JS2: ZARI'S POV.Parang may bumabara sa lalamunan ko dahil sa pagpigil ng iyak habang nasa loob ng bus. Tumingin ako sa labas at kinapa ang pisngi ko. Basa ito dulot ng mahinang iyak ko kanina.
Nanumbalik sa akin ang lahat ng nangyari, bumabalik sa utak ko ang mga sinabi ni Ylla. Hanggang sa marating ko ang condominium ni Ashley ay doon ko lamang itinahan ang sarili.
She open the door when I knock and look at me worriedly. She automatically pull me into a hug and let me in. My tears starts to pool down again. Kailan ba 'to matatapos? Kailan
ba ako magiging maayos?We were sitting in the sofa, I fix myself and give her a short smile.
"Okay lang ako Ash."pinilit kong ipakita na maayos lang ako.
Malalim siyang bumuntong hininga bago inabot ang kamay ko. Nag angat ako ng tingin sakanya at nakitang puno ng pag aalala ang mukha niya.
Pati ibang tao ay nadadamay ko na sa kalungkutan ko."You know what girl.. you can count on me. You can tell me everything, makikinig ako. I am very willing to listen, I don't know how you feel..I only know that you're having a hard time."
I bit my lower lip.
"Halatang malungkot ka, na nasasaktan ka, na hindi ka okay."
"Okay lang talaga ako Ash..pagod lang sa byahe."tinanguan niya ako kahit hindi naman siya kumbinsido.
"Sige sabi mo e, but remember that I am here by your side to listen ah? And girl...it's okay, it's okay not to be okay."
I nodded."Thank you,"
She nodded back and stood up.
"Huwag kana umalis, just call your lawyer..dito ninyo na pag usapan ang kaso, may bibilhin lang ako."
Nginitian ko siya."Salamat Ash.."
She giggles and went out, I took my phone and my hold into it tightened.
Ngayong alam ko na ang totoo ay hindi ko na bibitawan pa ang kaso.Ilalaban ko ang hustisya.
Makakamit ko ang hustisya na nararapat kong makamit.
I told Prosecutor Gonzalez and Atty. Arinuevo that we'll have the meeting here for the case. It didn't take long for them to arrive. Mabilis akong tumayo at binati sila.
"Alam mo Atty. Angeles, kung okay lang sayo ay pwede namang dito natin pag usapan lagi ang kaso total ay malayo ang firm mula rito, mahihirapan kapa."si Atty. Arinuevo.
"Pagod lang talaga ako sa byahe Atty, hindi ko na kayang pumunta pa sa firm. Pasensya na at naabala pa kayo."
"Don't be, remember what we're aiming here?"singit ni Prosecutor Gonzalez.
I parted my lips and clench my fist.
"Justice."sabay naming tugon.
"Justice for my mother."walang alinlangan na ani ko.
Pareho silang napatingin sa akin, sinabi ko sa kanila ang totoo. At nandito na naman ako, nahihirapan na naman akong magpigil ng luha sa harapan nila. I excused myself to use the restroom as they continue discussing about the case.
Habol habol ko ang hininga at halos mawalan ng balanse ang katawan. Bumuhos ng malakas ang mga luha ko, nanghigpit ang hawak ko sa puso at tiningnan ang sarili sa salamin.
Do I deserve this?
Do I deserve to be hurt?
Hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng ilang minuto sa loob hanggang sa kumatok si Prosecutor Gonzalez.
YOU ARE READING
Offered Conviction from the Past (Justice Series #2)
Storie d'amoreJustice Series #2 Zari did not enter Law School for a joke. Hustisya ang pinaglalaban niya. She's been seeking justice to be heard. She want to stand up for those who cannot and be the voice for those who are afraid. But then while fighting for it...