Chapter 29 *Knowing Something

622 11 7
                                    

Mateo’s POV

Pauwi na kami galing sa aming Team Building activity. Sobrang saya ko. Kase palagi akong napapalapit kay Aaliyah. Salamat sa mga makukulit naming kaibigan, lalong lao na kay Gelo na pasimuno ng lahat.

Kinausap nya ako pagkatapos ng debate. Masyadong mainit ang ulo ko nun dahil sa conversation namin ni Aaliyah. Pero sa mga sinabi ni Gelo, biglang nag-iba ang mood ko.

**

“Babe, ano na naman ba ang nangyayari sa inyong dalawa? Bakit bumabalik na naman kayo sa dati?” Tanong sakin ni Gelo.

Nandito kami ngayon sa bahay namin. Sinundan kase nya ako, kala ko may itatanong lang tungkol sa team building. Hindi ko lang inaasahan na ioopen nya ang topic tungkol kay Aaliyah.

“Sya naman kase nag-umpisa eh. Napuno na ko babe, nakakasawa ung lagi nalang sya ang pagbibigyan.” Sabi ko.

“Pero hindi mo dapat sinabi un sa kanya. Parang wala naman kayong pinagsamahan nyan eh.” Sabi nya.

“WALA na kami at wag mo kong sisihin kung sinabi ko yun sa kanya. Pinaliwanag ko lang ang side ko.” Sabi ko.

“Kayo talagang dalawa, kung magsagutan kayo parang di nyo mahal ang isa’t isa” Sabi nya.

Nagulat ako. Pano naman nasabi to ni Gelo? Nakakabasa ba sya ng iniisip ng iba? Hindi ko kayang itanggi sa sarili ko na kahit sobrang badtrip ako sa babaeng yun, nangingibabaw parin ung pagmamahal ko sa kanya.

Tiningnan ko sya ng masama. Tumawa sya.

“Wag mo akong tingnan ng ganyan babe, kahit di mo sabihin, alam kong mahal mo parin un. Pwede pa naman mabalik ung dati diba?” Sabi nya.

“Pwede ba babe, don’t play cupid! Hindi na mababalik ang dati. Wala na!” Mahina ngunit madiin kong sabi.

Tumawa ulit sya.

“Naku babe! Lokohin mo na ang iba, wag lang ako! Kitang kita ng dalawang mata ko.” Sabi nya.

“Ano na naman nakita mo? Naku, nag hahallucinate ka na naman babe.” Sabi ko sabay tawa.

“Hindi ako naghahallucinate! Kita ko kayo.. ung sa kotse?” Sabi nya sabay ngumiti ng pang-asar.

Bigla akong kinabahan. Pano nya nakita un? Oo nga pala umalis lang sya saglit. Akala ko pa naman ako lang nakakaalam nun.

“Kalimutan mo na yun!” Sabi ko sa kanya.

“Pano ko kakalimutan, hindi nga maalis sa isip ko kung pano kayo–“

“Shut up!”  Sabi ko.

Gulong gulo na ang isip ko. Hindi ko parin matanggap na si Jeric ang tinawag nya ng gabing yun at hindi ako.

“Sorry” Sabi ko ulit. Ayokong maging dahilan ito ng di namin pagkakaunawaan.

“Ayos lang babe, sorry din. Nga pala, bat parang hindi maalala ni Aaliyah ung–“ Sabi nya sabay umiwas ng tingin. “Ung kiss nyo ng gabing un?”

Ngumiti na naman sya ng pang-asar.

“Ganun talaga sya pag nalalasing hindi nya agad-agad natatandaan ang mga nangyari, pero pag pinaalala mo kahit konti, maaalala nya un” Sabi ko.

Nangyari na rin kase ung ganito dati, nung di nya maalala na sinabi nyang kami na. Nainis pa nga ako sa kanya ng time na yun, pero hindi ko parin maintindihan hanggang ngayon kung bakit minahal ko sya sa halip na inis o galit ang maramdaman ko sa kanya.

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon