Chapter 20 *Season of Loneliness

580 6 5
                                    

Mateo’s POV

December 24. Four days after ng huli naming pagkikita ni Aaliyah.

It’s my birthday today kaya iexpect ko na may surprise sila sakin, pero wala pla.

Buong araw na kaming nagkakasiyahan dito sa ancestral house namin sa province.

Nandito din ang barkada, pero wala si Aaliyah..

At dahil last night na ng Simbang gabi, we’re not allowed to drink the whole day.

The mass has ended, at 11 pm narin.

1 hour na lang matatapos na ang birthday ko pero wala pang nakapagsasabi kung nasan si Aaliyah.

Hindi manlang sya tumatawag ko nagtetext saming lahat.

I tried to contact her pero out-of-reach ang phone nya. Yung sa bahay naman nila walang sumasagot.

Dapat pla dumaan muna ako sa kanila bago pumunta dito.

Too late, nandito na kami sa province at medyo matagal ang byahe papunta dun.

Nasa labas sila samantalang ako nandito sa loob ng room ko, kaharap ko ung laptop and cellphone.

Hoping that before this night ends; I’ll get a call or text from her.

Nakaopen ang skype ko, ang email ko, ang fb ko, ang twitter ko.. pero hindi manlang nag-oonline si Aaliyah. Bakit kaya?

Nakatitig lang ako sa monitor habang naghihintay na may dumating na bagong email.

Maghapon ko ng ginagawa to.. hindi ko na-enjoy ang birthday ko.

Sa wakas, may bagong email na..

Tiningnan ko..

Hay.. spam lang pla!

Nakakainis akala ko si Aaliyah na.

*Knock knock

May kumatok pa.. si tita pla

“Theo, nandito ka lang pla.. Baba ka na dun, Noche Buena na.”

Tumingin ako sa orasan. 5 minutes before 12 na.. 5 minutes na lang tapos na ang birthday ko.

“Sige po tita.. sunod na lang po ako”

December 25 na. Hindi ko na birthday, at hindi manlang nya ko naalalang tawagan o itext.

Bumaba na ko, naabutan ko silang kumakain.. di manlang ako hinintay.. kaasar lang.

Nang-asar pa itong sila Josh.

Bakit kase sinama ko pa sila dito.. at bakit dito pa ko nagcelebrate ng birthday, naaalala ko tuloy si Aaliyah.

Yung pagsasayaw namin, ung pag-uusap namin.

Hay.. Aaliyah, nasan ka ba? Bakit wala ka dito?

Hindi buo ang barkada, wala kase si Aaliyah at walang may alam kung nasan sya.

“Theo, nasan ung babaeng dinala mo dito nung nakaraan?”

Ano ba yan, nagtanong pa si tita. Hindi alam ng barkada na dinala ko na dito si Aaliyah.. Magtatampo ung mga un, usapan kase sabay sabay silang pupunta dito.

“Oi.. bhe, Naks.. nagdala kna pla ng chicks dito.. sino un???”

“Ikaw ha! Malihim ka!”

“Oi.. sino nga?”

“eto nman ayaw pang sabihin”

Sunud-sunod nilang tanong.

Bakit ba kase naopen pa ung ganitong topic. Mas lalo ko lang namiss si Aaliyah.

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon