Chapter 31 *Make You Mine

716 9 7
                                    

Pagpasensyahan nyo na, eto lang ang kinaya ng aking imahinasyon para sa Valentines special ng JUST A KISS :))

******************************************************************************************

Aaliyah’s POV

“Manong may nakita ho ba kayong babaeng tumatakbo? Nakablack na damit?” Tanong nung humahabol sakin.

Hindi ko alam kung marami sila, tinakpan ko kase ang tenga ko para di marinig ang pinag-uusapan nila pero naririnig ko parin ang ibang sinasabi nila.

Katapusan ko na ba talaga?

Nagulantang ako sa sinabi nung pinagtanungan.

“Ah ung babaeng maganda? Dun pumunta oh”

Napapikit nalang ako habang tinatakpan ko parin ang mga tenga ko. Umiiyak parin ako.

Nakarinig ako ng mga yabag papalayo sa kinaroroonanan ko. Nakahinga ako ng maluwag. Lumabas ako sa pinagtataguan ko. Saka ko lang naisip na napakatanga ko. Bakit kase dito ako nagtago eh kung pumunta un sa banda rito kita agad ako.

Dinala ako ng mga paa ko sa hide-out namin. Tumuloy ako sa kwarto pagkatapos kong magtangal ng make up at magtoothbrush. Parang gusto ko dito matulog ngayong gabi.

Ung hide-out kase namin bahay talaga sya, hindi naman masyadong malaki at bagong gawa lang nung pumunta kami rito 2 years ago. Kumpleto rin sa gamit. Hindi ko alam kung pano nila natunton ang lugar na to at kung kaninong bahay to at sinong nagbabayad ng kuryente.

Hinubad ko ang high heels ko. Ang sakit ng paa ko. Nag-indian sit ako sa kama tapos kinuha ko ung phone ko sa maliit kong bag. Ginawa ko na namang MP3/ipod ang phone ko. Gusto kong mag-emote. Gusto kong umiyak.

Bakit kase patuloy parin akong umaasa na babalikan ako ni Theo? Na mahal pa nya ako? Eh kitang kita naman na kuntento na sya kay Trish eh. May payakap-yakap pa silang nalalaman. Siguro sa mga sandaling ito kinokoronahan na silang dalawa bilang Mr. & Ms. Valentine.

Tuluyan ng umagos ang mga luha ko. Naiinis ako sa sarili ko. Parang ayoko ng mabuhay, dapat pala di nalang ako nagpachange ng device. Sa sobrang pagod ko kanina kakatakbo for sure patay na ko ngayon kung di ako nagpapalit.

Narinig kong may nagbukas ng pinto ng hide-out. Kami lang ang makakapasok dito dahil kami lang ang may susi. Nakaawang ung pinto ng kwarto. Umayos ako ng upo, niyakap ko ang mga tuhod ko at ipinatong dun ang ulo ko.

Nagulat ako ng may nagbukas ng ilaw ng kwarto. Kulay red ung ilaw na nabuksan kaya hindi masyadong maliwanag. Nagkagulatan kami.

“Nandito ka lang pala, tara na, hinahanap ka na nila dun” Malamig pa sa yelong sabi nya.

Sino pa bang kakausap sakin ng ganyan kundi si THEO? Hindi ako sumagot.

“Kung ayaw mong bumalik, di kita pipilitin.” Sabi nya habang papalabas ng kwarto.

Kami lang ba talaga ditong dalawa? Kung kami lang, hinding hindi ko hahayaang iwanan nya ko dito mag-isa. Hindi ko sya paaalisin hanggat di ako nakakapag sorry sa kanya at hindi nasasabi kung gaano ko sya kamahal. Bahala na kung tanggapin nya o hindi. Lulunukin ko na ang sarili kong pride.

Dahil sa pag-aalalang iwan nya ko. Nagmadali akong bumaba sa kama. Ewan nga kung pano ko sya naabutan agad, parang isang hakbang lang ang ginawa ko. Sa kakamadali, ung phone ko natanggalan ng headset.

Lumapit ako kay Theo at niyakap ko sya mula sa likod.

“Theo, sorry. I’m so sorry. Sorry kung nasaktan kita nun. Sorry kung may mga bagay na hindi ako sinasabi sayo. Sorry kung anuman ang nagawa kong kasalanan sayo. Sorry talaga.” Sabi ko pero pinipilit nyang alisin ung pagkakayakap ko sa kanya. Lalo kong hinigpitan un.

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon