CHAPTER 26

32 1 0
                                    


JS2: ZARI'S POV.

Halos dumugo na ang labi ko sa paraan ng pagkagat rito. Pinipigilan kong tumulo ang luha sa mga mata ko habang kaharap pa siya. Marahan niyang inabot ang kamay ko at hinaplos ito.

I was stunned when he put his thumb on my left check, that's when I knew my tears are already pooling down. I heard him sighed before he pull me into a hug.

"Hush...stop crying,"binaon niya ang ulo ko sa dibdib niya."Are you happy? Why are you crying?"

Hindi ko napigilang suminghot dahil sa sakit na nararamdaman. Nag angat ako ng tingin sakanya at tumango.

Hanggang kailan ako dapat magsinungaling sa nararamdaman ko para maging maayos tayo Kaden?

"Masaya ako... sobrang saya ko."

Naramdaman ko ang pagngiti niya bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Masayang masaya rin ako, mahal na mahal kita Zari.."

Napakagat labi ulit ako sa sinabi niya, ngayon ko lang ulit narinig ang katagang yun galing sakanya. Tumulo ang panibagong luha sa mata ko, huminga ako ng malalim bago nag angat ng tingin kay Kaden.

"Mahal na mahal rin kita Kaden,"

Mahal na mahal kita na halos isugal ko na ang buong buhay ko sa'yo. Sana masabi mo kung may mali o may pagkukulang ako, gagawin ko ang lahat para mapunan ang mga pagkukulang kong yun. Ganiyan kita kamahal. Mahal na mahal.

Sana huwag umabot sa puntong bitawan natin ang isa't isa.

Hinaplos niya ang pisngi ko."I'm sorry if I acted cold the last time, I'm sorry also if I can't take it anymore...I ruined my own plan."

Napaayos ako ng upo at pinagkunutan siya ng noo."Anong plano Kaden?"

He chuckled."It's your birthday tomorrow, I acted cold to surprise you. That was my plan but I failed."

Tiningnan ko siya ng mariin at sinuri ang kabuoan ng mukha niya. Puno ng sinseridad ang boses ni Kaden. That was a plan? I'm happy knowing it but how about Leslie? How about them being together after work? That was part of the plan?

Napapikit ako at umiling iling sa sarili. Kailangan kong tumigil kakaisip roon, sinabi na ni Kaden sa'kin ang dahilan niya kaya wala na akong dapat na pagdudahan pa. Gusto kong bumalik kami sa dati sa kung ano talaga kami, gusto kong maging masaya ulit kasama siya.

Malalim akong bumuntong hininga at kasabay nun ay ang pagwaglit ko sa isipan sa mga nangyari nitong nakaraan. Mag focus dapat ako sa ngayon, pwede namang kalimutan ang nakaraan diba? At tsaka na siguro iisipin ang kinabukasan.

Ang importante ay kasama ko si Kaden.

"I'm sorry...nasira ko ang plano mo,"

"Don't blame yourself hmm? You're just such a baby that's why I cannot take it anymore and give up."

Tumango ako sakanya at ngumiti, kahit anong dahilan Kaden. Nakalimutan ko na ngang bukas na pala ang birthday ko dahil sa rami ng iniisip.

"Zari...tangi.."he softly called.

"Hmm?"

Nagkatinginan kaming dalawa nang mag angat ako ng tingin. Unti unting bumaba ang mga mata ko sa mapupulang labi niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinalikan.

"Even how cruel your parents are, I'm still thankful to them for bringing you in this world.."

Nagtagal ang tingin ko sakanya bago dahan dahang tumango.

Offered Conviction from the Past  (Justice Series #2)Where stories live. Discover now