CHAPTER 2

141 2 0
                                    

JS2: ZARI'S POV

"Bakit ka nag iimpake? Lalayas ka?"singhal ni Mama sakin nang hindi ko nililingon.

"Sige lumayas ka, total wala ka namang silbi!" nilingon ko si Papa.

"Talaga pong aalis ako! Wala na rin namanag saysay kung mananatili ako rito diba, hindi niyo na nga ako tinuturing na tao eh."ikinagulat ko ang pagkaladkad ni Mama sakin palabas ng bahay, tinulak niya ako ng malakas na ikanalaki ng mga mata ko. 

"Lumayas ka! Wala kang kwentang anak, wala kang respeto!"dinuro duro niya ako ng paulit paulit."Huwag na huwag ka ng bumalik rito! Kalimutan mo na rin na may mga magulang ka!"

I chuckled in disbelief."Ma, mahal na mahal ko kayong dalawa ni Papa alam nyo yan...pero tama na po. Pagod na pagod na po ako...pero pasensya na rin kung hindi ko magagawa yung gusto ninyong gawin ko...yung kalimutan kayo. Alam mo Ma kahit gaano kasakit yung pinagsasabi niyo sakin tinitiis ko parin kasi magulang ko kayo eh, kahit halos lunurin na ako kakaisip kung anong nagawa ko para tratuhin nyoko ng ganito? Kahit ang sama sama niyo po sakin kasi may pangarap ako para sainyo. Lumalaban po ako para sainyo.." halos lumuhod na ako kakaiyak habang tinitingala silang tulalang pinapanood ako.

"Masama kang anak, hindi ka marunong umintindi--"

"Ako ba iniintindi ninyo?"mahinang saad ko.

Galit na sinipa ni Papa ang maleta na pinagkalooban ng mga gamit ko at muli akong dinuro.

"Umalis kana bago pa magdilim ang paningin ko at masampal ka." aniya.

Tumayo na ako hila hila ang maleta habang hindi sila nilulubayan ng tingin. NIiapitan ko ang sasakyan nang biglang  magsalita si Papa. "Dito lang ang sasakyan, amin ang sasakyan."

Pati ba sasakyan ko? Pinag ipunan ko yun eh. Pinaghirapan ko ang sasakyan na yun tapos kukunin nila? Napatango at pagod na ngumiti, dahan dahan akong tumalkod at nagsimulang humakbang.

"Sana po makatulog kayo ng matiwasay sa giniwa 'nyo." tuluyan na akong humakbang paalis habang pinupunasan ang luhang paulit ulit na dumadaloy sa pisngi ko. 

24 years. 24 years na akong nagdudusa sa kanila pero ngayon ko lang naisipan na umalis, madaming beses akong nagdesisyon na umalis nalang dahil may condo naman ako pero hindi ko ginawa dahil sa napakaraming dahilan. Siguro ganun nga talaga, minsan yung taong tahanan ng iba ay hindi ganoon sayo. Pamilya, yan yung akala ko kakampi ko habang buhay pero nagkamali ako ng isipin yun dahil hindi sa lahat ng pagkakataon swerte ka, nakakainggit yung iba kasi mayroon sa kanilang ina lang ang nag aaruga pero maayos naman at maganda ang trato sa kanila samantalang ako na mayroong ina at ama, in short kompletong pamilya pero hindi naman maayos ang trato sakin...hindi pa suportado sa mga ginagawa ko.      

It was already too late when I realize it's raining, nakakatawa na tuwing umiiyak ako ay sumasabay ang ulan palagi. Maybe to cover my tears? Niyakap ko nalang ang sarili nang dumaan ang malamig na hangin, sinubukan kong ilibot ang paningin sa paligid nang hindi na marehistro sa utak ko kung nasaang lugar ako. I'm lost and I don't know where to go either, naisipan kong umuwi sa condo pero naisip ko na hindi ko nga pala alam  kung nasaan ako. I left my phone also so I can't contact anyone, malas talaga. I continue walking, hindi ko alam kung  anong oras na pero wala na akong nakkitang tao sa labas at madilim na rin ang paligid. I don't know where to go, I don't know where this foot of mine will lead me. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang pinipilit waglitin sa isip ang nangyari kanina.

It's okay Zari, you will be okay again tomorrow.

Papasok na ako sa eskinita nang may namataang sasakyang papalapit sa kinaroroonan ko. Kakaway ba ako o hihingi ng tulong? Huli na para sagutin ko ang tanong sa sarili nanag makitang pinarada nito ang sasakyan sa mismong harapan ko. Tulala lang ako at hinihintay na lumabas ang may-ari ng sasakyan, dahan dahang pumorma ang ngiti sa labi ko dahil sa munting pag asa pero agad na nawala ang ngiti kong yun at mabilis na nagtaasan ang mga kilay ko nung tuluyang bumaba ang may-ari nito.

Offered Conviction from the Past  (Justice Series #2)Where stories live. Discover now