Chapter 27- Tayo na?

48 5 0
                                    

Ysha P.O.V

"Saan yun pupunta si Shien?" Tanong ni Camila.

"Malamang sinundan si Fafa Austin" sabi ko naman.

"Ang tagal naman" sabi naman ni Tyrin.

"Baka nagloving loving na" nakakalokong biro ni Camila. Sarap batukan kung Wala lang kaming ibang taong kasama eh..

"Loving loving?" Tanong ni Mr. pogi Yung Mike ata Ang name.

"Make Love" tipid na sabi naman ni Oliver na ikinasama nang mukha nung Mike. Hmmm I smell something fishy.

"Ah eh, kalimutan mo nalang Yun Mr. Pogi, mga sira lang ulo nang mga yan hehe." Sabi ko.

"Tsk" Singhal naman ni Fafa Tyrin, Anyare doon? Mukhang bad mood.

"Ahmm sige alis na kami, gabi na rin Kasi. Saka gutom na ako." Paalam ko doon kina Mike.

"Ok" tipid niyang sabi kaya agad ko Ng hinila si Tyrin paalis.

Sina Oliver naman ay sumunod nalang.

"He likes Shien" biglang sabi ni Oliver habang naglalakad kami.

"Paano mo naman nasabi?" Taas kilay na tanong ni Chester.

"Di mo ba halata? Kanina kung matingin ki Shien parang si Shien lang Ang tao, tsk." Naiinis ko sabi. Yup halata naman kasi eh. Or baka nag-aassume lang kami. Sabagay di pa naman namin masyadong kilala Yung tao.

Pero kahit na team Shien at Austin parin ako Noh?

"Ahh ok" tanging nasabi nalang ni Chester.

"Asan na kaya sila bessy?" Tanong ko.

"Gutom na ako guys" malungkot kong sabi.

"What food do you want?" Nagulat naman ako nang biglang nagtanong si Tyrin.

"Bakit libre mo Fafa Tyrin?" Excited kong tanong.

"Hindi, libre mo." Pamimilosopo niya.

"Tse, nagtanong pa di naman siya Ang manglilibre." Kunwaring pagtatampo ko.

"Halika na nga Camila, Tayo nalang Ang kakain." Sabi ko sabay hila sa kamay ni Camila.

"Uyy nagbibiro lang eh, oo na libre ko na." Sabi niya sabay habol saamin.

"Eh mukhang napipilitan ka lang eh." Sabi ko sabay harap sakanya.

Gosh Ang cute niya.... Bat Kasi di mo mahalata Fafa Tyrin na gusto Kita. Yan tuloy NBSB parin ako, tsk.

Mukhang mauunahan pa tuloy ako ni bessy na magka jowa.

"Hindi Noh, libre ko promise." Sabi niya, na labis ko naman ikinangiti.

Papasok na sana kami doon sa may restaurant nang biglang magsalita si Chester.

" Hep-Hep, di muna ba tayo magpapalit?" Tanong niya saamin.

"Nope di na muna ata, may cover-up naman sina Ysha at Camila eh tsaka di naman Tayo masyadong basa Kasi medyo natuyo na nung nagbonfire Tayo kanina." Mahabang paliwanag ni Tyrin na sinang-ayunan naman naming lahat.

Si Tyrin lang Yung nag-order Kasi siya naman ang manglilibre, Sana lang ay masasarap naman Yung pinili niya, gutom na gutom na Kasi ako eh.

Shien's P.O.V

Nandito kami ngayon ni Austin naglalakad papuntang restaurant Wala na Kasi sila Ysha doon sa bonfire nung makabalik kami doon. Ang sabi ni Mike ay gutom na daw sina best kaya Yun papunta kami ngayon doon sa restaurant na nasa loob nung resort.

The Heiress And her BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon