Nic's POV
"Good morning class. Today we're going to have election of class officers for our section. Now the table is open for nomination for class President. Anyone?" Striktang sabi ni Ms. Ez, sya pala ang may hawak samin. Second day na ng klase at tulad ng high school may ganito rin pala sa college.
"I nominate Ms. Martin for our class president." Anu ba pangalan ng lalakeng to? Di ko matandaan, basta sya yung katabi ni Cassandra kahapon at ngayon. Sya din pinaka-maingay dito.
"Ma'am. I nominate Mr. Cruz for class president." Sabay dila ni cassandra sa katabi nya, ang cute nya dun uh.
Marami na nominate pero Majority decision si cassandra nanalo, sya din binoto ko dahil mas bagay sakanya yun, kaysa sa makulit na yun, puro kalokohan alam, mukhang sya pa mangunguna sa kaingayan pero automatic vice president na sya. Pinatayo silang dalawa para sila na magpatuloy ng botohan. Na nominate ako as a secretary, ayaw ko sa posisyon na yun. Taga sulat ka na nga sa board, magsusulat ka pa sa notes. Nakakapagod un! Kaya pinangitan ko sulat ko sa board, lahat kasi ng nominado magsusulat. Pag dating sa treasurer walang bomoto sakin, ung totoo di ako pagkakatiwalaan? Pero ayos lang, mabigat na trabaho din kasi yun. Hanggang sa naging sergeant at arms na ko, ayos yun! Napakasimpleng trabaho lang. Nag request pa sila ng muse at escort, kaylangan pa ba yun?? Pero eto sila ngayon nahihirapan kung sino iboboto nila. Hindi na daw kasi pwede i-nomanate kapag may mga posisyon.
"Ma'am baka pwede na i-nominate si Ms. President." Maktol ng mga lalake sa likuran.
"Oo nga ma'am, i-break na natin ang rule." Pagsang-ayon ko sa pagmamaktol nila.
"It could be, but she need to quit for president position." Inosenteng suggestion ni ma'am. Lahat kami natahimik, tapos biglang nagsalita si cassandra.
"Ma'am can I nominate Ms.Montes?" Sabay ngiti sakin ng matamis. Nanlaki mata ko sakanya, makulit din pala to e, sergeant at arms na ko oh. Memory gap lang.
"As I was saying, it could be, but we have a rule." Bigla sya napatingin sa white board, napakunot sya ng nuo, mukhang di nya talaga alam na may posisyon na ko.
Natapos ang botohan at nakapili na din ng muse, nagkaroon pa ng bagong loveteam dahil sa tandem ng muse at escort. Kinuha din ni cassandra mga cellphone number naming officer, pagkaupo nya lumingon sya sakin.
"Sayang! Ikaw sana muse." Mahinang sabi nya kasi katabi ko ang napiling muse, natawa naman ako dun dahil pinipilit nya talaga gusto nya.
Nagsisimula na ang tunay na klase, maghapon kami ngayon kaya marami na din prof na pumasok. Halos lahat ng prof nagbigay ng assignment. Natapos na ang klase at nagmamadali na naman akong umuwe. Pagkarating ko ng pinto tinawag ako ni Cassandra.
"Nic! San way mo?" Sabi nya ng nakangiti, kasunod ko lang pala sya.
"Sakayan ng jeep. Ikaw?"
"Ganun din." Tumango ako sakanya at sabay na kami bumababa ng building. Himala lumalapit na sya sakin.
"Nic may boyfriend kana?" Nagulat naman ako sa tanong nya, Hindi ako handa. Dumadaldal na ata sya.
"Boyfriend? Wala. Ikaw? Meron toh, 100% sure ako.
"Meron. Di nga? Wala talaga? Sa ganda mong yan? Oh! Diba tama ako! Nambola pa sya nyan.
"2 months ng single. Ilan taon na kayo? Siguro naman satisfy na sya sa sagot ko.
"1 year na kami. Bakit wala na kayo?"
Yung totoo? Interview ba ito? Teka bakit nga kami nag break?
"Hmmm.. Nagsawa lang ako" hehehe yan talaga unang pumasok sa isip ko, ang bata ko pa kasi para magseryoso sa ganyan. Halatang nagulat sya sa sagot ko, magsasalita pa sana sya ng biglang may tumawag samin.
"Kc, nic! Sabay kami!" Sabay kaming napalingon. Ang makukulit naming classmate na mga lalaki, iniisip ko mga pangalan nila habang papalapit sila samin. Si vice president na pinakamaingay sa lahat, sya si Bryan Cruz. Si Carlos Santos naman laging kasama ni Bryan, magpinsan daw kasi sila. Raymond Sarmiento tall dark at ipipilit ko na ang handsome. Arwin Tamayo, chinito sya maputi at matangkad din. Jerome Crisostomo, tingin ko sya pinakamatanda sakanila at sya din pinakagwapo sa section namin, playboy ang dating. Ngumiti lang ako sakanila, si cassandra naman madalas sumagot sa mga tanung nila, parang one of the boys sya, bilis nya kasi makagaanan ng loob ang mga lalaki. Naghiwa-hiwalay na kami ng makarating kami sa gate, kami ni Cassandra sa sakayan na ng jeep naghiwalay. Mukhang si Cassandra lang magiging close ko sa lahat, kahit parang ang hirap basahin ng ugali nya.
--------------------
A/N:
Sorry for the wrong grammar, next time nalang ako mag back read, minamadali ko na kasi kasunod na chapter. Thanks sa pagvote nathalieshinpark at justineshane.