Cassandra's POVLaboratory namin ngayon. It means gagawa na naman kami ng program. At si ma'am Ez ang professor namin.
Mararamdaman mo ang tensyon sa loob ng class room. Wala ni isa tumabi sa akin sa takot na madamay silang lahat. Kinausap ko si Raymond na dumistansya muna sa oras ng klase ni ma'am Ez. Katabi nya ngayon si Arwin.
"Ms. Montes! You're late!"
Lahat kami napalingon sa pintuan. First time masita siya ni Ma'am Ez dahil sa late niya pumasok.
"Sorry Ma'am" kalmadong boses ni Nic.
"You may sit down.."
"Thanks."
Nilibot nya paningin nya sa buong klase. Inaasahan ko na hindi siya tatabi sa akin. Tinext ko kasi siya kagabi na iwasan muna nya ako. Wala s'yang reply pero alam kong ayaw nya madamay.
Napakunot ang nuo ko ng mapansin kong ngumiti siya sa akin at lumalapit.
"Hi." Bati nya sa akin at busy na siya sa pag-open ng computer nya.
"Did you received my text?" Mahinang tanong ko sa kanya.
"Yup." Sagot nya sa akin habang nakafucos na siya sa computer.
"Diba--"
Pinutol nya sasabihin ko.
"Yun ba gagawin? Turo nya sa white board.
Tumango ako. Pero hindi pa din ako mapakali.
"Nic.." Tawag ko sa atensyon nya. Tumingin siya sa akin with a serious face.
"Walang iwanan. Magkaibigan tayo diba?"
"Pero Nic...."
"40mins nalang natitira kong oras para makahabol sa ginagawa mo. Tama na yan."
At ayun bumalik na siya sa ginagawa nya. Bumalik nalang ako sa ginagawa ko. Magkaibigan? 'Yan ang paulit ulit na pumapasok sa utak ko. 3 months palang kami magkakilala. Wala ako masyadong alam sa kanya, siya din ganun sa akin. Dahil pag magkasama kami puro kalokohan nagagawa namin. Pero pansin ko na may tiwala siya sa akin. Ako, aaminin ko na mahirap ako magtiwala sa tao. Lalo na sa babaeng kaibigan. Dahil walang tumatagal na kaibigang babae sa akin. Ang main reason, insecurities. Kaya inaasahan ko na din na hindi kami dadating ni Nic sa salitang Mag-bestfriend, kahit 'yun ang alam ng lahat ng nakapaligid sa amin. Pero sa panahon ngayon dapat na ba ako magtiwala sa kanya??
"Who's finish?!"
Nabalik ang atensyon ko ng madinig ko ang boses ni Ms.Ez. Ang cold pa din nya.
Isa-isa na nya tinitingnan ang gawa ng mga classmates namin. Walang error sa program nila. Confident naman ako sa program ko.
"Error!!" Napalingon ako kay Nic. Nagka-error program nya. Problemado siya'ng inaayos yun.
At ngayon, yung akin na tinitingnan ni ma'am. Automatic lumaki mata ko ng makita ko ang salitang "ERROR" sa screen ng computer! Paano nangyari yun.