JS2: ZARI'S POV.Pagkatapos ng misa ay napansin ko kaagad ang isang batang babae na nagbebenta ng sampaguita.
"Hi po ate ganda, bili na po kayo ng sampaguita ko. Sampung piso lang po ito!"magsiglang anito sakin.
Ngumiti ako sakanya. Ang sipag niya naman. Ilan nalang ang natira sa sampaguita niya kaya binili ko na Ang lahat ng yun. Nagpasalamat siya bago tumakbo at binalita sa kaniyang inay ang kaniyang benta.
Hindi ko mapigilang ngumiti. Ganoon pala ang pakiramdam na may ina kang lalapitan at ibalita ang kaligayahan mo.
"Ate! Ate! May nagpapabigay po nito,"
napayuko ako sa isang batang lalaki na kumalabit sakin at ipanakita ang isang pulang rosas."Sino ang nagpapabigay?"marahang tanong ko at inilibot ang paningin sa paligid.
"Yun po oh, si Kuya K. Tanggapin niyo na po, ang bait pa naman ni Kuya. Alam niyo po, lagi siyang bumibili ng bugkos na rosas tuwing linggo kasi bibisitahin niya raw ang nanay ng girlfriend niya."pagngiti nito.
Natigilan ako habang nakatingin sa direksyon kung nasaan ni Kaden. Nasa harap siya ng simbahan, saglit na kumaway siya sa akin bago tuluyang lumapit.
Bibisitahin ang nanay ng girlfriend niya? Pero ang sabi ni Leslie...hindi raw sila. Sinong girlfriend kaya ang tinutukoy ng bata?
"Yey! Kuya lapit ka po rito. Diba po may litrato ka po noong binigay mo ang rosas sa nanay ng girlfriend niyo po? Patingin po ulit."kinulit ng bata si Kaden.
Napapailing na ngumisi si Kaden bago kinuha ang cellphone at inabot yun sa bata. Nang iharap sa'kin ang litrato ay nakita ko si Kaden na naka smile ng unti katabi ang libingan ni Mama.
Sheila Patterson
Birthday: 10/23/1973
Death: May 14 2022Yun mismo ang nakita ng dalawang mata ko. Nanikip ang dibdib ko bago napaangat ng tingin kay Kaden.
So..ako ang kinukwento niyang girlfriend sa bata? At si Mama ang binibisita niya para hatidan ng mga rosas. Ibig din bang sabihin nun ay sakanya galing ang mga bulaklak na nakikita ko tuwing bumibisita sa sementeryo.
"Kade--"
"Ate, yung rosas po."binalingan ko ang bata at kinuha ang rosas.
Tumakbo na siya paalis. Nagbalik naman ang tingin ko kay Kaden na ngayon ay puno ng ibat ibang ekspresyon ang mukha. Masaya, Malungkot, Galak... hindi ko mapangalanan.
"Masaya akong makita ka rito."
Tinanguan ko lang siya at tumalikod para ialay ang mga sampaguita sa altar. Nagdasal lang ako ulit bago muling lumabas. Naroon parin si Kaden.
Lalagpasan ko na sana siya nang maalalang may usapan nga pala kami na magkita sa Pietrso. Ala una kasi ang misa at alas dos na natapos. Didiretso nalang siguro kami.
"May hinihintay ka?"
"Ikaw,"
Tila tumigil ang puso ko. He look at me meaningfully. He clear his throat.
"Ikaw ang hinihintay ko Atty."bakas ang seryoso sa boses niya.
I chuckled."We're not in the firm, let's act civil to each other. Drop the Atty,"
"Its Okay Atty, sanay naman ako."
What does he mean? Simula kasi nang magtagpo ang landas naming dalawa ay wala siyang ibang tinatawag sa akin kundi Atty. Hindi naman yun ang pangalan ko, parte yun ng trabaho ko.
"Why Atty when you can just call me Zari."nagtataka na sambit ko.
Pero umiling lang siya sa'kin."Hindi pa pwede eh. Hangga't maaari ay yun nalang muna ang tawag ko sayo."
YOU ARE READING
Offered Conviction from the Past (Justice Series #2)
RomanceJustice Series #2 Zari did not enter Law School for a joke. Hustisya ang pinaglalaban niya. She's been seeking justice to be heard. She want to stand up for those who cannot and be the voice for those who are afraid. But then while fighting for it...