Chapter 11

531 18 5
                                    

Nic's POV

"Good Morning Nic!" Bati sa'kin ni Manong Guard.

"Good Morning din po." Bati ko naman sakanya.

Unang araw ng pasukan at ngayon palang ako mag-eenrol. Pasaway? Oo.. Kasi nakakapagod makipagsabayan. Sigurado naman ako na halos lahat ng studyante nakapag-enroll na.

"Ui Nic! Kanina ka pa hinihintay ni kc!" Tawag sa akin ng kabatch ko.

Oo nga pala. May kasabay ako mag-enroll. Usapan na namin ni Cassandra na ngayon kami mag-eenroll.

"Ay sige... Salamat riza."

Iniwan ko na sya at diretso na agad ako sa registration.

Malayo pa lang tanaw ko na si Cassandra. Pero ako hindi pa nya maaninag, dahil wala syang suot na salamin.

"Cass!!" Sigaw ko sakanya at ayun napansin na agad ako.. Todo ngiti naman sya.

"Hyper naten uh." Biro nya saakin.

"Kanina ka pa?"

"Hindi naman.. Tara enroll na tayo." Hatak nya saakin.

10mins lang tapos na kami mag-enroll, natatawa sa amin si Mara, sya kasi naka-assign sa registration. Mga pasaway daw kami. Ang totoo 5mins lang dapat itatagal namin, dahil kaibigan namin si Mara. Nakipagchikahan pa sya.

After namin mag-enroll, diretso agad kami ni Cassandra sa first class namin. Bago prof namin kaya behave kami lahat.

"Siz... May sasabihin ako sayo."

"Go ahead." Sagot ko kay Cassandra habang ako busy sa kinakaen ko. Tapos na first class namin at may 2 hours pa kami para mag lunch.

"May nagtanung sakin kung tayo daw."

"Oh! Oh! Oh!" Nabalaukan ako sa sinabi ni Cassandra kaya agad nya ako inabutan ng tubig.

Tiningnan ko sya. Namumula sya. Dun ko lang narealize yung sinabi nya.

"Wait.. Anung tayo?" Paglilinaw ko sakanya.

"Tayo! Mag-Gf.. Magkarelasyon! Something like that.."

"Hahahahahahahah! Seriously? How come?!"

Umiling-iling si Cassandra habang umiinom ng juice nya.

"Ganyan din reaksyon ko." Walang ganang sagot nya.

"Sinu nagtanung sayo?"

"Yung mga manliligaw ko. Grabe ka daw makabakod e."

"Eh ayaw ko sakanila e." Simangot ko sakanya. "Saka gusto mo naman ginagawa ko." Habol ko sa sinabi ko.

Sandali sya'ng tumahimik. Seryosong nag-iisip. bigla naman ako kinabahan.

"I have an idea." Mas lalo ako kinabahan. May ibang ngiti na sumilay sakanya.

"What?" Kalmado kong tanung sakanya.

"What if mag panggap na tayo?"

"What?!!!!" Napalakas ang boses ko kaya lahat ng tao sa canteen napatingin sa amin.

Pinakalma ko sarili ko bago ulit magsalita.

"Anu ba yan naiisip mo.. Parehas tayong babae, ang labo naman nun."

"I know.. Kaya nga magpapanggap diba?" Paglilinaw nya.

"Sino sa atin tomboy?"

"Wala! Parehas tayong girl."

Naguluhan ako. May ganun ba? Parehas babae kumilos at pumorma? Convincing ba yun?

"Look.. Sasakyan natin sila. Pagtritripan natin reaksyon nila." Pangkukumbinsi nya sa akin. "Ang maganda pa, walang makulit na manliligaw umaaligid saakin."

Biglang nawala ang kunot sa aking nuo yung narinig ko ang huling sinabi nya. May point sya, walang asungot sa bonding namin kapag napaniwala namin sila.

"Deal!"

Agad na sumilay ang matamis na ngiti ni Cassandra ng marinig nya ang sinabi ko.

A/N:

Wazzup mga sweetie!! Eto na yung pinakihihintay nyo.. Salamat sa pagbabasa, sa votings at comments. Tuloy tuloy lang tayo uh.

Add me on Facebook.

jannahnicfontes@yahoo.com

Usap tayo diyan.

My Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon