Chapter 12: A 'DATE' to remember
Amber's POV
Bakit ba kung kailan ako lumalayo sa kanya ay doon naman kami pinagtatagpo ni tadhana??
Tumatak ang kaisipang iyon sa utak ko, siguro ganun nga talagang mapaglaro ang tadhana...
Pinagmasdan ko ulit si Xander, ang gwapo talaga niya ngayon.... matangkad... cute... and teka.. pagtataksil na ba kay Luke itong ginagawa ko?? Pfffttt kahit ako natatawa sa mga pinagiisip ko, kahit kailan naman hindi naging kami eh... ako lang itong naghahabol. Siguro nga dapat ko na siyang pakawalan...
Habang pinagmamasdan ko yung mukha niya ay bigla namang pumasok sa isipan ko ang tungkol sa mga ideal types... ewan mahalaga talagang malaman yun lalo na kung may mga shini-ship ka. Ano ba ideal type ko??
Ummm kung sa looks.. tingin ko ay... matangkad..cute syempre pati gwapo , has round lips and... may malaking tenga! Hahaha ewan! Eversince I was a kid gusto ko na ang mga elephants hahaha, ang cute kase ng mga malalaking tenga nila ^_^.
Gusto ko din yung someone who look good in hats, pati marunong maggitara!
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay napatingin ako kay Xander... matangkad: check!, cute: check! may bilugang labi: check! and may malaking tenga... check na check! Waaahh! Erase erase erase! Ano ba itong pinagiisip ko!
Hindi pwedeng siya yung ideal type ko ay wait-- halos siya na nga ang ideal type ko eh, waahh! Ewan!
Umalis na yung waiter at pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na ang kakainin namin.
May crabs, lobsters, shrimps, at some fishes.. seafood nga eh.
"Ummm ano ba kakainin ko??" tanong ko sa sarili ko,
"You should try their crabs here" suhestiyon ni Xander, crabs?? Napatingin ako sa dish na crabs ang main ingredient. Hmmmm mukha ngang masarap.
"Mukhang masarap hehehe" hehe mukha ngang masarap... pero di ako marunong kumain ng crabs eh heheh. Kumuha ako ng crab at nilagay sa plate ko.
Para naman akong ewan na tinititigan lang yung pagkain. Eh sa di ko alam eh! Napatingin ako kay Xander na sarap na sarap sa kinakain niya. Napalunok ako ng bigla siyang tumingin sa akin, napatingin siya sa plate ko. Nakangiti siyang tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin.
Nakita ko na lang siyang binitawan ang kutsara't tinidor at saka hinimay ang mga crabs na nasa plate ko para mas madali kong makain ang laman. Nagpunas siya ng kamay, kinuha ang kanyang kubyertos at saka kumain na ulit
"X-xander salamat" tanging nasabi ko na lang sa kanya.
"Sabihin mo lang, gagawin ko" nakangiti niyang sabi sakin.
"Hindi mo naman kailangan gawin yun eh" sabi ko
BINABASA MO ANG
That Casanova (ONGOING)
FanficMeet Amber,a happy go-lucky,cute and a beautiful girl.Head over heels siya sa kaklase niyang si Luke.Mukha daw kasing anghel....XD Sa tingin ni Amber ay malapit ng maglevel-up nung relasyon nila Luke... from friends to Gf and Bf ...ngunit biglang pu...