Aaliyah’s POV
Nasan ako? Bakit walang tao? Bakit parang hindi ko alam ang lugar na ‘to?
Shemay naman oh!
Sinundan ko lang sya, nakita ko kase sya kaninang lumabas eh.. pero bat bigla syang nawala?
San ba sya pumunta? Tuluyan na ba nya kong iniwan?
“Asan ka na? Bumalik ka na please?”
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
Nagulat ako when someone hugs me from my back.
“Akala ko iniwan mo na ‘ko. Kanina pa kase kita hinahanap.” Sabi nya.
“Kaw nga dyan ang nag-iwan eh. Paggising ko wala ka na sa tabi ko” Sabi ko at humarap ako sa kanya.
Pinunasan nya ung mga luha ko.
“Kumuha lang ako ng pagkain natin”
Napangiti ako, akala ko tuluyan na nya akong iniwan. Niyakap ko sya ng mahigpit.
“Sa susunod magpapaalam ka ha? Gisingin mo ko kung maaari. Ayokong magising na wala ka.”
“ Sorry na..”
“Don’t wanna lose you” Sabi ko sa kanya matapos bumitaw sa pagkakayakap.
“Don’t wanna lose you too. Kaya next time ha, wag ka aalis basta basta. Nag-alala kaya ako sayo. Ang layo na nito ha.” Sabi nya sakin then niyakap nya ko ulit.
“I love you”
Sabi ulit nya then I felt his lips kissing mine.
Parang ayoko ng matapos ang sandaling ito.
But—something happen at natapos na ang sweet moment na yun.
We saw a snake crawling towards us.
“AHAS!” Sigaw ko.
He held my hand tapos tumakbo kami. Tumakbo kami ng tumakbo pero bakit nanjan parin ung ahas.
Naramdaman kong unti-unti syang bumubitaw sa pagkakahawak sakin.
Napahinto ako sa pagtakbo ng tuluyan nyang bitiwan kamay ko. Napalingon ako, nakita ko sya.
Tumatakbong pabalik.. pabalik dun sa ahas!!!
**
Nagising akong umiiyak. Bakit pati sa panaginip ko lumalayo sya sakin? Akala ko di nya ko iiwan at ayaw nyang mawala ako, pero bakit ganun?
Nakakainis! Bakit kahit sa panaginip naaalala ko ung memories namin ni Theo? Bakit nakikita ko sya sa panaginip?
Kahit hindi ko marecognize ang lalaking un sa panaginip ko, alam kong si Theo un. Dahil mahal ko ung lalaking un sa panaginip ko.
Nangyari na ung moments na un dati, nung nasa plantation kami.. nung akala ko iniwan na nya ko.
Bakit kelangan ko pang makita un sa panaginip ko?
I tried to interpret my dream at napaiyak lang ako sa resulta ng interpretasyon ko.
Argghhh.. Sakit ng ulo ko!
Napahawak ako sa ulo ko. Inilibot ko ang paningin ko. Hindi ko naman kwarto to?
Nasan ako??
Napaluha akong muli when I remember what happen not so long ago.
Dito rin sa kinahihigaan ko ngayon, nagising akong masaya for unknown reason.
BINABASA MO ANG
Just A Kiss
RomansaIt started with just a simple kiss. They were playing “Spin the Bottle” when he’s kissed by the woman he never thought the one who would kiss him. A playful kiss that changes their whole life. And the reason why he keeps on waiting her until he know...