sa kanya


"Bakit?" sabi ko


"Nasuntok lang ako pero hindi ako baldado" pilit ngumingiti na sabi niya sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo ko. 

That Casanova (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon