Chapter 8

433 14 1
                                    


Cassandra's POV

Kabado ako ngayon umaga. May morning class kasi samin ngayon si ma'am Ez. Pagkatapos ng nangyari kahapon hindi ko na nakita si ma'am Ez, kahit si Arwin nawala din kahapon. Sana nagkaayos na sila. Wala pa kasi si Arwin para malaman ko kung ayos na sila.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko biglang dumating si Arwin. Seryoso mukha nya at deretso sa likuran para umupo. Kasunod nya si Nic na tumabi agad sa'kin.

"Good morning Ganda." Bati sa'kin ni Nic na di man lang ako tiningnan at may kinakalkal sa bag nya.

"Nakausap mo si Arwin?" Biglang tingin naman sa'kin ni Nic ng may pagtataka.

"Wala man lang Good morning jan? Sabay balik ulit sa pagkalkal ng bag nya. "Nagkasabay kami yan sa gate. Suplado nga e.." Biglang nagliwanag mukha nya. "Ayun! Nakita din kita! Cellphone nya pala ang hinahanap nya.

"Hindi ka pinansin?" Tanung ko sakanya.

"Binatukan ko. Kaya pinansin ako.. Ayos naman daw sila, nagkausap daw sila.."

May itatanong pa sana ako sakanya ng biglang dumating na si ma'am Ez, kasabayan nya si Raymond na ngumiti sa'kin at sa likuran ko umupo. Hindi ko sya pinansin dahil nakafucos ako sa reaksyon ni ma'am, seryoso sya. May kutob ako na hindi magiging maayos ang araw na ito.

"Good Morning class! Prepare one whole sheet of paper and answer this!" Maawtoridad nyang sabi sabay sulat sa white board. Lahat kami nagtinginan, walang gusto magsalita dahil sa masamang mood ni ma'am.

"Hindi uso review.." Mahinang reklamo ni Nic. Pero nagsimula na syang magsulat.

Essay type ang question kaya sisiw sa'kin toh.. Inaalala ko lang baka madamay ang buong klase sa init ng ulo ni ma'am Ez.

Pagkatapos namin sumagot kinuha nya lahat ng papel namin at umalis agad sya. Babalik daw sya after 5mins para i-check lahat yun.

"Oohhhh!!!" Sigaw ng buong klase pag kaalis ni ma'am. Ang dami nila reklamo. Tumingin ako sa gawi ni Arwin, busy sya sa cellphone nya. Wala sya kinakausap kahit panay kulit nila Bryan.

Kinalabit ako ni Nic. Isang ngiti ang binungad nya sa'kin. Kahit di sya magsalita naiintindihan ko kung anu gusto nya sabihin. Kaya ngumiti din ako sakanya.

"Ayan! Gumanda ka rin sa paningin ko.." Puri sa akin ni Nic.

"Pangit ko na ba?" Pag-aalala kong tanung sa kanya.

"Hmmmm..." Natunaw naman ako sa panunuri ni Nic. Bat ganun? "Mas maganda ka pa rin sa'kin!"

Napailing na lang ako sa sinabi nya. Lagi nya ako pinupuri pero kung titingnan mo sya mas malakas appeal nya kaysa sa akin. Napapaisip tuloy ako kung nakakaramdam ba sya ng insecurities sa'kin kasi lagi kami tinatapat. Minsan pag magkasama kami mas marami tumatawag sa pangalan ko kaysa sakanya. Tapos sisikuhin nya ako na ngumiti naman ako. Pinapagalitan nya ako tuwing nagsusuplada ako sa mga tao. Hindi naman ako friendly na tao kaya ganun ako.

May sasabihin pa sana ako sakanya ng may naramdaman ako'ng kumakalabit sa'kin.

"Hi babe! Bungad sa'kin ni Raymond. "May problema ba? Kanina mo pa ako 'di pinapansin.."

Napahawak agad ako sa sintido ko. Nakalimutan ko nasa likod ko lang pala si Raymond. Wala pa sya alam sa mga nangyari kahapon dahil absent sya.

"Sorry babe.." Hingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Na miss kita babe.. Ba't nga pala wala kang text sa'kin simula kahapon?"

"Korni!" Mahinang komento ni Nic. Kahit bulong lang yun, dinig na dinig ko.

Hindi ko alam kung anu idadahilan ko kay Raymond. Sa totoo lang nakalimutan ko talaga sya kahapon. Problema nga naman oh.

Magpapaliwanag na sana ako sakanya ng biglang dating ni ma'am Ez. Seryoso pa rin sya. Inabot nya kay Amy lahat ng papel namin at sya na nagdistribute.

Nanlaki mata ko pagkakita ko sa papel ko. Question mark ang score ko? Paano nangyari yun? Halos mapuno ko na nga papel ko tapos question mark?

"Ayos toh uh! Personalan?" Napatingin ako kay Nic. Titig na titig sya sa papel nya habang nakakunot nuo nya.

Tiningnan ko papel nya. Kung ako question mark sya 50%. Tiningnan ko din papel ni Raymond, 50% din score nya. Yung iba naman halos perfect. Kaming tatlo lang tagilid sa quiz na toh.

Nabigla nalang ako ng agawin sa'kin ni Nic papel ko. Binabasa nya ito at takang taka sya.

"Perfect ka dapat Cass, bakit question mark?" Takang tanung nya sa'kin.

"Hindi ko alam Nic." Kibit balikat kong sagot sakanya.

Napatingin si Nic sa pintuan. Tumingin na din ako at nakita kong papalabas ng pinto si Arwin. Biglang tumayo naman si Nic. Alam kong susundan nya si Arwin para kausapin kaya susunod na sana ako ng biglang hawakan ni Raymond braso ko.

"Anung nangyayari?" Clueless na tanung ni Raymond.

Oo nga pala. Wala syang alam. Kaya sinabi ko nalang lahat ng nagyari kahapon.

Maya-maya bumalik na din si Nic.

"Bad trip!" Dabog na upo nya sa upuan.

"Anung sabi nya?" Tanung ko sa kanya.

"Layuan muna daw natin si Arwin, para hindi daw tayo madamay sa away nila."

"Kakausapin ko na si ma'am. Alam kong sa'kin maiinit ulo nya." Tatayo na ako ng pigilan ako ni Nic.

"May klase pa sya. Mamaya samahan kita." Sabi nya sa kalmadong boses.

"Sigurado ka? Baka madamay ka pa." Pag-aalala ko sa kanya.

"I don't care!"

Kokontra pa sana ako kaso dumating na prof namin para sa next class namin.

Natapos ang klase namin ng hindi namin nakausap si ma'am. Maaga daw kasi umuwi.

"May bukas pa naman Cass." Sabi ni Nic sa'kin. Alam ko pinapalakas lang nya loob ko.

Napabuntong hininga nalang ako. Maghihintay ulit ako bukas.

"Meryenda muna tayo." Pag-aaya ni Raymond. Tumingin ako kay Nic kung sasama sya.

"I have to go. Kayo nalang. Bye." Inaasahan ko na toh. Simula kasi nagka-boyfriend ako, bihira nalang sya sumama sa'kin lumabas.

"Ingat. Bye." Paalam ko sakanya.

"Ingat Nic." Paalam ni Raymond.

Kumaway lang sya sa'min at deretso alis na.

My Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon