Chapter 13

281 9 0
                                    


Cassandra's POV





"Happy monthsary!"  Napalingon ako sa nagsalita mula  sa likuran ko at kasabay nun ang paghalik nya sa pisngi ko. Nahalata nya ang gulat na gumuhit sa aking mukha. Umupo sya sa tabi ko.





"Isang buwan na tayong nagpapanggap. Nakalimutan mo?"  Tanong pagtatampong paalala nya saakin.




Napakamot ako sa ulo ko. Oo nga pala. Nawala sa isip ko.




"Buti nalang wala akong gift. Hindi sayang."



"Sorry.." Yun lang nasabi ko kasi trip lang naman namin yung deal.



"Ayoko na sumayaw. Wala na ako gana."



Hala sya! Nagmaktol na. Audition kasi ngayon ng mga dancers sa school para sa paparating na intrams. At kasama si Nic dun kaya naka P.E uniform sya ngayon.


"Uy sorry na. Bawi ako sayo mamaya. Promise!"



"Tinatamad na ako." Nakasimangot pa din sya.



Yinakap ko na sya ng pasimple, kasi nandito kami sa Computer laboratory. Java subject namin.



"Sorry na talaga." Tiningnan ko sya, mukhang bibigay na. Tumingin sya sa orasan nya.



"Sige na. Yung promise mo uh."



"Opo!" Mabilis na sagot ko sakanya.


Tumayo na sya at dumiretso sa harapan ng lab para puntahan prof namin. Siguro magpapaalam na sya, after nun deretso na sya sa pinto at bago sya tuluyan lumabas tumingin muna sya saakin at ngumiti.



"Happy monthsary too." Bigkas ko sakanya ng walang boses at tuluyan na sya umalis.








15mins ang nakalipas at natapos din ginagawa ko. kailangan ko talaga bumawi dahil alam kong nagtatampo pa din yun. Pinasa ko ang program na ginawa ko sa prof ko at pina dismiss na nya agad ako.


Dumeretso agad ako papuntang gym, sana maabutan ko sya. Napabilis ako ng lakad ng marinig ko ang familiar na tugtog na galing sa gym.



Napangiti ako, dahil sakto lang pagdating ko. Simple lang sayaw nya pero may angas. Itinuro na rin nya saakin ang mga step kaya familiar saakin ang tugtog. Dapat kasi dalawa kami sasali, pero ayoko kasi ng mahabang practice, madali akong mapagod.



Nasa last part na sya ng sayaw nya, at saktong napatingin sya saakin. Ngumiti sya, pagkatapos niya sumayaw kinuha nya ang kaniyang bag at dumertso sya agad sa akin.



"Galing naman nya." puri ko sakanya.


"Ako pa! Tara na." Aya niya sa akin.


Nagulat naman ako kasi hindi pa tapos audition at wala pang announcement.


"Uh? bakit?"  Tanung ko sakanya.


"Babawi ka diba? alis na tayo dito."


"Teka. hindi mo ba hihintayin yung result kung nakapasok ka?"


Napangisi sya.


"Don't worry. Makakapasok ako. Sure yan."


At tuluyan na nya akong hinatak. Minsan lang sya magyabang pero sigurado naman sya, kaya hinayaan ko nalang.







Nandito kami ngayon sa favorite kainan namin. May 1 hour break kami, then after nun class ulit.


"Ang dami bagong sumali?" Tanung ko sakanya habang kumakain kami.


"Yup. Halos lahat freshman."


"Tapos sigurado kang makakapasok ka?"

Natawa siya sa sinabi ko.


"Wala ka talagang bilib sa akin noh?"


"Hindi naman sa ganun. Maganda ng sigurado."


"Kailangan nila ng magaling sumayaw na maganda. Satisfied?"

"Yabang mo talaga!" lakas talaga ng fighting spirit ng babae na ito.


"Tiwala lang kasi!"


"Ok. Sabi mo e." Suko na ako sa kayabangan ng babaeng to'.







Tapos na break time namin, dumeretso na agad kami sa school. Habang naglalakad sa hallway may nakasalubong kaming lalaki. Laking gulat ko ng ngitian nya ako. Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya, kasi hindi ko sya kilala. Hanggang sa nakalagpas na siya ng wala akong response sakanya.



"Kilala mo?" Tanung agad ni Nic pagkalagpas niya saamin.



"Hindi."  Tanggi ko




"Eh bakit ka nginitian?" Napatingin ako sakanya. Seryoso mukha nya.



"Schoolmate? Hmmm baka friendly lang si kuya"



"Friendly? Ikaw lang nginitian?  Naku may nabihag kana naman."

Natawa naman ako sa sinabi nya. Freshman ata si kuya or transferee, kaya di namin kilala.





"Nic!!"


Napalingon kami ni Nic sa tumawag sakanya, alam ko isa siya sa nag audition kanina.


"Oh Joy. Bakit??" Tanung ni Nic sakanya.


"Umalis ka kaagad kanina, di' mo nalaman result."

Tumingin sa akin si Joy. "Hi Cassandra."


"Hi." Bati ko sakanya.



"Anung result?" Tanung ni Nic sakanya.


"Pasok ka! Next week na start ng practice." Excited na balita nya kay Nic.


"Good! Thanks for the info."



"Sige. May class pa ako. Kita kits nalang." Paalam niya kay Nic at ngumiti siya sa akin.


"Bye." Paalam namin ni Nic sakanya.

Humarap saakin si Nic na may mayabang na ngiti.


"See."


"Oo na. Ikaw na magaling!" Irap ko sakanya.


"Tara na. Late na tayo."




My Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon