Chapter 22: Mr. ThompsonAmber's POV
"Papa?" nasambit ko ng makaharap ko siya. Mukhang nagulat si papa ng makita ako. Maging ang EXO ay nagulat at naguguluhan na dahil sa mga nangyayari ngayon. Humahagulgol na ako sa harapan ni papa ngayon, sa harap ng EXO.
Hindi ko akalaing makikita ko pang muli ang aking ama dahil bigla na lang itong umalis ng wala man lang pasabi sa akin. Tapos kahit sulat man lang o kahit any form of communication wala. Nagpapadala lang si papa sa amin ng pera. Mahigit 4 na taon ding hindi nagpakita si papa, tapos sa ganitong paraan ko pa talaga siya makikitang muli.
Walang pasabi-sabing agad kong niyakap si Papa. Na-miss ko ang mga yakap niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa kanya dahil sa pag-iwan niya sa amin.
"A-amber..." rinig kong sabi ni Papa, parang bata naman akong patuloy na umiiyak sa dibdib niya. Naramdaman kong hinaplos niya ang likod ko. Na-miss ko din ito kay papa...
"B-bakit mo kami iniwan?" sabi ko sa pagitan ng mga luhang patuloy pa ring bumabagsak. Hindi ako katulad ng ibang mga tao na maglalayas kapag nasa sitwasyon ko sila. Masyado kong na-miss si papa, handa akong intindihin siya kung anoman ang rason niya sa pagiwan sa amin.
"Amber... anak..." pagkalipas ng 4 na taon... ngayon ko lang ulit narinig na tawagin akong 'anak' ng sarili kong ama...
"Umuwi ka muna sa bahay natin..." napatingin ako sa kanya ng marinig ko ang mga salitang iyon.
"Bakit? Iiwan mo na naman ba kami ulit?" tanong ko sa kanya at pinahid na ang mga luha ko kahit patuloy pa rin itong napatak.
"Hindi naman sa ganoon anak, plano ko talagang umuwi sa atin ngayong araw" medyo tumahan na ako sa pagiyak. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Luhan.
"Matagal mo ng alam ito?" tanong ko sa kanya. Nakatungo lang siya ngayon, inulit ko ang tanong ko at sa pagkakataong ito ay tumango na lang siya.
Hindi ko na siya sinagot pa at lumabas na ako sa room ng EXO at tumakbo palabas ng colisium. Grabe, matagal na palang alam ni Luhan pero hindi pa niya sinabi sa akin. Tama, hindi nga niya pala alam ang lungkot na nadanas ko nung umalis si papa dahil maging siya eh iniwan din ako.
Ang daming tanong ang tumatakbo sa isipan ko. Kung bakit ba umalis si papa, bakit hindi sa akin sinabi ni Luhan at marami pang iba. Pinigtitinginan din ako ng mga taong nadadaanan ko.
Nakalabas na ako ng colisium at nakita ko si Candy sa may gilid at kinakalikot ang phone niya. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya. Niyakap ko siya at doon umiyak.
"A-amber? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Candy sa akin. Patuloy pa din ako sa pag-iyak, sa totoo lang maging ako naguguluhan sa mga inaakto ko ngayon. Bakit ba ako umiiyak? Diba dapat nga masaya ako kasi nakita ko na ulit si papa? Pero hindi eh, kasabay ng pagbabalik ni papa ang pagbalik din ng mga alaala... alaalang puno ng lugkot at pighati. Humiwalay muna ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko.
Nagawa ko ding kumalma at huminto sa pag-iyak kahit papaano atsaka ko siya muling kinausap...
"Si papa... nagbalik siya" pagkasabi ko non ay may tumulo na namang luha mula sa kaliwang mata ko...
///
Naalimpungtan ako dahil sa mga ingay na naririnig ko sa may labas. T-teka asan ako? Inilibot ko ang aking mga tingin sa buong kwarto. Nandito na pala ako sa kwarto ko... pero papaano ako napunta dito?
Naalala ko na, hinatid nga pala ako dito ni Candy, hinang-hina ako kanina dahil sa pag-iyak. Buti at nakapagpalit pa ako ng damit bago matulog
Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at naisipang bumaba sa may sala...
BINABASA MO ANG
That Casanova (ONGOING)
FanfictionMeet Amber,a happy go-lucky,cute and a beautiful girl.Head over heels siya sa kaklase niyang si Luke.Mukha daw kasing anghel....XD Sa tingin ni Amber ay malapit ng maglevel-up nung relasyon nila Luke... from friends to Gf and Bf ...ngunit biglang pu...