Nic's POV
"Guy's lunch tayo sa mall." Rinig ko'ng aya ni Amy samin.
Hindi namin siya pinapansin ni Cassandra kasi busy kami sa panunuod ng movie sa cp nya.
"Kayong dalawa? Hindi ba kayo sasama?" Tanung sa amin ni Amy.
"Sasama po." Sagot ni Cassandra at agad na tumayo. Tumayo na din ako.
"Kaya kayo na iisyu e. May sarili kayong Mundo." Pang-aasar pa ni Iris na bestfriend ni Amy.
Tumawa lang kami ni Cassandra. Feeling ko kasi normal na sa amin ang pagiging clingy sa isa't isa. Kahit may deal pa kami. And speaking of deal, nasa usapan namin na tatawa lang kami everytime na may magtatanung sa amin regarding sa isyu.
Nasa loob na kami ng mall at paakyat ng eskalator. Kami ni Cassandra ang nasa hulian. Nagulat nalang ako ng biglang hawakan ni Cassandra kamay ko. Napatinging ako sakanya, gusto ko tanggalin pero ngumuso sya sa kabilang eskalator. Mga schoolmates namin na may gusto sakanya. Pababa na sila at narinig ko'ng nagbubulungan sila, hindi lang klaro kung anu sinasabi nila.
"See, effective to'! Di' nila ako binati." Napatingin ako kay Cassandra. Nakangiti sya saakin. At hanggang ngayon di' pa rin nya binibitawan kamay ko. First time to'. Kahit clingy kami, never pa kami nag-holding hands while walking. At isa pa sa kinagulat ko, may naramdaman akong kuryente. Di' ko alam kung anu yun dahil sakanya ko lang naramdaman yun.
"Uy! Namumutla ka? Gutom kana ba?" Bigla ako nahiya ng mapansin ako ni Cassandra.
Tiningnan ko lang sya.
"Anu order mo.?" Tanung pa rin nya saakin. Ba't ba nahirapan ako'ng magsalita.
"Yung dati nalang." Pilit ko'ng sagot sakanya.
Siya na ang tumayo at nag-order ng kakainin namin. Pilit ko'ng binabalik sa ayos ang sarili ko.
"Uy! Ok ka lang?" Tanung sa akin ni Amy.
Tumango lang ako sakanya. Pagdating ni Cassandra agad ako uminum ng tubig na dala nya. Feeling ko kasi natuyuan ako ng laway.
At ayun bumibida pa din si Cassandra sa kwentuhan. Kahit kaylan talaga tio'ng babae na ito, lagi nauuna yung tawa sa kwento. Kaya matagal matapos kwento nya e. Mukhang matatapos break namin sa kwento nya lang.
---------------------------
"Bye Nic. Ingat!" Paalam sa'kin ni Cassandra. Uwian na kasi namin.
"Hatid na kita." Kumunot nuo nya, halatang nagtataka sya.
"Hala bakit?"
"Wala lang. Dapat ba may dahilan?" Inosente ko'ng sagot. Unang beses to' na ihahatid ko sya dahil madalas naghihiwalay agad kami sa gate dahil ibang way ang uuwian namin.
"Sige na nga." Sabay angkla nya sa braso ko. Para talaga sya'ng bata.
"First time na may naghatid sa akin na girl Nic."
"Dahil puro suitor mo naghahatid sayo?" Sagot ko sakanya.
"Oo. Nakakairita nga minsan e! Gusto ko magsolo, pero nakaabang na sila pag nakita nila mag-isa lang ako." Reklamo nya. Natawa ako kasi ngumunguso na naman sya.
"So gusto mo mag-isa ngayon?" Akmang aalis na ako ng pigilan nya.
"Hindi!" Hatak nya sa akin. "Iba ka kasi, feeling ko safe ako sayo." Napayuko sya at halatang nahihiya.
"Anu ako guard?" Narinig ko'ng tumawa sya.
"Parang ganun na nga hahahaha." Aba lakas mangbully.
"Ewan ko sayo! Last na to'! Ayan na jeep! Sumakay kana!" Nakarating na pala kami ng terminal. Hindi ko namalayan dahil sa pangbubully nya.
"Joke lang." Nagpipigil na sya ng tawa ngayon dahil alam nya na napipikon na ako.
"Ui joke lang yun. Sorry." Di ko pa rin sya pinapansin.
"Di' ako sasakay dito hanggat galit ka pa." Hala sya, umaandar na naman pagiging childish nya.
"Sorry na po." Ayan nag puppy eyes na sya. Suko na ako.
"Sige na. Ok na. Mag-ingat ka uh." Nagbeso na ako sakanya at ngumiti. Alam ko kasi di' sya titigil e.
"Yehey! Ingat ka din uh. Salamat. Bye."
After nya magbeso ay sumakay na agad sya."Bye." Kaway ko sakanya.
Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng jeep pauwe. Pagkaupo ko pa lang sa jeep, naramdaman kong nagvibrate cellphone ko. Agad ko yun tiningnan.
From: Kristina Cassandra
Ingat siz. Thanks sa paghatid. Sa uulitin uh. Muah.
Yun lang text nya pero bakit parang nakangiti ako na kinikilig. Tsk labo naman!
---
A/n:Huhuhuhu sorry mga sweetie. Na-blank space din utak ko kaya walang pumapasok. Ngayon lang nagkatime. Thanks sa lahat. Tuloy tuloy lang tayo uh.