Chapter 39 *Reason

397 4 4
                                    

Mateo’s POV

March 14. Isang buwan mula ng maging kami ulit ni Aaliyah. At dahil monthsary namin ngayon, may magandang regalo ako sa kanya ngayon. Ilang araw ko narin itong pinag-iisipan. Ngayong araw na ito, ipagtatapat ko na sa mga kaibigan namin at sa lahat ng taong nakakakilala sa amin, na kami na ulit.

Hanggang ngayon, alam kong hindi parin nila nalalaman ang tungkol sa sikretong relasyon namin ni Aaliyah. Ano kayang magiging reaksyon nila?

Kung anuman ang magiging reaksyon nila, nakahanda akong tanggapin yun. Kahit na magalit pa sila samin. Wala ng halaga sakin ang magiging reaksyon nila, ang mahalaga... SAKIN si Aaliyah.

“Good morning sweetheart.”

Bati ko kay Aaliyah ng masalubong ko sya habang papasok ako sa aming classroom. Hindi nya ko pinansin, dire-diretso syang naglakad papunta sa Restroom.

“Ano ba! Bitiwan mo nga ako!”

Sigaw nya sakin matapos ko syang hilahin sa may bakanteng classroom.

“Psst.. wag ka maingay, baka marinig nila tayo.”

Sabi ko habang niyayakap ko sya. Nagulat ako ng itulak nya ko palayo.

“Sweetheart, ano na naman ba kasalanan ko? Wag ka naman magalit sakin, monthsary natin di ba? May surprise pa naman ako sayo.”

Sabi ko habang pinipilit na makalapit sa kanya, pero sya naman itong palayo ng palayo.

“Surprise ba?” Tanong nya, sabay tawa.. pekeng tawa sapagkat may tumulong luha mula sa kanyang mga mata.

“Wag kang mag-alala, nasurprise talaga ako. Happy Monthsary ha?”

Sabi nya habang papalabas ng pintuan pero pinigilan ko sya.

“Ano bang problema mo? Bakit ayaw mong sabihin sakin? Makikinig naman ako. Sweetheart naman, ayusin natin to.”

Sabi ko sa kanya habang ikinukulong ko sa aking palad ang malalambot nyang pisngi, patuloy parin sya sa pag-iyak.

“Theo... ayoko... na”

Sabi nya sa pagitan ng paghikbi.

“Ha? Anong ayaw mo na?”

“Pagod na ko Theo. Hindi ko na kaya.”

“Sweetheart, kaya natin to. Akong bahala, aaminin na natin sa kanila mamaya ang totoo. Wag ka na umiyak, wag ka ng malungkot.”

“Pero Theo, ayoko na! Hindi ko na kaya! Mahirap bang intindihin yun? Kung mahal mo sya, sa kanya ka nalang. Ayoko na Theo, ayoko na...”

“Sinong sya? Ano ka ba, di ba sabi ko ikaw lang gusto ko? Ikaw lang mahal ko. Sinong ‘SYA’ ang tinutukoy mo? Sweetheart wag mo namang gawin to. Baka di ko kayanin pag nawala ka ulit sakin.”

“Hindi kayanin? Eh nakaya mo ngang lokohin ako! Ayoko na Theo.. ayoko na.”

“Anong lokohin? Ikaw lang ang mahal ko, hindi kita niloloko Aaliyah! Sino na namang nagsabi sayong niloloko kita? Di ba sabi ko sayo, sakin ka lang maniniwa..”

“Tama na Theo! Tama na! Ayoko na!! Hindi ko na alam kung anong dapat kong paniwalaan kaya please... bigyan mo muna ako ng time para mag-isip. Please.”

Sabi nya habang patuloy sa pagdaloy ang kanyang mga luha. Lumabas na sya ng tuluyan sa pinto. Hindi ko na tinangkang pigilan sya.

Ibinuhos ko nalang ang galit ko sa dingding ng classroom na kinaroroonan ko.

Paulit-ulit ko ng nakita ang ganitong pagkakataon. Una noong unang beses na magbreak kami. Pangalawa, nung tinangka kong muling makipagbalikan sa kanya. At ngayon ang pangatlo. Pero dahil mahal ko sya, hinahayaan ko lang sya sa gusto nyang mangyari. Naniniwala parin ako na lilipas ang galit nya pag napatunayan nyang mali ang kanyang iniisip.

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon