Nic's POV"Sinagot ko na si Erik."
"What?!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko sinabi ni Cassandra. Pababa na kami ng building namin pero hinila ko siya sa nadaanan namin room na walang tao. Binuksan ko ang ilaw at saka huminga ng malalim.
"Kaylan pa? Bakit ngayon mo lang sinabi? Teka, mahal mo na siya?" Sunod sunod kong tanung sakanya.
"kalma lang, ok?" Pinaupo niya ako at umupo din siya sa tabi ko. "Kaylan pa? Kaninang umaga. Bakit ngayon ko lang sinabi? Eh kasi ngayon lang tayo nagkita. Kung mahal ko na siya?" Bumuntong hininga muna siya bago niya tinuloy pagsasalita niya. "Hindi ako sure."
"Hindi ka sigurado?!" Lalong napalakas boses ko sa nadinig ko. "Naguguluhan ako. Bakit mo siya sinagot kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo?" Paglilinaw ko sakanya.
"Para tigilan na tayo ng isyu."
"Tigilan? Matagal na tayo na iisyu, kaya nga nagkaroon ng tayo e."
"Lumalala na isyu satin. Nahihirapan na tayo gumalaw dito."
Umayos ako ng upo, nakatitig lang ako sa pintuan, nag iisip ng sasabihin. Naalala ko huling usapan namin sa bahay nila. Eto na siguro naisip niyang solusyon sa problema namin.
"Ititigil na ba natin 'to?" Tanung ko sakanya na hindi ko pa rin siya tinitingnan. Pero ilang minuto ang lumipas wala pa rin siyang sagot sa tanung ko.
Tiningnan ko siya, tulala siyang nakatitig sakin. Naghahanap ng isasagot, halata sa mata niya ang lungkot. Sasagot na sana siya ng biglang tumunog cellphone niya. Binasa niya agad yung text at bigla siyang nalungkot.
"Hinihintay na niya ako sa baba."
"Ihahatid kita." Nagulat siya sa sinabi ko pero sumunod pa din siya sakin.
Pagdating namin sa gate nandun nga si Erik. Ang laki ng ngiti sumalubong samin.
"Hi girls." Bati niya samin.
Ngumiti lang ako ng pilit sakanya. Gwapo si Erik at mabait pero mainit padin dugo ko sakanya. Siguro dahil sa makakaagaw ko siya sa attention ni Cassandra. Naglalakad kami papunta sa terminal, nasa likuran lang namin si Erik.
"Kain muna tayo." Aya ni Erik mula samin.
Tumingin muna si Cassandra sakin bago niya nilingon si Erik . "Next time nalang. Kailangan umuwi ng maaga e."
Wala pa rin kaming kibuan ni Cassandra hanggat sa makarating kami sa terminal. Wala akong gusto sabihin lalo na't nasa tabi lang niya si Eric.
Bago siya sumakay ng jeep hinawakan niya muna kamay ko.
"Umattend ka na ng practice niyo."
"Depende.." Maikling sagot ko sakanya.
"Depende sa mood mo? Hays dalawang araw nalang intrams na natin."
"Sumakay ka na, mapupuno na oh."
Sumakay naman siya agad. Nagpaalam na din kami ni Erik sakanya.
Nang makaalis na ang jeep, tiningnan ako ni Erik. "Good luck nga pala uh."
'Salamat. Sige.' Iniwan ko na siya sa terminal. Wala ako sa mood kausapin siya. Naiinis ako! Ayaw ko sakanya para kay Cassandra. Paano na kami?!
---------
Kylie Calling....
"Hello."
"Hello Nic! Bukas na intrams, baka may balak ka ng mag practice?"
"Nandito na ako."
"Totoo na ba yan? Ganyan din sinabi mo sa'kin kahapon e. Si Boss Choreographer dito ikaw kaagad hinanap."
"Nasa pinto na ako."
Pagkababa ko ng phone lahat sila nakatingin sa pinto kung saan ako nagmula. Umaliwalas lahat ang mukha nila pagkakita sakin. Unang lumapit sakin ang choreographer namin na halos araw araw tinatawagan ako kung aattend ba ako ng practice. Ilang araw din ako nawala, ilang araw din ako nagtatago sa mga kasamahan ko dahil hinahunting nila ako sa school. Simula kasi nung ginawa ni chelle hindi na ako umattend ng practice. Nawalan ako ng gana.
"Nic! akala ko bibigyan mo ako ng problema e. Ang hirap magbago ng routine."
"Sorry. Warm up lang ako."
"Sige. 30 rounds."
Tumango nalang ako at hindi na nagreklamo. Parusa niya sakin to'. Pagkababa ko ng bag ko, nagsimula na akong tumakbo. Nagsisimula na din silang sumayaw, nag thumbs up nalang ako kay kylie. Bawal huminto kaya deretso lang takbo ko. Kailangan ko makahabol sa practice, makabawi man lang.
Pagkatapos ng warm up ko, deretso practice ako. Kabisado ko pa rin mga routines ko kaya lahat kami handa na bukas. Maaga din natapos practice kasi kailangan namin magbawi ng lakas para bukas. Actually sila lang pala dahil sobra na ako sa pahinga.
"Ok guys. Wala ng atrasan to' ah. Wala nang pwede mag back out."
Lahat sila tumingin sakin, mukhang hinihintay sagot ko kaya sinabi ko nalang na "OK."
"Good! Take your rest today para may energy ulit tayo bukas. Good luck satin lahat!"
Pauwe na ako ng makarecieve ako ng text kay Cassandra. Actually kanina pang umaga siya may text, wala lang ako sa mood na replayan siya. Nagtatampo pa din kasi ako sa kanya.
"Ingat pag uwe Nic. Good luck bukas. Miss you na."
"Alam na alam pauwe na ako ah. Salamat."
"Nagreply din oh! Malakas kasi radar ko e. Kita kits bukas. :*
"Kita kits. Sige nasa byahe ako."
"Ingat. :)"
Simpleng usapan lang pero nawala pagod ko. Hays Cassandra bakit ganyan dating mo sakin. Lakas tama na ako.
-----
A/N: Sorry late na. Promise matatapos ko ito. Maraming salamat sa lahat.