CHAPTER 27

39 1 0
                                    


JS2: ZARI'S POV.

"Wala na si Mama...ate na-ambush ang sasakyan niya papunta sa'yo.."

Nanghigpit ang hawak ko sa telepono sa sinabi ni Chloe. Mabilis na nanggilid ang mga luha ko habang napailing iling.

"H-hindi...Chloe ano ba? Ano bang sinasabi mo?"gumaralgal ang boses ko.

Narinig ko ang paghikbi ni Chloe sa kabilang linya.

"M-may surprise ba kayo? Chloe please kung joke man 'to--"

"Sana nga ate,"

Napapitlag ako dahil sa pagputol niya sa'kin, napatulala ako at nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi..
imposible. Bakit na ambush?

"Ate...wala na si Mama.."napaluhod ako at napatakip sa mukha.

Tita...panaginip lang 'to diba?

Gisingin niyo naman ako.

"Ang sakit ate...kasi namatay si Mama dahil sa'yo,"bahagya akong natigilan at hindi na tinapos ang tawag.

Mabilis akong tumakbo at nagpara ng taxi. Hindi...bumati pa siya sakin kahapon e, hindi pwedeng wala na siya. Nang makarating sa hospital ay dumiretso ako sa front desk.

"Sheila Patterson po.."

Rinig na rinig ko ang malakas na kalabog ng puso ko habang hinahanap ng nurse ang pangalan ni Tita sa patient list.

"I'm sorry Ma'am pero wala pong Sheila Patterson na patient."

Tuluyang gumuho ang mundo ko, nawalan ng pag asa ang puso ko. Nilibot ko ang paningin sa paligid bago nagkaroon ng lakas na pumunta sa morgue. Sakto ring pagkarating ko roon ay lumabas si Ylla at Tito Jun galing sa loob.

Lalapitan ko sana sila nang makatanggap ako ng malakas na sampal mula kay Chloe. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa hapdi at tiningnan si Chloe. Tumutulo ang luha niya habang dinuro duro ako.

"Ang kapal ng mukha mong pumunta rito pagkatapos mong patayin si Mama!"puno ng galit ang boses niya.

Pinigilan siya ni Ylla, napayuko ako bago tumulo ang panibagong luha sa mata ko. Pagkaangat ko ng tingin ko ay nagtama ang mga mata namin ni Tito Jun.

Umiling iling siya sakin."Nagkaroon kapa talaga ng lakas ng loob na pumunta rito! Kasalanan mo lahat 'to!
Putangina kung di dahil sa'yo buhay pa sana si Sheila!"

Dumiretso sa loob ang atensyon ko at halos hindi na marinig ang pagbulyaw sa akin ni Tito. Pumasok ako sa loob kahit dalawa silang pinigilan ako. Nanghina ang mga tuhod ko habang tinitingnan ang bangkay niya.

Gusto kong bumuo ng pag asa sa puso ko na baka hindi totoo ang lahat, na baka panaginip lang pero nung oras na hinawi ko ang nakatakip sa bangkay ay nawalan na ako ng balanse sa katawan.

Nakita ko ang maputla niyang mukha.

"T-tita.."

Hindi pa man ako nakabawi sa lakas ng katawan ko nang maramdaman ang pagkaladkad ni Chloe sa akin palabas. Galit na galit niya akong tinulak.

"Wala kang karapatang makita si Mama! Umalis kana rito!"

Nanigas ako sa kinauupuan bago siya tiningala. Umiling iling ako sakanya.

"Chloe... sabihin mo sa'kin kung ano ba talagang nangyari please..."

"Ate please umalis kana..."napalingon ako kay Ylla sa likuran niya."Wala na si Mama...maski kami ay hindi alam kung ano ba talaga ang nangyari kasi wala naman kaming kotse e, pano nangyaring nasa loob siya ng kotse nang nag ambush?"

Offered Conviction from the Past  (Justice Series #2)Where stories live. Discover now