Chapter 21: He's Back

45 7 2
                                    

Chapter 21: He's Back



Amber's POV


*Concert Day*


Nandito na kami sa Kpop Colisium, at ang haba ng pila! Tinalo pa yung pila sa mga binebentang NFA rice! Inagahan na nga namin ang punta dahil panigurado maraming tao ang pupunta. Sold out ba naman. Kanina pa nausad ang pila pero hindi pa din kami malapit sa may entrance >_<. Lumingon ako kay Candy.


"May baon ka bang tatlong box ng tissue?" tanong ko sa kanya. Kumunot naman noo niya at umiling.


"Wala bakit saan mo gagamitin? Pasalamat ka pumayag akong samahan ka ngayon ah" sabi niya at tumingin sa wristwatch niya, napatingin din ako sa relo ko. 7:30 na pala, tapos 8:00 yung simula nung concert.


"Opo na po thank you" :")" sabi ko sa kanya.


"Teka saan mo gagamitin yung tissue aber?" tanong niya sa akin.


"Syempre kapag na-nosebleed! Mahirap na Candy baka duguin tayo mamaya doon hahah" 


"Sira! Pero sabagay mukha ngang duduguin tayo mamaya don haha" Oh tingnan mo sang-ayon din naman itong si Candy. Mapunta ka ba naman sa isang concert na kahit ni isang salita wala kang maintindihan haha. Natigilan kami sa pagtawa ni Candy ng may madinig kaming mga babae parang may pinaguusapan. More-on parang pinagchchismisan!. Actually wala namang sinasabing pangalan eh pero alam ko ako talaga!. Oo ako talaga >__<


Girl 1: Ohemgee girl diba siya yung napapabalitang kayakap ni Luhan nung nag-tour sila sa isang university?

Girl 2: Oo tama ka nga babaita! Parang pamilyar mukha niya eh.

Girl 3: Kaano-ano ba niya si Luhan? 

Girl 4: May something bang namamagitan sa kanilang dalawa?

Girl 5: Tsss! As if naman papatulan ni Luhan yang babaeng yan! Eh mas maganda pa ako dyan eh.

Girl 6: Ang swerte naman niya ^^

Gril 7: Kaya nga eh, buti pa siya may connection siya sa isa sa mga members. 

Girl 8: Panigurado nameet niya na lahat ng members ng EXO  (^_^)



"Hoy kayong mga echoserang palaka! Paano kung sabihin ko sa inyong kababata siya ng iniidolo niyo?" nakataas ang kilay na sabi ni Candy sa mga babae. Ang hilig talaga nitong makipagsumbatan >_<. Ayoko naman silang sumbatan dahil hindi naman ako ganung klase ng tao. Pinapabayaan ko na lang sila sa kung anong gusto nilang sabihin sa akin.


"Weehhh?? Pengeng proof?" nakataas din ang kilay na sumbat ng babae kay Candy. Nagtitimpi naman itong si Candy dahil anomang oras ay masasapak na niya iyong babae


"Proof mo mukha mo! Sino ka ba para pagsalitaan ng ganyan ang bestfriend ko?!" narinig kong sabi ni Candy. Inawat ko na siya sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya. Tumingin naman siya sa akin. Alam na niya ang ibig sabihin non. Bestfriends can communicate to each other even with just hand signals and gestures.

That Casanova (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon