Chapter 3

645 16 0
                                    

Nic's POV

Nasa tapat na ko ng school namin, takbo lakad na ginagawa ko, sabay tingin sa wrist watch ko. Oh my! 10mins nalang malalate na ko! Aakyat pa ko ng building. Kasi naman e! napakadaming homework! Napuyat tuloy ako! Tingin ulit ako sa relo ko, 5mins nandito na ko sa pintuan ng room namin, bago ko buksan ang pinto, kumuha muna ako ng isang malalim na paghinga para marelax ako. Pagbukas ko ng pinto, eto na naman po sila, sobrang gulo! College na kami pero kung titingnan mo sila parang high school sa sobrang gulo. Bago ako tuluyan pumasok, hinanap ko muna si Cassandra, ayun sya sa harapan nakaupo, ngumiti sya sakin at ganun din ako. Tuluyan na kong pumasok at umupo, kinuha ko agad assignment ko para sagutan yung wala pang sagot. May 5mins pa ko para mag-isip. Habang nagsusulat ako.

"Nic kumpleto assignment mo?" Tawag sakin ni Cassandra, nasa likod lang nya ako umupo. Pag-angat ko ng tingin, grabe ang tamis ng ngiti nya. Isa sa nagpapaganda sakanya yung mga ngiti nya, parang anghel kasi.

"Ah! Hindi e, dalawa pa walang sagot. Ikaw?" Sagot ko sakanya.

"Kulang din ako e, pwede patingin?" Pakiusap nya na hindi pa din nawawala ngiti nya.

"Sige. Patingin din sayo uh." Tumango lang sya at binabasa sagot ko, ok na din yun, kukuha din ako ng idea sa sagot nya.

"Eto oh. Thank you." Wala pang isang minuto binalik na nya sakin papel ko, naghihintay ako na pahiramin nya ko ng papel nya. Ang tagal uh. Tapos naman na sya magsulat. Teka nga.

"Cass-" napatingin ako sa pintuan, pumasok na ang prof namin! Asar!!! Naisahan ako dun uh! Dalawa ang blangko ko!!

Natapos ang first subject namin na badtrip ako at naghihintay kami ng next class namin. Hindi ko sya pinapansin kahit panay lingon nya sakin. Busy kunwari ako sa pagtetext para walang kumausap sakin. Maya-maya dumating na ang Prof namin. Napansin ko lang may nilabas na letter si Cassandra at binigay sa prof namin. Anu kaya yun? After basahin ng prof namin, ngumiti lang sya kay Cassandra at nagsimula na magsulat sa white board. Out of curiosity kinalabit ko sya.

"Anu yan?" Turo ko sa hawak nyang letter. Binigay nya sakin at binasa ko. Tapos tumingin ako sakanya para magtanung pero inunahan na nya ako.

"Malabo kasi mata ko." Sabi nya na parang nahihiya pa.

"Mataas?" Tanong ko sakanya.

"Sobra." Tapos ngumiti sya na may lungkot. Habang nagdidiscuss ang prof namin, napapaisip ako, kaya pala lagi sya nasa first row at lagi din nya suot salamin nya. Akala ko pa naman ayaw nya ko katabi, yun pala dahilan. Nawala na inis ko sakanya, naalala ko kasi yung lungkot ng mata nya. Nasanay kasi ako na lagi nya ko nginingitian.

"Kc, Nic! Uwe na ba kayo? Mall muna tayo." Aya samin ni bryan, tapos na kasi ang klase. Nagkatinginan kami ni Cassandra, hinihintay nya kung sasama ba ko, ngumiti ako sakanya sabay tango.

"Tara!" Sabay hawak sakin ni Cassandra sa braso ko, medyo nagulat ako sa ginawa nya kasi hindi pa naman kami masyadong close, ngumiti nalang ako sakanya para hindi nya mahalata nailang ako.

Habang naglalakad kami papuntang mall nasa likuran lang namin ang mga gwapings. Gwapings ang pangalan ng grupo nila Bryan, mga gwapo daw kasi sila. Pagbigyan nalang natin. Pagdating namin sa mall kumain muna kami, after nun deretso kami sa Tom's world.

"Videoke tayo nic!" Excited na sabi sakin ni Cassandra.

"Tara! Hanap ka ng available na room, ako na bibili ng token." Dumeretso na agad ako sa both, yung mga boys busy sa arcade, kaya iniwan na namin.

After ko makabili ng token, hinanap ko agad sya. Ayun, panay pindot ng number.

"Kaw muna kumanta." Abot ko sa kanya ng token.

"Sige." Nagselect na sya ng song, "Hero by Mariah Carey"

"Wow! Taas yan uh."

"Makinig ka muna."

Ibang version ginawa nya, mababa lang at parang anghel sya kumanta. Walang kahirap hirap na tinapos nya ang kanta.

"Galing naman." Sabi ko sakanya pagkatapos nya kumanta.

"Sisiw! Oh kaw na!" Abot nya sakin ng mic.

Ikaw ang aking mahal by VST & COMPANY

"Inlove lang?" Kantyaw nya sakin pagkakita nya ng kakantahin ko.

"Wala maisip e." Chill lang kasi kantahin to, kayang kaya ng boses ko.

"Nice voice." Puri sakin ni Cassandra after ko kumanta. Hiya nga ko e.

"Uy! Dito lang pala kayo. Kakanta din kami" sila Bryan, lumayo nga pala kami. Grabe talaga kulit nila, tawa kami ng tawa nila Cassandra kasi hinaharot nila yung kanta. Ang sasaya pala nila kasama. Lalo si Cassandra, nakakahawa ang mga ngiti nya. Nakalimutan ko na ginawa nya sakin kanina.

My Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon