First Day

1.2K 22 5
                                    

5mins..

10mins...

15mins..

20mins..

"JANNAH NICOLE!!! Ang ingay ng alarm clock mo! Gumising kana! Unang araw ng pasok mo!!

Naman!! Si mama naman oh!! Panira! Wait, anung sabi nya? Pasok? Unang araw? Napatingin agad ako sa cellphone ko. Shemay!! Malalate na ko!

Matapos ang mahabang preparation, eto ako ngayon malapit na sa school, kasama ang aking ina, ihahatid daw nya ko bago sya pumasok sa work.. Like a kinder lang.

Mukhang napaaga pa ata ako uh, sarado pa ang school, pero may mga studyante na, halos lahat ata mga new student, ang iingay nila, sakit sa tenga!! Until I've noticed the girl, nasa gilid sya kaya side view lang natatanaw ko sa kanya. Maganda sya, genius look, dahil siguro sa eye glasses nya, ganda ng ilong nya, ang tangos!! Inggit ako. Habang nakatitig ako sa kanya maya-maya lumalakad na yung mga maiingay, actually pati sya, bukas na pala ang gate.

So lumakad na din ako, tinatanaw ko pa din sya, may mga lumalapit sakanya, nag hi at hello. Sikat agad?? Teka parang isang way lang pinupuntahan namin uh. Alam ko mata ko lang sumusunod sakanya hindi mga paa ko. Hanggang sa na realize ko na iisang room lang pala kami. I guess, classmate ko sya. Nakahinto sya sa may pinto, may pagkasuplada yung dating nya kaya ako na nagsalita.

"Miss room403 ka?" Tanong ko sakanya, tango lang sinagot nya. Aba naman!!

"Tara! pasok na tayo."

Sya una pumasok, kaya tumabi ako sakanya. Feeling close talaga ako e.

Maya-maya may mga pumapasok ng studyante, old student ata, mga naka-uniform na kasi, kaming dalawa lang mukhang new student dito. Tiningnan ko sya, dedma lang. Napaisip ako, mukhang mali ata kami ng room. Ginawa ko pumunta ako sa pinto, kase may schedule na nakapost dun. Hmmmm Friday pa kami dapat dito. Bumalik ulit ako at kinausap sya.

"Miss, Mali tayo ng room, Friday pa schedule naten dito." Halatang nagulat sya, sabay tingin sa form nya.

"Uh? San tayo? E yun nakalagay sa form ko?

Napasmile ako ng konti, nagsasalita pala sya.

"Ewan ko? Tara, labas tayo. Hanapin natin." Tumayo agad sya, pagkakuha ko ng bag ko.

Hanap naman kami, may lumapit samin lalaki na mukhang sya ang head ng school.

"New student?" Tanong ng dean samin.

"Yes sir." Sya na sumagot.

"What course?"

"B.S Computer science sir" sagot ko naman.

"OK, room 301 and meet Ms. Ez."

"OK sir, Thank you." Sagot nya.

"Thank you sir." Sagot ko naman.

Ngumiti lang sya at umalis na din.

Pagpunta namin dun, Arggh ang daming studyante, parang late pa kami. Sya na Kumatok at pinapasok na kami, tumabi ulit ako sakanya sa second row. Pag tingin ko sa white board. Wow! Ganda at sexy ng prof namin, I think nasa 20's lang sya. At dahil late kami, huli kami magpapakilala, pero bago yun magpapasa kami ng 1/4 paper para sa attendance, habang nagsusulat sya tinitingnan ko paper nya hindi para mangopya, kundi malaman pangalan nya, di ko kasi ugali magtanung ng pangalan. At ayon ang ganda ng name nya, bagay na bagay sa ganda nya. Pshhh.. Anu ba tong sinasabi ko.. Tumayo n sya at nagpakilala na.

"Hi. I'm Kristina Cassandra Martin, you can call me kc," sabay insert ng ngiti. At sumunod na ko.

"Hello! I'm Jannah Nicole Montes, Nic for short."

After ko magpakilala, nagsimula na mag discuss si Mam ganda, puro layout lang ng prelim, tapos break na. Inaya ko sya kumain, ngumingiti na sya kahit papaano. Pero teka nauuna sya maglakad at di ako sinasabayan. Argghhh... Mauubos na talaga kabaitan ko, konti lang kaya dala ko. Nakaheels pa ko oh, tsk tsk. Maya maya lumingon sya ng nakasimangot, problema nya?

"San tayo kakain?" Yun naman pala, naliligaw si ganda.

"Tara! Sunod ka sakin." Sabi ko.

Nakarating na kami ng canteen, tahimik lang ako, dami ko gutom.

"Anung style ng uniform mo?"

Ay! Anghel!! Nu ba yun, biglang nagsasalita.

"Ahmm yung skirt na style. Ikaw?" natatawa ako ng palihim, ang lambing kasi ng boses nya, parang batang anghel.

"Yung pants na style, magmumukhang maliit ako lalo sa skirt." Sabi nya ng seryoso.

Ang daming words nun uh. Hahahah nilait pa sarili, cute kaya ng height nya.

After 1hour bumalik na kami sa room para sa next subject. Umupo sya sa first row, ako sa second row pa rin kasi ayaw ko nga napapansin ng prof. May tumabi sakanya dalawang lalaki, mukhang close nya kasi nakikipagbiruan sya.. Hmmmpp pag sakin suplada. Di wag!!

Yun!!! Uwian na! Na miss ko toh! Deretso uwe na ko. No goodbye sa lahat. Nagmamadali na ko umuwe dahil miss ko na matulog sa hapon. Hayss, natapos din unang araw ko ng college.

A/N:

Thank you guys. Especially to @nathalieshinpark lalim nun uh, san mo kinuha yun?

My Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon