JS2: ZARI'S POVBitbit ang isang envelope ay pumasok ako sa sariling opisina at itinago iyon sa drawer ko. Alas sais palang ng umaga pero nasa law firm na ako dahil wala rin naman akong magawa sa condo. Wala din si Ash para may kasama ako. Sabado nga ngayon pero may iilang nag-volunteer na pumunta para sa plano ngayong darating na Valentine's Day. Ako naman, aayusin ko nalang ang mga documents na tapos ko na at hindi na kailangan.
Suminghap ako sa katahimikan at nagpasyang lumabas para bumaba sa ground floor at kumuha ng kape. Tahimik sa hallway, wala pang tao. Hindi ko nga sure kung ako palang ba ang narito o hindi ko lang nakita ang iba. Bawat lakad ko ay niyayanig ng takong ko ang nananahimik na sahig, tumutunog ba naman.
"Good morning Zari--"
"Ay tumutunog good morning!" hawak ko ang dibdib habang di makapaniwalang tiningnan si Kaden na nakatayo mismo sa harap ko.
He let out a chuckle and look around.
"Sa gwapo kong 'to, nagulat ka?"Ang hilig niya umulit ng mga salitang gigamit niya noon. Tumikhim ako at nakangiti siyang hinarap.
"Ah...good morning, Attorney. Medyo nagulat lang kanina, sorry."
"Aga natin ah..." sumipol siya sa akin bago lumapit at tumabi para kumuha rin ng kape.
"Wala kasi akong kasama kaya napaaga." nagkibit balikat ako sakanya.
He let out a soft chuckle."Pwede mag-apply?"
"Huh?" natatawa ko siyang nilingon.
"Huh?" ginaya niya ang tono ko."Pwede ba kako mag-apply bilang roomate mo?"
"Para libreng tumira? Pambayad noon?" sumipsip ako sa kape nang masamid din siya sa sariling iniinom.
"Hindi libre Attorney. Pero kung confidential ang feelings natin sa isa't isa, confidential din ang agreement bilang roomate mo."
"It was not on the law, Atty." tugon ko pabalik na nagpamangha sakanya.
Akala niya siguro wala akong maitatalak pabalik.
"Particularly...I'll make that law?" mas diniin niya pa ang sinabi.
Binaba ko ang tingin sa relo at napabuntong hininga sa maagang talakan namin.
"8.00 AM, working hours na Atty. Mag-trabaho na tayo."
Muli ko pa siyang tiningnan bago tuluyang tumalikod at naglakad paalis. Tinanguan niya lang ako ng may maliit na ngisi sa labi. Ewan ko sayo Kaden, ang dami mong alam. Hindi ka nga naman talaga nagbago, ganoon ka parin. Bolero parin katulad ng dati. Pero buti alam mong may limitasyon ang salita at aksyon sa pagitan nating dalawa.
Masaya ako...kahit ganito lang kami, alam namin pareho sa sarili na kontento kami.
Nagkaroon lang kami ng kunting discussion tungkol sa kasong hinhawakan ni Atty. Arinuevo bago siya nagpatawag ng meeting ulit sa conference para sa gagawing celebration sa Valentine's day. Napuno ng suhestyon ang buong conference room at nangibabaw roon ang kay Kaden na mag looking for valentine o lf-valentine game. At sa malamng naman, si Kaden yan e.
Inapproved ng lahat. HInintay pa nga na mag-approve rin ako kaya pagak akong napaiwas ng tingin sabay taas ng kamay para mag approve roon. Namuo naman ang saglit na kantyaw dahil halos maisagaw ni Kaden yung word na "YES!".
"Alright, walang mali-late sa Sabado, maiiwan!" Clea spoke out after the short meeting.
"That would really be exciting..." Atty. Arrinuevo commmented, smiling at us.
YOU ARE READING
Offered Conviction from the Past (Justice Series #2)
RomanceJustice Series #2 Zari did not enter Law School for a joke. Hustisya ang pinaglalaban niya. She's been seeking justice to be heard. She want to stand up for those who cannot and be the voice for those who are afraid. But then while fighting for it...