Chapter 17: Jelous

54 7 0
                                    

Chapter 17: Jealous

Third Person's POV

"Sino ba tinitingnan mo?" nakapamewang na tanong ni Victoria .

"Hmmm Amber, I must say... ikaw pa lang ang babaeng hindi umiyak pagkatapos ng breakup niyo ni Xander" sabi pa niya.

"A-anong pinagsasasabi mo?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Ah, oo nga pala. Hindi nga pala nakipagbreak sayo si Xander. Nagising ka na lang isang araw, wala na siya sayo" pagpapatuloy niya at natawa pa. I was dumbfounded. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Minabuti ko na lang umalis dahil nararamdaman ko, gulo na naman ang kahahantungan nito.

"S-sige aalis na ako. May kailangan pa akong isoli" pagmamadali naman ni Amber at iniwan na si Victoria. Tumigin naman siya sa direksyong tinitingnan kanina ni Amber. May nabuo namang ngiti sa mga labi ni Victoria ng malaman kung saan nakatingin si Amber... kanino pa ba edi kila Xander!

'I'm pretty sure nagseselos ngayon si Amber" isip isip ni Victoria kay Amber. Hahabulin niya pa sana ito kaso masyado nang nakalayo si Amber.

Nakahinga naman ng maluwag si Amber nang makaalis siya kay Victoria. Isip isip niya ay baka gumawa na naman ng gulo si Victoria. Kinalimutan niya na lang iyon at pinagpatuloy ang paglalakad papuntang library.

Isinoli ni Amber ang mga librong hiniram at naglakad na ulit pabalik ng cafeteria. Napatingin ulit siya sa mesa kung nasaan sila Xander kanina ngunit agad din niyang iniwas ang tingin ng makita niyang nakatitig din sa kanya si Xander.

'Haist! Ano ba Amber! Dapat kalimutan mo na si Xander! Tigil tigilan mo na ang pagiisap sa kanya. Tutal nandyan na yung mahal niya' sabi ni Amber sa sarili. Desidido talaga itong si Amber na kalimutan na si Xander. Kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay niya. Sa pagkakataon nga lang na ito ay wala si Xander. Besides ayaw niya din naman guluhin ang relasyon ni Xander at Wendy kaya hanggat maaari ay umiiwas siya.

Nanatili pa ring sinusundan ng tingin ni Xander ang papalayong si Amber. Aaminin niya nakakaramdam siya ng konting pagka-miss kay Amber, ay hindi. Oo miss na miss na niya si Amber pero agad din niya itong binubura sa isipan dahil kay Wendy, iniisip niyang ito talaga ang mahal nito kahit iba ang sinisigaw ng kanyang puso.

Kay Amber lang nakapako ang mga tingin ni Xander. Nakita niyang may lalaking lumapit dito. Naka bonet ito at nakasuot ng glasses. T-shirt at pantalon ang suot nito. Halos walang estudyante man lang ang nakakapansin dito kundi si Xander, marahil ay busy ito sa kani-kanilang mga ginagawa.

Napansin niyang bahagyang nagulat si Amber sa paglapit nung lalaki. Kumunot na lang ang noo niya sa sunod na ginawa ni Amber. Patawang sinuntok nito ang lalaki sa kaliwang braso at kinurot pa ito sa magkabilang pisngi

'Kaano-ano niya yung lalaki?' tanong ni Xander sa isipan niya. Mas itinuon niya pa ang atensyon dun sa lalaki dahil mukhang nagiging pamilyar ang mukha nito sa kanya.

Nag-iba kaagad ang timpla niya ng mamukhaan yung lalaki. Ayun lang pala si Luhan. Ang kababata ni Amber.

"Let's go" pagyaya ni Xander kay Wendy. Hindi na hinintay ni Xander at sagot ni Wendy at hinatak na ito paalis ng cafeteria. Isa lang ang nasisiguro ni Xander, na hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya.

Naalala niya ulit ang nangyari kanina lang pagpasok nila. Yung pagyakap nung lalaking yun kay Amber. Hindi niya talaga mapaliwanag ang naramdaman niya nung mga sandaling iyon. Parang nakaramdam siya ng selos bigla. Selos dun sa lalaki, selos na dapat ay siya ang kayakap kanina ni Amber at hindi yung lalaking iyon.

Amber's POV

Nagulat na lang ako ng may biglang lalaki na lumapit sa akin. May suot itong glasses at bonet itong kulay blue.

That Casanova (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon