Chapter 21 *Is It Too Late?

591 8 1
                                    

Aaliyah’s POV

Hapon na pala. May usapan ang barkada na pupunta kina Josh.

Birthday kase nya nung December 30, at dahil lahat kami nasa bakasyon, ngayon na lang daw icecelebrate.

Saturday ngayon at pasukan na nman sa Monday kaya kelangan na naming i-enjoy ang huling araw ng bakasyon.

Kakarating lang namin mula sa mahabang byahe.

We spend our vacation somewhere in U.S.

Kasabay ng vacation ang operation para sa next device ko na kasalukuyang ginagamit ko ngayon.

Glad I survived the operation pero may masamang balita.

Hindi na daw kase masyadong nagrerespond ang katawan ko. Meaning, ilang device na lang ang pwedeng ikabit sakin. May possibility na mag malfunction pa daw ang mga ito.

Ayoko ng isipin pa ang mga bagay na un.. ang mahalaga, nandito pa rin ako.

Tinext ko sina Myke at Ella. Sila lang ang may alam kung nasan ako nung Christmas at New year.

Nalulungkot ako lalo na nung birthday ni Matt. Gustong gusto ko syang kausapin, pero hindi pwede. Bawal kase muna ako gumamit ng mga gadget nung time na un.

Pati cellphone ko ngayon ko na lang ulit nagamit.

Pumunta na ko sa place na sinabi nila. Susunduin daw ako nila Gelo. Late na naman ako ‘eh. Hindi ko pa alam ung bagong place nila Josh.

“Bhe!”

Napalingon ako.. nakita ko sina Lemuel, Gelo at... Mateo??

Alam ko masama pa rin ang loob nya sakin dahil sa ginawa ko nung last naming pagkikita.

Nasabi din ni Ella sakin sa text na malungkot daw si Matt nung birthday nya at halos di daw nagsasalita.

Kelangan kong magpaliwanag kay Matt. Magulo lang talaga ang isip ko nun. Gusto ko rin namang magkabalikan kami pero bothered ako sa nabasa kong text nung time na un.

Si ate ung nagtext sakinng gabing un, nasa U.S sya kasama ang asawa’t anak nya. Sya ung kumakausap sa doktor ko dun.

Sabi nya kelangan ko na daw maoperahan as soon as possible kase may problema daw silang nakikita.

Halos maiyak na ko nun. Hindi ko alam kung anong problema pero I’m sure mabigat un.

Kaya wala ako sa sarili ng gabing un, at kahit gusto kong magkabalikan kami ni Matt.. pinili kong wag muna, baka kase hindi maging successful ung operation ko, o kaya kung ano ung problema at hindi na ko makabalik ng buhay dito.

Ayokong lalong malungkot si Matt kaya nagawa ko yun. At nung nasa eroplano na ko, pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Hindi ko kase pinagtapat ang tunay na dahilan.

Ayoko kaseng mahalin nya ko dahil sa awa o layuan nya ko dahil sa sakit ko.

Ngayon, kelangan kong magpaliwanag sa kanya. If he’ll ask me the same thing, hinding hindi ako magdadalwang isip na makipagbalikan sa kanya.

I love him a lot. At napatunayan ko un nung ilang araw kaming di nagkita.

“Bhe, long time no see ah.. San ka ba nagpunta?” Tanong ni Gelo.

Nakatingin din sila Lemuel at Mateo na parang naghihintay ng sagot.

“Ah.. eh.. wala.. wag nyo ng isipin un, nandito na ko diba?” Sagot ko na lang.

Parang gusto kong yakapin si Matt. Sobrang miss ko na sya, kaya lang parang napaka cold nya ngayon. Hindi sya nagsasalita kahit ang iingay nila Gelo at Lemuel.

Parang bumalik ung Matt na kilala ko nun.. nung hindi pa nangyayari ang dare na un.

Nakarating kami sa place nila Josh. Hindi lang kami ang bisita nya, nandun din ang mga schoolmate nya nung highschool na schoolmate ko rin.

Pareho kase kami ng school nung highschool, kaya lang nagtransfer ako nung fourth year na ko, si Josh mula first year dun sya nag-aral tapos fourth year nagtransfer sya sa ibang school. Kaya di kami nagkakilala dati.

Yung mga kaibigan nya, kilala ko. Pero di masyadong close. Kakilala din ni Trish kase schoolmate at barkada ni Travis ang iba sa kanila.

Niyakap ako ng barkada ko, halatang miss na miss na nila ako.

Siguro, si Matt lang ung hindi kumausap sakin. Kahit isa sya sa sumundo sakin kanina, di manlang nagsalita. Puro tango at iling lang sagot nya kina Lemuel kanina.

Tapos pagdating dito, umupo agad sa tabi ni Trish.

Parang kailan lang, dati ako ung nasa tabi ni Matt.. Ngayon parang napakalayo na nya.

Iisa lang ang mundong ginagalawan namin dahil magkaibigan kami.. napakalapit nya lang sakin pero bakit parang ang layo nya ngayon?

Nakatulala ako ng kausapin ako ni bebe Yza.

“Bebe”

“Oh?”

“Bakit tulala ka jan?”

“Ah.. wala, may naalala lang ako.”

Hindi ko inalis ang tingin ko kina Matt at Trish.

“Ahmm.. bebe, alam mo ba nung wala ka napakalungkot nya. Hindi nga kami kinakausap nyan eh, kahit nung birthday nya.”

Ngumiti lang ako, pero saglit lang un. Nakwento na un sakin ni Ella eh.

“San ka ba kase nagpunta? Bakit wala ka nung birthday nya?”

“Ah.. wala, nagbakasyon lang”

“Bat dika nagpaalam?”

Ngumiti na lang ulit ako. Alam ni Yza ang ibig sabihin nun, ayoko ng pag-usapan ang bagay na un.

Nakatingin parin ako dun sa dalawa, parang ang sweet sweet nila eh.

“Sila na ba?”

Tanong ko kay Yza.. Ayoko marinig ang sagot, pero gusto ko pa rin ng confirmation. Gusto kong malaman kung may pag-asa pa ba ako. Kung di pa huli ang lahat. Pero mukhang obvious na talaga ang sagot.

“Ah.. bebe, wala akong alam tungkol dun eh, pero nung sinundo ka nila kanina, sabi ni Trish, sila na daw.”

Hindi ko alam kung iiyak ako tatawa or what.. I wanna hide my feelings.

Ang bilis naman ni Matt mag-move on!

Ang sakit sakit..

Sabi ni Trish, SILA na daw

Sabi ni Trish, SILA na daw

Sabi ni Trish, SILA na daw

Gusto kong mabuhay para sa kanya, pero sa narinig ko.. parang mas gusto ko pang mamatay.

I love him so much

Huli na ba talaga ang lahat?

Itutuloy ..

******************************************************************************************

Thanks for reading :))

Due to some requests and suggestions, I decided to distribute the first three parts into chapters.

Thanks po sa mga nagsuggest :))

Dedicated to imyouremzie :))

Mabait yan! hehe

Try her story too ha?

Lalo na ung S.O.C.O

Promise maganda yun!

Wahaha :D

Bawal magplug sa story ko! Ako lang may karapatan magplug :D

P.S

I need feedback..

PM nyo ko ha? Thanks a lot!

(Feeling maraming readers!) xD

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon