CHAPTER 44

18 1 0
                                    


JS2: ZARI'S POV.

Arellano University of Law.

Paskil sa mukha namin ni Kaden ang malaking ngiti habang tinitingnan ang dating University. Pagkatapos kasi ng Valentine's Day ay bumalik kami sa dating condo unit kung saan nakatira. Pareho naming napagdesisyunan na balikan ang Arellano University.

Some freshmen were gossiping while shyly smiling at us as we're stepping inside. Nakakapit ako sa braso ni Kaden habang papasok kami sa loob ng dating eskwelahan.

"Diba sila yung pinagdadasalan ng mga 3rd year? Yung mga bar top notchers years ago..."

"Yung niluhudan ng Ate kong graduating. Si Atty. Angeles at Atty. Chua!"

Their gossips were visible to our ears. Ngumingiti lang kami na animo'y artista dahil marami palang nakakilala. Mangha naming nilibot ang paningin sa campus. Grabe, ang raming memories dito e. Dito ako nag cram, nagsimulang kwestyunin ang katalinuhan ko, nakipagpaligsahan kay Kaden sa recitation.

What a great memory.

Huminto pa kami saglit sa dati naming room. Kumuha rin kami ng permiso para pumunta sa mini court kung saan nagpa-practice kami. Yung madalas namin tambayan ni Leslie noong first year. Ang rami. At mga espesyal na ala-ala ito sa'kin... sa'min.

Bahagi na ang University na 'to sa kung ano kami ngayon.

"Nasa office niya raw si Prof Ramirez." si Kaden at sabay naman naming tinahak ang dating office nito.

Pagkapasok palang namin sa office ni Prof Ramirez ay napakunot noo na ito at tila pinoproseso sa utak kung sino nga ba kami. Pareho kaming lumapit ni Kaden at nakipagkamay sa dating Professor.

"Atty. Kaden Amadeus Chua po..." Kaden held his hand, chuckling.

Bago ako umusad at siya ring nakipagkamay rito. Dahan-dahang nanlaki ang mga mata nito na animo'y naaalala na kami.

"Atty. Keanna Azariella Angeles po, Prof. Kami ni Kaden, students mo noong 2nd year kami."

"Wow!" halos napahalakhak ito sa tuwa at niyakap kaming dalawa."Ang laki nyo na, mga lawyer na.."

We smiled as we uttered."Opo," together.

"Maupo kayo...hay, bakit ko ba  makakalimutan ang mga top notcher na under ko." napapailing ito, tukoy ang pagkilatis kanina.

"Kaya nga po. Talagang hindi n'yo makakalimutan itong si Chua na naki-usap lang naman pumasok sa klase mo..." pagsisimula ko ng usapan.

"Tama ka hija--Attorney. I should address you both formally now. Itong si Chua, may gusto sayo kayo gustong maging blockmate mo. Buti nalang, nagawan ko ng paraan..tsk, pag-ibig.."

Pareho kaming natawa ni Kaden sa sinabi nito. Napakamot naman si Kaden kalaunan sa batok.

"Eh yung sinabi kong favorite mo'ko sa recitation Prof...nabulgar rin ba?" Kaden, asked... softly chuckled.

"Walang nakakalagpas sa'kin Atty. Chua, lahat ng kalokohan mo para malapitan itong si Atty. Angeles, nabisto." si Prof Ramirez."Favorite sa recitation ba kamo eh, unang araw yun na pumasok ka...napaka--na bata."

We were sharing laughs and sweet smiles while reminiscing about how our law school journey had been. May sinabi pa nga si Prof Ramirez na wag na raw umasa si Kaden na papansinin ko dahil matinik raw. Kulang nalang jowain ang codals at pakasalan ang recitation sa sobrang galing. Nasabi niya rin sa'min na totoong ginawa kaming manifestation statue ng school. May standee picture raw namin ang bawat hallway sa unang building kung saan ang mini court. Doon nagdadasal ang mga graduating na mag-rereview o magt-take na ng bar exam. May iba pa nga raw na lumuluhod roon kapag nagisa sa recitation, pang motivation kinabukasan.

Offered Conviction from the Past  (Justice Series #2)Where stories live. Discover now