Aaliyah’s POV
January 14. Sa Park.
Dahil sa sobrang dami ng tao, hindi ko alam kung san ko hahanapin ung nagtext sakin kagabi.
Lakad... lakad
*Dugdug... dugdug*
Lalong lumalakas ang tibok ng puso ko habang naglalakad ako papunta sa eksaktong lugar kung san kami nags-stay ni Theo dati.
Parang naririnig ko pa ung boses nya habang kumakanta. Ang sarap isipin na mahal nga nya ko. But that was long time ago, may Trish na sya ngayon.
*inhale.. exhale*
Huminto muna ako saglit sa paglalakad at pumikit. Gusto kong kahit saglit lang maramdaman na hindi totoo ang lahat, na nanaginip lang ako.
But when I open my eyes, nagising ako sa katotohanang hindi ako nananaginip. Nandito parin ako sa park pero wala na si Theo sa tabi ko. Hindi na sya sakin. Pag-aari na sya ng iba.
“Theo, please... hindi ko na kaya, bumalik ka na sakin. Please Theo.”Yan ang sigaw ng isip ko.
Natigilan ako ng nakita ko ang isang pamilyar na tao. Nakaupo sya sa bench na inupuan namin dati.
Kahit nakatalikod sya, alam kong sya un... si Mateo.
Pupuntahan ko ba sya o hindi?
Gusto ko syang maka-usap, pero pano kung di nya ko kausapin?
“Kausapin mo sya, mag-explain ka. Maiintindihan ka nun, mahal ka nun.” Yan ang sabi ng isang part ng utak ko.
“Wag. Hayaan mo na sya, kasalanan mo kaya nangyari ang lahat ng to. Kung talagang mahal mo sya, hayaan mo nalang syang maging masaya sa piling ng iba.” Yan naman ang sabi ng isa pang part ng utak ko.
Pero dahil mahal na mahal ko si Theo, nandito ako ngayon, walking towards him.
Siguro naman papakinggan ako ni Theo. Kung ayaw na nya sakin, diko sya pipilitin, basta mag-eexplain lang ako sa kanya.
“Ano ba Aaliyah? Tanga ka ba? You don’t have to explain, pinalitan ka na nga diba? Para san pa ang explaination mo? Hindi na mababago ang katotohanang si Trish na ang GIRLFRIEND nya at HINDI ikaw!” Sabi ng isang parte ng utak kong pilit na kinocontra ang dinidikta ng puso ko.
I shook my head.
Ano ba? Nababaliw na ba ako? Bakit nagtatalo na ang mga veins ng utak at puso ko?
“Aaliyah!!” Someone called my name at bumalik ako sa reality.
Mga friends pala ni Josh. Sino kaya sa kanila ang tumawag sakin?
Ano ba yan, inisip ko pa naman kanina na si Theo ung katagpo ko, bigla ko tuloy naalala ung reason kung bat nadito ako ngayon.
Ngumiti ako sa kanila.
“Hello” Sabi ko.
“Hi, nag-iisa ka?” Tanong ng isa sa kanila.
I nodded. Parang ayokong magsalita. Si Theo lang gusto kong makausap ngayon.
“Ah.. ako nga pala ung nagtext sayo kagabi, sensya na hindi ako nakareply ha?” Sabi nung isa. Ewan kong anong name, nakalimutan ko na. O dahil yata sa nakita ko kaya hindi ko maalala ang name nya.
“Pare, diba si Trish un?” Sabi nung isa.
“Oo pare, so totoo palang sila na? Tsk! Pano na si Travis?” Sabi nung isa.
BINABASA MO ANG
Just A Kiss
RomanceIt started with just a simple kiss. They were playing “Spin the Bottle” when he’s kissed by the woman he never thought the one who would kiss him. A playful kiss that changes their whole life. And the reason why he keeps on waiting her until he know...