Chapter 25 *BitterSweet Moment

589 4 5
                                    

Aaliyah’s POV

It’s been a week since I saw them at the park... hugging each other.

Hindi ko kayang itanggi na nasasaktan parin ako, pero hindi na ganun kasakit.

Siguro nga unti unti na kong nakakamove on.

Salamat kay Jeric, sya ung laging nandyan para magpasaya sakin.

Pag napapansin nyang malungkot ako, kung ano anong pick-up lines and jokes ang naririnig ko sa kanya. Corny pero atleast napapatawa nya ko.

Alam kong mali at lumalabas napanakip-butas lang sya, pero... wala akong magawa.

At ngayon, 3 days na kaming M.U.

I don’t know what’s the real meaning of that, pero I’m sure M.U na kami.

Hindi nga siguro fit ang M.U para sa situation namin, kase hindi mutual ung nararamdaman namin. At alam kong mali ang ginagawa ko, pero hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ko manlang nakikitang nagseselos si Mateo. Tulad ngayon, parang ang saya saya pa nya habang nakikipagkwentuhan sa iba pa naming barkadang boys.

Samantalang ako, pasimple lang syang pinagmamasdan. Bawat halakhak na naririnig ko sa kanya, parang naririnig ko ung dating Theo, nung KAMI pa.

“Bebe, ang lalim ng iniisip mo ah” Sabi ni Lyca at nagbalik ang ulirat ko, nagbalik ako sa reyalidad na walang KAMI, dahil SILA na.

“Ah, wala.. may naalala lang ako.” Sabi ko.

"Bebe may sasabihin ako sayo" Sabi nya.

"Ano un?" Sabi ko naman.

“Bebe, ano kase.. si Nikka nagyayaya” Sabi nyang pabulong.

“San?” Sabi ko.

“Shhh.. sa bar mamayang gabi, wag kang maingay baka marinig tayo ng mga boys” Bulong nya.

“ha? Ano naman gagawin natin dun?” Sabi ko. Walang akong interes na sumama, the last time na sumama kase ako nabored lang ako.

“Wala.. just for fun lang, tsaka masyado tayong nasstress sa mga subject natin, wala naman pasok bukas kaya napagkasunduan namin pumunta dun, tsaka ano..” Sabi nya.

“Ano?” Sabi ko ng matagal syang bago nagsalita.

“Pansin kase namin may gap kayo ni Trish eh, para maging okay narin kayo.” Sabi nya.

Nag-uusap naman kami ni Trish pero syempre, hindi maiiwasan ung ilangan, ex ako ng boyfriend nya eh.

Gusto ko rin mawala ung gap na yun, para makamove on na ko ng tuluyan.

I sighed before saying,

“Sige”

“Talaga? Yehey!!!!” Sabi ni Lyca na nagtatatalon, parang bata, kung ibang tao ang nakakakita sa kanya ngayon, hindi iisipin na napakayaman pala ng babaeng to.

Nagtinginan samin ung mga boys.

“Anong meron bhe? Bakit nagtatatalon un?” Tanong sakin ni Lemuel.

“Wala.” Sabi ko then I follow Lyca.

**

Sa bar.

Sayaw dito, sayaw dun. Inom dito, inom dun. Hindi ba sila napapagod?

“Bebe, ano bat wala pa sila?” Tanong ko kay Ella na nagtetext.

“Ah, kase bebe nagtext si Yza, hindi daw sya makakapunta eh.” Sagot nya.

“Eh sila Grace?” Tanong ko ulit.

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon