Chapter 37 *My Everything

603 9 6
                                    

Aaliyah’s POV

“Sweetheart naman, wag mo ako tingnan ng ganyan. Baka mamaya matunaw ako dito, mawalan ka ng sweetheart.”

Natauhan ako sa sinabi ni Theo. Kanina ko pa pala sya tinititigan. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko sya ngayon.

Kahapon lang naiinis ako sa kanya, pero kagabi… napag-isip-isip ko na wala naman akong dapat ipagselos. It’s just a kiss. Ang mahalaga, alam kong mahal nya ako at mahal ko sya.

“Kapal mo talaga!” Sabi ko sabay bato ng cornik sa kanya.

Sinalo nya un sabay kain.

“Yuck! Tinapon na kinain pa.” Sabi ko.

“Ano naman? Sayo naman galing yun eh.”

Anong konek? Baliw na yata tong isang ‘to. Kagabi kung anu-ano sinasabi sa text. Sabi magpapakamatay daw sya pag di ko sya kinausap. Tinawanan ko lang pero di ako nagreply. Ganun ba talaga nya ko kamahal?

“Hay ewan… tapusin mo na nga yan ng makatulog na tayo.” Sabi ko sa kanya.

Kasalukuyan nyang ginagawa ang research ng grupo namin. Sya lang mag-isa. Kaya nya na yun, sabi nya he’ll treat me as his princess, kaya ayan… magdusa sya!

Lalo akong inaantok sa mga song na naririnig ko mula sa radio. Iginala ko ang paningin ko. Ang daming pagbabago sa bahay na to mula ng huli akong pumunta dito. I wonder… dinala din kaya ni Theo dito si Trish?

Aish… delete! Ako lang ang mahal ni Theo. Ako lang. Kailangan kong magtiwala na ako lang at wala ng iba pa.

“Sweetheart ano iniisip mo?” Sabi ni Theo as he hugs me from my back. Nakaharap kami sa salamin ngayon.

Ganito pala itsura namin pag magkayakap. Bagay nga kami. Bagay na bagay. Pinagmasdan ko ang reflection namin. Napaka pogi ng Theo ko. Siguro, hindi sya ang pinakagwapo sa barkada. Maaring mas pogi sa kanya si Lemuel, Gelo or si Jeric. Pero para sakin, sya ang PINAKA sa lahat.

Hindi sya perpekto, may ugali syang hindi maganda sa paningin ng iba at may pag ka OA sya minsan. Pero yun ang minahal ko sa kanya. Mahal ko sya sa kabila ng pagiging maramot nya, makisarili (pareho lang yata yun?), masyadong proud sa sarili, mataas ang pride, at kung anu-ano pang imperfections.

Nasabi ko nabang mahal ko sya? Oo na. Paulit-ulit ko na yatang sinasabi, pero mahal ko talaga sya, at hindi ako magsasawang ulit-ulitin un.

“Sweetie” Sabi nya.

“Hmm?” Tugon ko.

“I love you!”

Mula sa reflection ko sa salamin, kitang kita ko kung pano nagbago ang kulay ng pisngi ko.

“Ahaha” Tumawa sya ng tumawa kaya umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at pumunta sa kama na naroon.

“Anong tinatawa-tawa mo dyan?” Ang sungit ko ngayon. Bahala ka sa buhay mo Theo. Matutulog na ko. Pero hindi yata ako makakatulog agad.

“Kase… kase nagbablush ka!”

“Oh, eh ano ngayon? Bawal magblush?”

“Hindi naman.” Sabi nya tapos lumapit sya sakin. “Sweetie, sorry na. Natutuwa lang ako pag kinikilig ka.”

Natutuwa daw? Mukha ba akong clown? Batukan ko kaya ang isang ‘to?

“Hoy… teka lang… ano gagawin mo dyan? Baka kung anong makita mo dyan.” Sabi nya.

Pinakialaman ko kase ang dala nyang bag. Wala lang, trip ko lang makialam ng gamit nya. Plano ko kaseng maghanap ng gamit na pambabae or kahit anong pwede kong pagtawanan para makaganti naman ako. Para nagblush lang ako, pinagtawanan na.

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon