Nic's POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa gym. May meeting lahat ng participant sa Intrams. Wala akong klase ngayon kaya after ng meeting diretso practice na ako.
Bungad pa lang sa pinto dinig na ang ingay. Mula kasi sa sports hanggang sa sayaw nandito lahat.
"Hi Nic!"
Napatingin ako sa tumawag saakin pag pasok ko ng gym. Si Rica isa sa mga close friend namin ni Cassandra.
"Hello Rica, kamusta team?" Nakangiti kong tanung.
"Ayos lang, na kumpleto din bago ang laban."
Si Rica isa sa mga player ng volleyball team, sinali niya ako sa team, nakapag try out na din ako at natanggap naman. Pero ng makapasa ako sa cheering squad nag quit ako sa game. Mahihirapan kasi ako pag dalawa sasalihan ko, mawawalan ako ng time sa mga class ko.
"Good to hear.. Sorry talaga uh."
"Ayos lang Nic. Mas enjoy ka sa dancing e."
"Sobra. Sige punta na ako dun." Turo ko dun sa mga kasamahan ko kanina pa kaway ng kaway saakin.
"Nga pala Nic, si Kc?" Pahabol ni Rica.
"Wala kami pasok today e."
"Ahh.. Sige. See you around." Paalam niya sakin.
Papunta na ako sa pwesto namin. Napansin kong may kakaibang tingin ang mga kasama ko habang papalapit ako sakanila. May dumi ba ako sa mukha. Mukhang kailangan ko magpunta ng Comfort Room mamaya. Nginitian ko nalang sila bago ako umupo. Sakto naman nagsimula na mga coordinator magsalita.
Nagsitayuan na lahat pagkatapos ng meeting, ako nagbabalak pumunta ng C.R dahil hindi talaga ako mapakali.
"Nic." Tawag sa'kin ni Chelle.
Lahat sila tumingin samin dalawa. Nakaramdam ako ng tensyon. At lalong nadagdagan tensyon ko ng hawakan niya kamay ko. Anung problema niya? kasamahan ko siya sa cheering, hindi kami close kasi may pagka B.I siya at mahilig magmura. Minsan ngiti lang tinutugon ko sakanya kapag nakikipag-usap siya sa'kin.
"Bakit?" Tanung na may pagtataka.
"Tomboy ka ba?" Walang kagatol-gatol nyang tanung.
Nanlamig buong katawan ko sa nadinig ko. Tumahimik lahat ng tao sa paligid.
"Chelle tumigil ka nga!"
Mabilis akong natauhan ng marinig ko boses ni Mike. Kasamahan ko din siya sa cheering at ex boyfriend ni Chelle na ngayon ay nagpaparamdam sa'kin.
"Hindi no!" Agad na inagaw ko kamay ko sakanya.
Tumawa lang siya ng malakas. Tiningnan ko si Mike na halatang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Chelle. Dinedma ko nalang sila at dumiretso na sa C.R feeling ko ang pula pula ng mukha ko.
Napatingin ako sa salamin pagdating ko sa C.R. Nabigla ako, maraming tao nakadinig. Kaya ba ganun nalang tingin nila saakin dahil pinag uusapan nila na tomboy ako. Nasaktan ako sa salitang tomboy. Dahil alam kong hindi ako ganun. Alam kong straight ako. Pero anu yung nararamdaman ko kay Cassandra?
-----------+
"Tao po?"
"Sinu yan?"
Isang matandang babae ang bumungad saakin. Ngumiti ako sakanya at nag mano.
"Oh Nic, ikaw pala. Kanina ka pa niya hinihintay."
"Magandang hapon Nay, nasa taas ba siya."
"Oo. Kumain ka muna." Alok saakin ng Nanay ni Cassandra pagkarating ko sa sala nila.
"Hindi na Nay, kumain na po ako kanina."
"Ganun ba? Sige maghanda nalang ako ng meryenda. Puntahan mo na siya sa kwarto niya."
"Si Nanay talaga oh."
Umakyat na ako patungo sa kwarto niya. Hindi na ako kumatok kasi nakabukas ng kaunti pinto ng kwarto. Nakadapa siya sa kama at nagsosoundtrip kaya di niya nakita pagpasok ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Eto ang kailangan ko, feeling ko na relief ako sa ginawa ko. Humarap siya sakin.
"Nic! Nandito kana pala." Masayang sabi niya.
Umayos ako ng upo at nilibot ng paningin ko ang buong kwarto. Natawa ako.
"Napakagirly talaga ng room mo." Paanu ba naman kasi halos lahat ng makikita mo puro pink ang kulay pati suot niya pink.
"Babae e."
Natahimik ako sa sinabi niya. Napansin niya yun.
"Wag mo na pansin yun. Naiinggit lang sayo yun."
Alam na niya nangyari kanina, tumawag kasi siya nung nasa C.R ako at nahalata niya na wala ako sa mood dahil sinabi ko na tinatamad ako mag practice kaya pinapunta nalang niya ako dito.
"Paanu kung tama siya?"
Tiningnan ko si Cassandra, halata sa mukha niya na naguguluhan siya sa tanung ko.
"Anung tama?"
"Na tomboy ako?"
Natawa siya sa sinabi ko. Anung nakakatawa dun.
"Ikaw? Imposible."
"Lalayuan mo ba ako?" Nanatili pa din akong seryoso. At siya napatigil sa pagtawa.
"Hi-hindi." Alanganin na sagot niya sabay iwas ng tingin.
Gets ko na. Hindi man niya sabihin, alam ko na.
Sandaling katahimikan ng may naramdaman akong yumakap sakin. Napapikit ako. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Ramdam ko talo ako. Na ako lang nahulog sa larong ito.
"Hindi ako lalayo. Hindi ko kakayanin pag lumayo ako sayo."
Tuluyan ng tumulo luha ko sa nadinig ko. Ang sarap pakinggan. Sana kaya ko ipagtapat sakanya ng buo ang nararamdaman ko. Sana mawala takot ko.
Bago pa siya humarap pinunasan ko luha ko. Ayoko makita niyang mahina ako. Pero napansin padin niya. Pinunasan niya luha ko gamit ang hinlalaking daliri niya.
"Gagawa ako ng paraan. Magtiwala ka lang."
Ngumiti lang ako sakanya. Kailangan ko siya pagkatiwalaan. Natatakot ako. Hindi ko kaya harapin problema to'. Ang dami gumugulo sa isip ko, kung tomboy ba talaga ako, kung normal lang ba ang nararamdaman ko, kung totoo na bang inlove ako sakanya o masyado lang ako na attached.