Cassandra's POV
"Hi kc." Bati sa akin ng Student Assistant sa library. Malapit na finals, kaya eto ako ngayon tatambay sa library para mag-advance review.
"Hello." Sabay abot ko ng I.d para makakuha ako ng books. Di ko sya kilala, pero nag smile naman ako sakanya. Advice sakin ni Nic yun, wag daw ako magsuplada sa mga bumabati sakin. And speaking of Nic, may text sya.
From: Janna Nicole
Where are you?
To: Janna Nicole
Library.
From: Janna Nicole
OK. I'll be there in ten minutes.
Natawa naman ako sa text ng babaeng toh. I'm pretty sure, 30mins nandito na sya. Nasa bahay palang yun. Sinabi ko kasi sakanya na maaga ako papasok ngayon, samahan daw nya ko dahil sobrang miss na daw nya ko. Napakasweet din nun minsan.
Nakahanap na ko ng mga books, ready to review na. Makakapagfucos ako dito dahil tahimik.
Saktong 30mins dumating na si Nic, kilala din sya ng S.A, super ngiti naman sya at tinuro ako ng S.A, kaya deretso sa gawi ko.
"Hello Ms. Beautiful" bati nya sabay beso sakin.
"Hi Ms. Late.."
"Whatever." Sabay rolled ng eyes nya.
"Mag-review ka." Abot ko ng mga libro sakanya.
"Aga nito uh, baka perfect na tayo sa exam?"
"Edi maganda. Wait C.R lang ako.."
"Ok." Sagot nya sakin habang nagbabasa sya.
Habang naglalakad ako sa Hallway marami mga bumabati sakin, ilang months pa lang nagsisimula college life ko marami na nakakakilala sakin, yung iba kilala ko yung iba hindi. Kahit alam nila may bf na ako, marami pa din nagpapacute na lalaki sakin.
Bago ako makarating ng comfort room, may madadaanan akong bakanteng room, napatingin ako dun at nakita ko si Arwin, mag-isa at nakayuko. Wait! Umiiyak ba yun? Pumasok ako sa room at nilapitan sya.
"Hey dude! Senti lang?" Tapik ko sakanya, timingin sya sakin at tama nga ako, umiiyak nga sya.
"Nangyari sayo?" Tanung ko na may pag-aalala. Bigla sya tumayo sabay yakap sakin, dahil nabigla ako sa ginawa nya, napayakap na din ako sakanya.
"Uy, bakit ba?" Pangungulit ko parin sakanya.
"She's breaking up with me." Finally, nagsalita din. Teka, anung sabi nya?
"What?! But why?!" Biglang humigpit yakap nya sakin. I know, his reffering to Ma'am Ez.
BLAG!!!!!!!!!
Sabay kami napalingon ni Arwin sa pintuan. Laking gulat ko sa taong nasa harap namin, si ma'am Ez na galit. May nagawa ba akong mali?
"So, it's easy to you?!" Nakatingin sya kay Arwin habang nanlilisik mata nya sa galit sabay tingin sakin. Oh my! Mali!
"It's not what you think!" Hinawakan ni arwin kamay ni ma'am pero winaksi din nya agad sabay labas ng room, nagkatinginan kami ni arwin.
"We need to explain.." Pag-aalala kong sabi sakanya.
"I know." Pagkasabi nya nun mabilis kami lumabas ng room para habulin sya, natatanaw pa namin sya pero yung malapit na kami, biglang dami naman ng mga studyante sa paligid. Tumigil kami sa pagtakbo dahil alam namin na hindi dapat kami gumawa ng eksena.
"Anung gagawin natin?" Hopeless kong tanung sakanya.
"Let me handle this. Sorry nadamay ka pa. Don't worry, aayusin ko toh."
"Are you sure? If you need help, nandito lang ako uh."
"Alright." Isang pilit na ngiti ang binigay nya sakin. Umalis na agad sya. Siguro hahanap sya ng paraan para makausap nya si ma'am ng walang nakakakita sakanila.
Bumalik agad ako sa library. Nandun pa kasi gamit at alam kong hinihintay ako ni Nic.
"Marami bang tao sa comfort room at Inabot ka ng kalahating oras?" Tumingin lang ako sakanya, sabay balik sa binabasa kong libro.
"Wait. You look pale. May nangyari ba?" Napansin din nya, tumango ako sakanya. Sinabi ko na din nangyari kanina. Gusto na agad nya kausapin si ma'am pero pinigilan ko, hayaan ko muna si arwin magpaliwanag at saka ako lalapit. Medyo ok na pakiramadam ko, nabigla lang talaga ako sa pangyayari. Buti nandito si Nic, nagiging positive kasi lahat pag sya kasama mo.