Chapter 13: Enchanted Garden
Amber's POV
"X-xander! Saan mo ba ako dadalhin ha!" sigaw ko sa kanya, hindi ako sanay sa mga surprises! Halos matipalok na ako at lahat na sa kakalakad pero hindi pa din nagsasalita si Xander.
Naramdaman ko na lang na tumigil siya kaya tumigil na din ako.
"X-xander? N-nandyan ka pa ba?" sabi ko pero parang sa hangin ko lang ito sinabi dahil walang sumasagot. Baka iniwan na ako ni Xander dito! Teaka, napipi na ba ito??
"Wala namang ganyanan oh! Nangiiwan ka na lang dyan eh!" medyo natatakot ng sabi ko. Nilalamig na din ako dahil sa simoy ng hangin.
"Ay kabayo!" napasigaw ako sa gulat ng dahil sa may naramdaman akong mga kamay na humawak sa balikat ko. Naramadaman kong may inilagay sa aking coat, para hindi ako lamigin.
Unti-unti ko na ding tinanggal ang pagkakablindfold sa akin.
"Sa-salamat?" magpapasalamat sana ako dun sa naglagay sa akin ng coat pero wala akong kasamang tao dito. Kinilabutan ako. Napasinghap ako ng napatingin ako sa paligid. Kung hindi ako nagkakamali, it's either nasa mini garden, park o nasa gubat kami ok joke lang yung sa gubat.
Basta ang ganda, napapalibutan ako ng mga bulaklak.. more on roses na iba't ibang kulay. Hmmm ang bango. Tapos may mga lanterns na gawa sa papel lamang na nakapalibot sa paligid na nagbibigay liwanag. May mga flying lanterns din na nasa himpapawid. Kita mo din dito ang napakagandang view ng isang lake na syempre ay may mga lanterns din.
Ngayon lang ako nakakita ng tulad nito.
Sa may ilalim ko ay may nakita akong mini lantern na color white na nakalapag sa lupa, kinuha ko ito. Meron din akong note na nakita sa ibaba. Kinuha ko ito at binasa...
*You look beautiful tonight. Head onto the bridge and you can find what you're looking for*
Napangiti ako pagkatapos kong basahin ang nakasulat sa papel. Tumingin ako sa hanging bridge sa may harap ko lamang. Sabi daw tahakin ko ito. Nagsimula na akong lakarin ito hawak-hawak ang mini lantern. Napasinghap ako ng nakita ko ang ilalin ng tulay, isang bangin!
Chad's POV
"Teka, asan yung dalawa??" tanong ko kay Candy habang hinahanap pa rin sila sa paligid. Pucha naman eh!
"Anong asan? Sabi ko sayo bantayan mo eh! May kinausap lang ako" sabi ni Candy
"Ah! Baka nandun na sila sa may mini garden sa park sa tabi lang nito!" sabi ko sa kanya, naguluhan naman siya
"Paanong park?? Sabi niya?" tumango na lang ako.
"Oh bili punta na tayo!" sumangayon na lang ako at pumunta na kami doon.
Nakarating din kami agad sa park. Hinila ako ni Candy sa may damuhan para hindi kami makita. Nandun si Amber sa gitna, manghang-mangha sa nakikita niya ngayon.
"Grabe ang ganda dito" sabi ni Candy,napangiti ako ng mapagmasdan kong masaya siya, pumitas ako ng isang rose atsaka binigay sa kanya
"Salamat" nakangiti niyang sabi. Napangiti din ako.
"Oh ayan, naglalakad na si Amber papuntang... umm ano ba yun.. ah! bridge! Paano tayo makakapunta doon?" tanong niya sa akin.
Nagkibit balikat ako.
"Doon oh" sabay tinuro ko yung kabilang daan. Mas malayo nga lang pero makakadating ka din panigurado.
"Sige doon tayo" pagsang-ayon niya at naglakad na kami.
BINABASA MO ANG
That Casanova (ONGOING)
أدب الهواةMeet Amber,a happy go-lucky,cute and a beautiful girl.Head over heels siya sa kaklase niyang si Luke.Mukha daw kasing anghel....XD Sa tingin ni Amber ay malapit ng maglevel-up nung relasyon nila Luke... from friends to Gf and Bf ...ngunit biglang pu...