Mateo’s POV
July 1. 13 days nalang monthsary na namin ni Aaliyah. 23 days nalang birthday na nya!
Pinanuod naming magkakalase ung movie na "Troy". Tumitili sila Nikka pag nakikita si Brad Pitt. Pero napansin kong hindi nanunuod si Aaliyah. Wala syang pakialam sa pinapanuod namin. Bakit ganun? Alam ko idol nya 'tong si Brad Pitt. May collection nga sila sa bahay nila ng mga movies ni Brad Pitt. Sabi ng kapatid nya favorite daw kase ni Aaliyah si Brad Pitt. Nilapitan ko si Aaliyah.
"Sweetie.. may problema ba?"
"Ah.. wala. Sige bumalik ka na sa upuan mo."
(Sigh)"C'mon sweetie.. tell me.."
"Wala nga eh.. bat ba ang kulit mo?!" Ang labo naman ng babaeng ito! Kelangan pa sigawan ako? Tumingin samin ang mga classmate namin.
"LQ?" narinig kong sabi ni Lemuel, isa sa mga kaibigan namin ni Aaliyah. Lumabas ako ng room. Bakit ganun sya? Ano bang nagawa kong mali?
Aaliyah's POV
Grrr!!! Bad day!
Nasigawan ko tuloy si Matteo. Nakakinis kase. Nung Sunday pa ako ganito. Mula ng bumalik sa buhay ko si Ken! Bakit ganun, mahal ko na si Matt.. Hindi, sobrang mahal ko na sya, pero bakit kelangan guluhin ni Ken ang relasyon namin? Hayy.. Kenzo Takahashi, bakit kase bumalik ka pa? Lumabas ako ng room. Tapos na ang klase, pinapanuod na lang namin ung movie na Troy.
"Ang lalim ng iniisip mo ah", si Jeric. Sinundan pala nya ako.
"hmm.. di naman"
"May pupuntahan ka ba or gagawin after class?"
"Wala naman"
"Good. Samahan mo naman ako. Please?"
"Saan?"
"Sa mall, may bibilhin lang" Sabagay gusto ko rin malibang. Ayokong isipin si Ken at si Matteo. Hayy buhay..
"Sige"
After class, sumama ako kay Jeric. Malapit lang ung mall. Hindi ung mall na lagi namin pinupuntahan ni Matt. Naglalakad kami ni Jeric ng may makita akong pamilyar na mukha. Si Joanne! Ang babaeng walang ginawa kundi gawing bf ang mga manliligaw ko nung highschool.
"Hey! Kumusta? Boyfriend mo?" Tanong nya sabay tingin kay Jeric. Oh! Don't tell me si Jeric ang puntirya nya ngayon?
"No. He's not! He's just a friend"
"A friend? Tsk! Di kpa rin nagbabago Aaliyah!"
"And why do I have to?"
"Ahmm.. by the way---" Di na nya natapos ung sasabihin nya. May tiningnan sya mula sa malayo.
"O.M.G! He's here" bulong nya.
"Sino?"
"My future boyfriend! Wanna meet him? Wait." Pinuntahan nya ung sinasabi nyang future boyfriend daw. Hindi ko na sya nilingon. Tuloy tuloy kami ni Jeric sa paglalakad ng ---
"Aaliyah!!!" I turn around to see him.
"Matt--? What are you doin' here?"
"huh? What I am doing here? Diba dapat ako magtanong sayo nyan? At bakit kasama mo sya?" He's talking about Jeric.
Di ko alam kung ano sasabihin. Okay, mali ako. Kasalanan ko.
"Sagot!!"
Pinagtaasan nya ko ng boses? Oh! I can't believe it! Knowing Matt, hindi nya gagawin ang ganitong bagay! Hindi nya ko ipapahiya sa maraming tao. Hindi ako sumagot. Tiningnan ko sya ng masama. He doesn't say anything but grab my wrist and pull me.
"Ano ba Matt?! Nasasaktan ako! Let me go!" Pero di pa rin nya ko binitawan.
Oh! Please Matt! Wag mong gawin to, anytime right now baka magcollapse ako.
"Sakay!"
"I said sakay!" Oh my! He's mad! Ngayon ko lang sya nakitang ganito. Sumakay ako sa car nya. Pinaandar na nya ang kotse. Mabilis. San kaya kami pupunta?
"Matt I'm sorry.. I really sorry" Hindi sya sumagot. He's driving for almost an hour pero di parin sya nagsasalita.
"San ba tayo pupunta? San mo ko dadalhin?" I still get no response from him.
"Badtrip!!" Bulong ko.
"Ihinto mo nga to! Bababa na 'ko!" Hindi nya hininto. Lalo pa nyang binilisan ang pagmamaneho.
"Ano ba! I said Stop! Look! I'm not your toy here! Hindi mo ko pwedeng dalhin kahit san mo gusto!"
"You're not a toy! You're my Girlfriend!"
"Girlfriend?! Tsk! Fine. Edi break na tayo!" Ha? bat ko ba nasabi un? Hindi. Mali! Bakit ba hindi ako nag-iisip?
Napasubsob ako ng biglang magpreno.
“Ouch!”
Bumaba sya sa kotse. Binuksan nya ung door sa tabi ko them he pulled me out of his car. Ganito ba talaga sya pag galit? Palagi nalang naghihila?
"Aray ko Matt, nasasaktan ako! Ano b--"
Napatingin ako sa place kung saan kami naroon. Maraming halaman. Tapos may cute na bahay sa gitna nun. Oh my! My heart is beating so fast! No it can't be.. Wala dito si Mom or si Dad. I get weaker and weaker as we walk. Then nagblock out ang paningin ko and –
BINABASA MO ANG
Just A Kiss
RomanceIt started with just a simple kiss. They were playing “Spin the Bottle” when he’s kissed by the woman he never thought the one who would kiss him. A playful kiss that changes their whole life. And the reason why he keeps on waiting her until he know...